Heto na ulit ang karugtong ng aming kwento ni Buddy. Salamat sa mga Nananatiling Sumusubaybay dito sa Spookify Page. Mahaba haba pa ang Story na ito, kaya Tara at Simulan na natin...Nakatulog Ako sa Sofa ng Gabing Yun, kaya Lumabas itong si Buddy at nakipaglaro ng Baraha sa labas. Naiwan ako sa Sofa at sa Kabilang upoan naman andun ang isa kong Pinsan na natutulog din. Nagising nalang ako kasi may yumakap sa akin na malamig. Pagdilat ko nakita ko ang Multo ng isang Bata, pero kilala ko ang Batang Multo... siya ang isa kong Pinsan na kritikal sa Hospital na Anak ni Tita Gina... Hindi ako nakagalaw at nagtitigan kami ng kaluluwa ng Pinsan ko, Bigla niya itinuro ang Labas ng Pintuan. Sinundan ko ng Tingin ang Itinuro niya, Paglingon ko ulit sa Harapan ko ay Wala na ito. Alam ko na may ipinapahiwatig siya at may kinalaman ito doon sa hospital. Nakikita ko sa Isipan ko ang nangyayaring Tension doon, Alam kong May madedisgrasya na naman... Kaya Agad akong Tumayo at Lumabas, nakita ko ang ibang mga Tita ko na Abala sa pag aasikaso sa mga nakikilamay sa kanilang kapatid. Nilapitan ko si Buddy na nag lalaro ng Baraha kasama ang mga kamag anak ko. "Buddy alis muna ako, Punta lang ako sa Hospital. Dito ka lang muna..." bulong ko kay Buddy at tinapik ko ang balikat niya. Hiniram ko ang Motor ng isang pinsan ko dahil wala ng masasakyan nong mga oras na yun. Habang nagpapaandar pa lang ako sa Motor. Narinig ko si Buddy.. "Bayaw... Hintay!... sama nalang ako sayo...!" Kaya hinintay ko siyang umangkas sa likod. "kapit ka dyan maigi budds... Kailangan ko kasi umabot sa Oras..." Pinatakbo ko na ang Motor, Sa sobrang Bilis nag Reklamo si Buddy. "Bayaw balak mo ba sumunod sa Tita mo? kung magpatakbo ka kala mo Sasali ng Racing... Parang Tutuboan na ng Pakpak ang Motor, lilipad na tayo....! Dahan dahan lang bayaw, kinakabahan na ako sa takbo na to...!" Mahigpit na ang pagkakapit ni Buddy at Halos gumiwang giwang na ang Likuran bahagi ng Motor sa sobrang lakas ng pagpapatakbo. pero kahit ganun kabilis yong takbo Nagdadasal ako, Nakikita ko kasi ang Multo ng pinsan ko na nasa unahan at nawawala kapag nalalampasan at lilipat na naman sa isa pang unahan na parang nag ga guide siya na bilisan namin... "Bayaw, Pag sumimplang to Dapat Slow Motion ha para di tayo masyado mapurohan... Hindi na to Biro takot na ako sa Pagpapatakbo mo....!" Mas lalo ko pang binilisan ang Takbo ng makaramdam na ako ng Kaba. dahil binigla ko ang pagpapabilis muntik pala makabitaw si Buddy..."Bayaw muntik na ako mahulog...! May LBM ka ba ? bakit ka ba nagmamadali...? Huminahon ka naman..!" Pasigaw na ni Buddy na inilalapit niya mukha niya sa likod ng Tenga ko. Pagkarating namin sa labas ng Polymedic Hospital, Una bumaba si Buddy sa Motor na Inaayos ang buhok niyang nagulo dahil sa hangin. "Grabi ka bayaw, Halos ihulog mo na ako kung magpatakbo ka ng motor, may Galit ka yata sa akin eh... mamaya ako na magdrive ha, Mapapatigil edad natin sa ginagawa mo eh..." Natawa nalang ako sa mga sinasabi ni buddy. "Tara na.. Na lock ko na tong Motor... kanina ka pa maingay buddy..." Binilisan namin pumasok sa hospital. at alam niyo ba na ang daming Sumalubong sa amin. mga Hindi matahimik na kaluluwa. yong iba iyak ng iyak, yong iba parang di pa nila alam na patay na sila at wala sa sarili na pagala gala sa paligid ng Hospital. pero Dahil sanay na kami ni Buddy, Tumatagos nalang sila sa amin kapag nadadaanan namin sila. Pagkarating namin malapit sa kwarto ng mga pinsan ko, nasa labas si Tito Bem ang Ama nila. Balisang Balisa ito... kaya nilapitan ko, "Anong Nangyari tito? Bakit po kayo Balisa dito sa Labas?.." Hindi ako sinagot ni Tito Bem, Humagolgol nalang ito bigla sa pag iyak... Hindi na ako nagtanong kasi alam kong Punong puno na siya sa Problema. Lahat kase ng anak niya nasa Hospital, yong Asawa niya na Tita ko naka Burol sa Bahay nila. Sumandal nalang ako sa Dingding na minamasdan si Tito bem. Mayamaya pa May Doktor na Paparating sa Amin may dala dala siyang result paper... Kinausap ng Doktor si Tito Bem. Narinig ko ang Sinabi ng Doktor na May Taning na ang isang Anak ni Tito bem na si Ruby, May nakita daw kasing Dugo na namuo sa Utak nito. siya yong batang nagpakita sa akin. Buhay pa ang Katawan niya pero ang kaluluwa niya ay Gumagala. Hindi ko alam ang Gagawin ko dahil sa ganitong Sitwasion ay Di ko kayang Gumawa ng Milagro. Hindi naman kasi ako Diyos para mapigilan ang Kamatayan ng isang Tao, Nong Umalis ang Doktor may mga Sinabi si Tito Bem... "Bakit...? Bakit...? Ang Pamilya ko pa...? Ano ba kasalanan ko sa Diyos...? Bakit mo kami pinaparusahan ng Ganito Diyos ko...? Ngayon ako Humihiling sayo kung Totoo ka, Kung Totoo ka talaga...Pagalingin mo ang mga Anak ko, Huwag mong kunin si Ruby sa akin... Kinuha mo na nga ang Asawa ko pati ba naman mga Anak ko Kukunin mo rin...! Tama na.... iparamdam mo sa akin na Totoo ka Diyos ng Sanlibutan...!"Ito ang mga Katagang narinig ko kay Tito bem habang Umiiyak na Sinusuntok pa ang Dingding na cementado. Gusto kong Pigilan si Tito bem sa mga Sinabi niya at pag Question niya sa Diyos Ama dahil Mali yon. Sininyasan ko si Buddy na Tahimik lang, lalabas muna kami ng Hospital. Pag labas namin Sumakay kami uli ng Motor at si Buddy na ang Nagmaneho, Pumunta kami ng Nazareno Church na malapit lang naman sa Hospital. Doon Kami nagdasal ng Taimtim, kahit Sarado ang simbahan sa Labas lang kami. Tinawag namin ang Maestro kailangan namin ng Tulong niya, mayamaya pa Hindi kami binigo ng Maestro. Dumating ito, "Salamat at Tumawag kayo kaagad, Alam ko na kailangan niyo ng Tulong ko. balikan niyo ang Hospital, Bilisan niyo at kailangan niyong Maabotan ang Ama na Punong puno ng Problema..." Batid kong may Malalim na kahulogan ang sinabi ng Maestro sa amin. Kaya di na kami nagsayang ng Oras at Ako na nagmaneho, Binilisan ko ang Pagpapatakbo pero di na umalma si Buddy kasi alam niyang Emergency na ito. Pagdating namin sa Hospital, Tuloy tuloy na kami kaagad sa Kwarto ng Mga Pinsan ko. Wala si Tito Bem dito... "Asan kaya si Tito Bem...? Bakit siya Wala dito.." Pagtataka ko, Agad naman nakaSunod pumasok sa kwarto ang Maestro. May ginawa siya kaagad na Ritwal, Hinipo niya sa Noo ang mga Bata na malubha ang Kalagayan, Hinipan niya ito ng Dasal. May kinuha siyang Maliit na Bote na may laman na Langis. At ipinahid sa mga noo ng mga bata., "Hanapin niyo ang Ama ng mga Bata dahil May binabalak siyang kitilin ang sariling Buhay niya... Pigilan niyo dahil hindi niya kontrolado ang pag iisip niya. Ginawa ko na ang lahat, tinulongan ko na siya kaya ipaabot niyo sa kanya na dininig ng Diyos Ama Ang Hiling niya.... sige na mga Anak kong Puting Tupa Hanapin niyo siya bago pa mahuli ang lahat." Agad kaming lumabas ni Buddy na nagmamadali. "Saan ba natin mahahanap yung Tito mo eh ang Laki laki ng Hospital na to." Sabi ni Buddy. "Maghiwalay tayo Buddy, Hanapin mo siya sa ibaba at doon ako sa itaas..." Sabi ko kay Buddy na Sumang ayon naman siya.Nong nasa itaas na ako ng Hospital panay lingon ko sa paligid nagbabakasakali na makikita ko si Tito Bem. Pero bigla tumawag si Buddy sa celphone ko... "Bayaw, Nakita ko na Tito Bem mo... sinusundan ko siya ngayon, lumabas siya ng Hospital. Hindi ko alam kung Saan siya Pupunta pero iba pakiramdam ko tinatahak niya kasi yata papuntang tulay, yong nadaanan natin kanina.. Tinawag ko na siya pero di niya ako pinansin, parang Wala siya sa Sarili.." Pagkasabi ni Buddy ay mabilis akong Bumaba, Patakbo at tinatalon ko na ang Hagdanan, "Sige Buddy Sundan mo lang Siya Papunta na ako dyan... bumababa pa ako..." Pinutol ko na ang Tawag ni Buddy.Pagkalabas ko ng Hospital ay Tumatakbo ako sa gilid ng Daan para bang May hinahabol akong Snatcher sa Sobrang Tulin ng aking Pagtakbo. Nong Makita ko na si Buddy sa unahan na sinusundan si Tito Bem, Malapit na nga sila sa Tulay ng Marcos Bridge. kaya lalo ko pang binilisan ang pag takbo. at nang maabotan ko na si Buddy hiningal ako, at pinagplanohan namin na pigilan si Tito sa Balak nitong pagpapakamatay. Sinungaban ko si Tito at niyakap kaagad. "Tito Bem, wag mong gawin to, alam ko ang balak mo... Ayos na tong Problema mo Dininig na ng Diyos ang Panalangin mo... May mga anak ka pang naghihintay, Magaling na sila pangako yan...!" Ngunit kahit dalawa na kami ni Buddy ang tumulong na pigilan siya. Nakita namin pareho ni Buddy ang kakaibang mga mata ni Tito Bem. Itim na itim at wala ng Puti, ang lakas niyang taglay ay hindi na pangkaraniwan. Masasabi kong Sinaniban na siya ng Demonyo. nakawala siya sa pagkakayakap ko sa kanya. At sa pagkakahawak ni buddy sa kanyang kamay. Tumakbo na ito ng mabilis at napansin ko na parang sadyang may kakaiba talaga sa paligid. kasi walang dumadaan kahit isang sasakyan ng mga oras na yun. kahit naman kasi madaling araw marami pa rin dumadaan sa marcos bridge pero nong mga oras na yun wala talaga. Hinabol namin si Tito Bem at sumigaw ako na Wag niya itutuloy ang Balak niya. Pero nang Bigla siyang Huminto at Humarap sa Amin, Tumawa siya pero Kitang Kita namin na May Tumulong luha sa mga Mata niya. Ganun pa din ang Kanyang Hitsura maitim na maitim ang mga mata niya., Huminto kami ni buddy at Dahan dahan na papalapit kay Tito Bem, Ayaw namin Siyang Biglain baka kasi Tatalon siya kaagad. "Tito Bem, Pakiusap wag mo ituloy to... Wag ka padadala sa bumubulong sa isip mo, malaking Kasalanan sa batas ng Diyos ang Binabalak mo...." Mahinahon kong sinabi kay Tito Bem, Pero Bago pa man kami makalapit ng Tuloyan ay Tumalon nga Si Tito Bem sa Tulay. Dinig namin ang Paglagapak ng Katawan niyang Bumagsak sa Tubig. Natulala nalang kami ni Buddy sa Nasaksihan namin sa Ginawa ni Tito Bem na Pagpapakamatay Sa pamamagitan ng Pagtalon niya sa Tulay. Irereport na sana namin sa Pulis ng Biglang may Nakita si Buddy na Nakatayo malapit sa kinaroroonan namin. Si Totax na Panay Tawa ng Tawa.... "Ang Traydor na yan...! Siya may Gawa nito kay Tito Bem..." tinakbo namin ni Buddy si Totax sa kinatatayuan niya. at sa Paglapit namin "Oh mga Kapatid, Wag kayong Magalit sa akin. Tinulongan ko lang yong Tao na solutionan ang Problema niya... Kaya pasalamatan niyo ako sa ginawa kong Pagtulong mga kapatid.." Sabi ni Totax na sinabayan pa niya ng pagtawa. "Wala kang kasing Sama...! wag mo kaming tatawagin na kapatid dahil hindi ka nabibilang sa amin Traydor...! Kung Pwede lang kita Kalabanin Ginawa ko na pero dahil pinaalalahanan kami ng Maestro tungkol sayo kaya Wala akong Magawa... pero Tandaan mo to Totax ang laki na ng atraso mo Sa amin. Kinuhanan mo ng Ina at Ama ang mga Pinsan ko... Darating din ang araw na sisingilin ka sa pinagagawa mo...!" Halos sasabog yong Galit ko kay Totax at gusto ko na Siyang Sugorin at durugin pero alam kong Dehado ako gaya nga nong Paalala sa akin ng Maestro.Umalis si Totax at naiwan kami ni Buddy na Walang nagawa, Si Buddy tahimik lang at Ramdam niya ang Pagkakadesmaya ko. Inereport namin ito sa pulis at dumating din ang mga Rescuer. Ngunit bigong Mahanap ang Katawan ni Tito Bem... Abangan muli ang Karugtong nitong Kwento Mataas na kasi ito.May Mensahi lang ako na pahabol para sa lahat...Kapag ikay Nababalot ng Mabigat na Problema na may Halong Hinanakit sa Nangyayari sa Buhay, Huwag isantabi ang Diyos bagkus lalo pa dapat manalig Sapagkat ito ang kinakailangan, Dahil ang Mahinang Pananalig ang Siyang pinapasukan ang isip ng Kasamaan...God bless sa lahat.
-Silent RastaPs: Respetohin ang Kanya kanyang Paniniwala ng Bawat isa.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree