Hello to all the avid readers of spookify.
By the way, I am Cherry. I just want to share the story that my mother told us since we were little kids. I'll make this short. So here it is.
Medyo bata pa daw si Mama non at sa probinsya pa sila nakatira kasama ng Nanay niya (Somewhere in Quezon province). Marami daw siyang creepy na karanasan don. Mga asong singlaki ng tao. Baboy ramo na humahabol sa kanila etc. But this one is the most creepy of them all. Meron kasing pamangkin si Mama dun. May sakit siya na malubha, I don't know kung ano specifically. So yung pamangkin nya na yun madalas si Mama at Lola ang nagbabantay at natutulog kasama non. Yung bahay nila Mama nun is made of bamboo. Pati sahig is kawayan din. Everytime na matutulog sila dalawa ung banig nila. Isa para kay Mama at Lola tapos isa para dun sa bata. One night, nakatulog na si Lola pero si Mama medyo gising pa dahil binabantayan niya ung batang may sakit. And then naramdaman daw niya na umuusod ng kusa ung banig na hinihigaan nung bata papunta sa sulok ng bahay nila which is dun sa sulok na yun ay may butas, siguro nasira o ano. Kaya agad agad niya itong ibinalik sa pwesto katabi nila.
Paulit ulit daw na lumalayo ung banig at paulit ulit niya din hinihila ito pabalik sa kanila. Pero since medyo bata pa si Mama non, hindi nya alam ang gagawin nya. Hindi na din nya nakayanan magbantay at tuluyan na siyang nakatulog. Paumaga na nung nagising sila ni Lola at huli na nung nakita nila na ung banig na hinihigaan nung bata ay nasa sulok na, dun mismo sa may butas. Wala na din ung bata dun sa banig kaya dali dali nilang binuksan ung pinto para hanapin ung bata. Pero bago pa daw sila makalabas ng pinto, nakita na nila ung bata. Nakahandusay sa baitang ng hagdan pababa. Nakadapa. Wakwak ang likod. Halos maubos ang lamang loob at wala na daw buhay. Nung time na yun hindi na daw sila nagdalawang isip pa sa kung ano ang nangyari. Alam na nilang aswang ang may gawa. Inaswang ang bata na may sakit.
Napaka creepy po talaga pero totoo daw po ito. Kasabihan din po kasi sa probinsya na ang mababango sa aswang ay mga batang bagong panganak at lalo na yung may malulubhang sakit. I'm not forcing everyone na maniwala pero para sa mga taga province, alam kong alam niyo to.
Thank you for reading my mother's story.
Cherry
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree