Hi silent reader here tawagin nyo nalang ako sa pangalan na beben (nickname) gusto ko lang din I-share yung kwento ko nung nag bubuntis yung gf ko hindi ko alam kung matatakot kayo o matatawa So simulan na natin mga 2months ng buntis yung gf ko that time at saamin na sya nakatira. Yung bahay namin ay hindi naman ganun kalaki pero may dalawang kwarto at malaking kusina at sala pero walang kuryente. So here we go kasama ko nun sa bahay yung nanay ko gf ko at bestfriend ko. Mga bandang 10pm habang nag hihintay sa bestfriend kung si Janry kase nag babantay sya sa computer shop at yung nanay ko naman ay nag iinum pa nung mga time nayun lagi ng maingay yung aso ng kapit bahay namin na parabang may nakikita pero hindi namin ito pinapansin. Mga 12am na ng madaling araw ng dumating bestfriend ko pumunta na sa kabilang kwarto at natulog na agad dahil sa pagod at ganun din kame ng gf ko pumasok na kame sa kwarto namin at yung nanay ko naman ay natutulog na sa sala . At mga bandang 2am ng madaling araw nagising ako kase umangungol yung aso ng kapit bahay namin at para bang may nag lalakad sa bubong namin na tao kase ang bigat ng yapak nya sa bubong impusible namang pusa yun at bigla nalang nagising gf ko at ganun din ang sinabi saakin baket maingay . At bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko at sinabi ko na mag dala ng unan at tumabi nalang tayo kay mama . At nung pag labas namin ng kwarto gising si mama at sinabi nya sakin na parang may tao sa bubong at sinabi ko sakanya na kaya nga kami lumabas at tumabi nalang dito. Nang biglang sumagi sa isip namin ng mama ko na baka inaaswang yung gf ko at sabi naman ng nanay ko na kumuha ka ng asin at kutsilyo agad akong pumunta ng kusina at kumuha ng asin at nag hanap ng kutsilyo at laking gulat ko na wala yung mga kutsilyo namin sa kusina . Pero hindi parin ako tumigil sa pag hahanap biglang nakita ko yung breadknife at yung nalang ang kinuha ko hahahahaha . Nung pag balik ko sakanila ang sabi sakin sabuyan ko daw ng asin yung kisame at bintana namin (yung kisame namin ay naka open kita agad yung bubong dun sa may part ng sala) ang hirap I explain. At nung pag labas ko ng kusilyo natawa sakin nanay at gf ko dahil breadknife yung dala ko at hindi padin sya natigil sa mga ginagawa nung aswang na pag paparamdam samin. Sa sobrang galit kunadin at takot pinag mumura kuna sya at pasigaw at sinabi ko na baket anak kupa kakainin mo pede namang anak mo at pinagsisigawan ko sya at pinapaalis ngunit bigla nalamang syang bagalit at may bumagsak sa bubong na parang malaking bato at pag tingin namin sa sahig ay puro lupa na nanggaling sa pag bagsak at bigla nalang kaming nataranta at pumunta nalang kame sa kwarto kung saan natutulog yung bestfriend ko at hindi parin kame makatulog nun at hinintay naming mag umaga nalang after nung malakas na pag bagsak dun sa bubong namin ay parabang umalis na at nanahimik yung bahay . . At simula nun nag lalagay na kame ng bawang at asin sa mga bintana at bubong namin . Salamat sa pagbabasa ninyo at sa spookify at marami pakong isshare sa inyo na creepy expirience na nangyare sakin next time . Nakakangawit sa kamay dahil sa phone lang ako nag ttype pasensya na kung masyadong mahaba .. Thankyou again . PS. 1yr old na yung bby ko at hindi nag tagumpay yung nang aaswang sa gf ko kase kakatayin ko sya dahil feeling ko kilala ko sya . HAHAHAHAHA
Beben
Molino.Cavite
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree