Case 6: Diyablo sa Pader

921 18 10
                                    


Hello po! Warning lang po sa mga readers, ang larawan na nasa istorya ay kuha po sa isang bahay na ginagawaan ng mga ritwal. At kahit na anong pahid ng pintura ng mga bagong may ari ng bahay ay lumalabas pa din ito at pag tinitigan ng matagal ay maaring pasukin nito ang panaginip niyo (Photo courtesy of Mon).

Pinaalam ko ito sa group kaya medyo natagalan ang paggawa ko nitong case at medyo mahaba dahil yung mga note dito is so profesh! Kaya mabibigyan kayo ng mga info about sa paranormal inv.

2011 kakatapos lang namin ni Jigz magmarch sa PICC at sa wakas natapos na din ang kalbaryo ko sa course ko na Psychology. Pero ang mga gig namin na investigation hindi basta basta tumitigil! Five days after nung marcha namin ay sumabak na kami sa isang napaka nakakakilabot na case. Tinipon kami ni Mon sa kanilang house at inannounce ang aking full membership (So graduate na din sa pagiging saling kitkit) tsaka niya dinetalye ang bagong case. Tinanong niya kami kung sino sa amin ang may karanasan sa paggawa ng mga ritwal? Or nakapagbasa na ng mga occult books. Halos lahat kami nagtaas ng kamay dahil kahit papaano ay kasama iyon sa mga research materials namin. Then doon niya pinakita ang isang slideshow ng isang pader na unti unting nagkakamukha, lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagtayuan sa nakita kong slides. Lalo na bagong pintura yung nasa slideshow.

Sabi ni Mon nung nagpunta siya at si Crystal sa bahay nung client napaka ominous nung lugar. Sabi nung client na yung dating nakatira doon sa bahay na iyon ay nagprapractice ng solomonic arts (Arts of conjuring spirits, good and bad). Sabi din na sa mismong kwarto kung nasaan ang sentro ng activity at kung nasaan lumalabas ang mukha, nakakarinig sila ng tunog ng pagring ng bell (Yung parang sa sorbetero) sa tuwing sasapit ang 4 ng umaga. Dahil na rin sa maliit ang bahay lahat ng tao roon ay naririnig ito. Hindi na nila nilagyan ng kama at kaya naman ay pinapatulog doon maging mga bisita nila, maliban na lang sa isang lamesa na iniwan nila doon dahil sa wala na itong mapaglagyang lugar. At meron din mga incident na pag nakikita nila ang mukha sa pader ay napapanaginipan nila ito. Sa pahayag ni client na hinahatak daw sila nitong nilalang na ito sa panaginip at kinakagat sila sa kanilang mga tagiliran na nagkakapasa sa paggising nila. Yung request na ito ay kinuha ni Mon dahil sa lapit nito sa QC. Kaya on that same day tumulak na kami.

Day 1

After nung orientation diretso na kami although full na yung van ni Dale sumakay na lang kami nila Crystal, Jigz at Diana sa kotse ni Seth, convoy ang dating namin! Binati ako ni Crystal ng WELCOME TO THE CLUB! Sabay sa tugtog ni Britney Spears na CIRCUS na tamang tama sa grupo namen, talagang CIRCUS NG MGA KABABALAGHAN! Natutuwa naman ako although ang hirap pagsabayin ng tuwa at pagkaseryoso dahil papunta kami sa isang delicate na situation at lugar dabah!

Wala pang thirty min. nandoon na kami pero natagalan kaming bumaba dahil sa pagpaparallel parking ni Seth. Akala namin didiretso kami ng kulungan!

Sa house ni client totoo nga ang sabi ni Crystal kakaiba, yung feeling at masasabi mo sa sarili mo ang mga salitang THIS IS WRONG! Pagkakapa ko sa doorway nung bahay andaming emotions ang naglalabasan, yung tipong umaapaw na at malapit ng sumabog. Sa loob kulob yung feeling at amoy sulfur at ozone (Both amoy mabaho at nasusunog) which by the way hindi ko pinaniwalaan until that time. Because kapag nagsama ang amoy na ito lalo na yung ozone na parang nasusunog na kandila yung amoy, that only means na tumatawid na mula sa spiritual plane to the physical plane ang isang entit, Kapag nangyari yon maski yung mga walang third eye ay makikita ang entity in the flesh! Kaya that time talagang on high alert ako, ang mas natatakot ako ay yung mga mukha ng mga kasama kong mga psychic na parang nagreready sa isang away!

Ayun pinakilala na kami ni Mon sa client and sa observation ko sa client parang hinang hina na ito, parang walang tulog. At nagulat ako dahil siya na lang ang nasa bahay dahil yung mga anak niya ay pinadala niya muna sa kanilang lolo at lola. Ssi client na lang ang natira sa bahay para bantayan ito, hindi halata na nag iisa lang siya dahil napakaayos nung bahay nila. Nadagdag din sa information namin na si client ay isang shinto worshiper (Shinto Gods and Goddesses ang religion ng mga japanese). Pinaakyat na sila Mon, Crystal at Seth, kami naman nila Jigz, Diana, Dale at Mark ang nagbaba ng mga video equipment for documentation. Nilabas ko ang box na may mga emf meters, voice recorders at yung tatlong laptop nung mga audio and video tech. Nang maipasok namin ang mga equipment kami naman ni Diana ang umakyat para tumingin. Sa second floor namin nakita yung maliit na shinto shrine at sa bawat pinto ng second floor ay may nakadikit na paper talisman (It is used to seal off entrances from evil spirits) pero yung sa gitnang pinto yun ang tadtad ng mga paper talisman. Dahil din doon kaya ganun pa din ang nararamdaman ko, si Diana walang maread dahil nakaseal yung kwarto so sinilip na namin yung kwarto.

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon