Ang pagsubok na nakakatakot (Part 2)

228 0 0
                                    


Salamat sa mga Pumuri sa binahagi kong kwento dito sa Spookify.. Tara Simulan na natin Ang mga kagimbal gimbal na mga Tagpo sa kwento namin ni buddy at mga nakaSama rin namin.
Tinanong ako ni buddy kung anong Pagsubok ang Haharapin niya. "Kailangan mong Harapin ang Takot mo, Gagawin Mo ito Ng 9 na biyernes (friday) at dapat walang palya, alas 9 Sa Simbahan o kahit sa Chapel basta Sagradong Lugar. At kapag ginawa mo na ito bawal ka uminom o kahit anong bisyo Dahil isa itong Sagradong Ritwal, Kailangan wala kang iisipin, Problema, Sex, o kung anu pa man Kailangan bou ang loob mong gagawin ito. paalala ko lang sayo Buddy kahit anong makita mo o maramdaman mo Huwag na Huwag kang magpapadala kung matatakot ka Fucos ka lang Sa sisindihan mong Kandila sa Altar Dapat ang paningin mo ay nasa Nakasinding kandila lang Huwag kang lilingon at huwag kang pipikit, May mga aagaw sayo ng Attention at madidistract ka, Pero hayaaan mo lang Hindi ka nila masasaktan sinusubukan ka lang nila. Ang tinutukoy ko ay ang Magpaparamdam na kaluluwang Hindi pa natatahimik. Sasabay sila sa pag aakala nilang Matutulongan sila. Tandaan mo lang na ang kaluluwang pumanaw na ay ugali din andun yong mga masama at andun din ang mga mababait. Yong mga masasama sila talaga yong magdidistract sa gagawin mo lalapitan ka nila. Pero hindi ka naman kayang saktan, Sasabat ka sa dasal na Latin na ibibigkas ko. At pag natapos natin Dirediretso na tayo lalabas, Walang Magsasalita Tahimik natin lilisanin ang loob at dapat nakahanda ang Pausok natin sa labas na lalagyan natin ng kamanyan o ensenso para Hindi tayo nila susundan pag uwi, buddy kaya mo to kinaya ko nga dati na ang gabay ko lang ay kaluluwa lang ng papa mo." Pagkasabi ko nito kay buddy, Namotla siya at nanginig parang Ayaw niya na gawin. "Kailangan ko ba talaga gawin ang kahibangan, sinasabi mo pa lang Para na akong Tinatangalan ng Hininga Di ba pwedeng proxy na lang si Moi.." Sagot sa akin ni buddy na parang dinaan na lang sa biro, Gusto ba naman idamay si Moi. "Di ba sabi ko Hindi mo matatakasan to, Mapapahamak ka Malalagay ka sa alanganin. Permanente na ito buddy hanggang sa huli natin dito sa mundo Ipapasa rin natin ito sa kahit sinong Gustohin natin pamilya kaibigan basta sa tingin natin ay karapatdapat, Tandaan mo lang ito buddy, Na sa Oras na itoy nasimulan kahit isang beses lang Hindi ka na pwedeng Humindi Dahil panunumpa mo na ang unang Ritwal. Gabay natin ang diyos sa Gagawin natin, Diablo at kasamaan ang kalaban natin." Paalala ko buddy. "Para tayong Ghost Fighter nito Ikaw si eugene at ako si alfred kung ganon." Pabiro na sinabi ni buddy na alam kong Tactica nalang niya yun para labanan ang takot niya. "Umiral na naman pagka Kinkoy mo, Wala tayong kapangyarihan niyan Magkakaroon lang tayo ng Abay na Tiyak magpaparamdam sayo sa tuwing may Mga disipulo ng kadiliman. Makakita ka na ng mga Elemento at mararamdaman mo sila kahit nasaan ka, kaya ko nasabing wala tayong kapangyarihan dahil tatablan tayo ng sakit, at kahit Kulam. Hindi rin natin Pwede gamotin ang ating sarili. Kaya ibayong pag iingat , Magtulongan tayo buddy. Dahil kaya lang natin sila pigilan at labanan gamit lang ang Dasal na itinuro ng ama mo." pagkasabi ko non kay buddy, Tumayo siya at sinabing "Sige sa darating na biyernes Gagawin natin yan, pero grabi Wala talagang Alak at sex kapag ginawa ang ritwal ritwal na yan? Nakakapanghinayang baka magtaka si karla." Tumatawang sinasabi ni buddy sa akin, Napa iling ako sa sinabi niya. Balasubas talaga tong si buddy kasi.
[FastForwarD]
Dumating ang Araw ng Biyernes at Hapon pa lang non nag uusap na kami ni buddy sa aming paghanda, Panay tanong niya sa akin na parang nagdadalawang isip na siya kung itutuloy pa ba namin o hindi. Naputol lang ang usapan namin kasi lumapit sa amin sina moi at ang partner ko.
[FastForward again]
8pm pa lang Lumabas na kami ng bahay ni buddy nagpaalam kami sa pamilya niya na Pupunta kami sa pinsan nila may hihiramin lang (alibi lang namin baka magtaka sila) Pagdating namin sa Chapel agad kong hinanda ang paUsok na may kamanyan (parang insenso) Pero hindi ko pa sinindihan. Kapag ganitong oras na kasi Tulog na ang mga tao sa purok nila o kaya nasa loob na lang ng bahay Wala ng lumalabas. Balik tayo sa kwento, Pumasok na kami sa loob ng Chapel at hinintay ang oras na mag alas nwebe. nakiramdam muna ako sa paligid, tanging kuliglig lang ng gabi ang maririnig at malamig na hangin at tanging ilaw ng poste sa highway ang liwanag na nababanaag sa loob ng chapel. Muli kong pina aalalahanan si buddy gaya nong sinabi ko. Hingang malalim lang ang Tugon niya, Sinabi ko na magtiwala ka sa sarili mo at sa akin Hindi ko hahayaan mapahamak ka dahil lagot ako kay partner. Nong sinimulan na ni buddy ang pagsindi ng kandila Fucos lang siya na nakatitig sa apoy nasa likod lang niya ako nakatayo kami pareho sa harap ng altar ng chapel. Tumalikod na ako at naka harap na sa pintuan ng chapel bali nag back to back kami ni buddy. Sinimulan ko na magdasal ng latin, sumasabat din si buddy. Mayamaya pa Lumakas ang hangin parang matotoklap ang bubong ng chapel at yong mga puno sa labas parang mabubuwal. Pero yong kandila kahit hindi ako nakaharap alam kong hindi yon Basta basta mamatay kahit hipan mo pa. Patuloy kami sa ritwal at mga 5minutes lang, Nagsimula ng magsiDatingan ang mga Kaluluwang hindi pa natatahimik. Unang pumasok isang lalaking naka barong na hiwa sa leeg at sumunod ang isang matandang babae na kuba. May mga batang nagtatakbo na sa paligid, Napalunok ako ng sariling laway sa mga natonghayan ko dinanas ko na kasi dati Heto na naman. Ramdam ko ang panginginig ni buddy dahil nakasandal kami pareho sa likod. Dumami ng dumami ang mga kaluluwa sa paligid may babaeng maganda na nakangiti lumapit talaga sa akin Face to face, At sa kay buddy Yong Salbahing Lalaki na may mga tatoo may Mga butas ang katawan niya Akala ko tatakbo na si buddy non eh Talagang didikit kasi yong mukha nila sa mukha namin. buti nalang si buddy sinunod niya yong mga sinabi ko na fucos lang sa kandila ang tingin hayaan ang mga magdidistract na kaluluwa hanggang dyan lang naman sila tatakotin ka para matigil at mapahamak ka at pagminalas mamamatay ka at magiging isa ka na sa kanila. Tinapos namin ni buddy ang nakakilabot na gabi pagkatapos niyang manumpa at tinabihan ko si buddy at sininyasan ko siyang Patayin ang kandila sa pamamagitan ng daliri yong hintuturo at hinlalaki iipitin ang pabilo ng kandila para mapatay yong apoy. ginawa niya at Tahimik kaming lumabas Yong mga kaluluwa gusto kaming hahawakan at sinusundan kami ng tingin, may bata na babae nakahawak sa akin Tingin ko sakit kinamatay non kasi wala siyang sugat. Nong nasa labas na kami sinindihan ko ang pausok namin at pinausokan ang aming sarili at patuloy na naglakad palayo sa chapel. Hindi na sumunod yong mga kaluluwa, Basta wag mo lang lilingunin. Pagka uwi namin kinatok namin ang pintuan at pumasok na sa loob. tsaka pa kami nagsalita ulit ni buddy. Bakas sa Hitsura niya ang takot at si partner na nag lalaro ng clash of clan hindi pa natutulog, lumabas si karla sa kwarto at sinabihan si buddy na matulog na.
Abangan niyo ang karugtong ulit Marami pang Pagsubok ang mangyayari sa buhay namin at kilalanin ang makikilala namin ni buddy. May kakaiba ka kasi talaga sa kanya... alamin niyo kung sino siya sa pagpapatuloy ng Kwento..

God bless sa atin lahat,
Silent Rasta

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon