Yamada-kun and the Seven Witches (Part 5)

529 10 0
                                    


Ang bigat na ng atmosphere sa buong bahay. Lumapit sa akin si Tim. Tumapat sa akin. Naging active bigla ang mata ko. Pagkabukas nito, biglang gumulo ang vision ko. Parang may hinahanap. Umiikot ang paningin ko sa buong bahay kahit na hindi ko naman pinupuntahan pero nakikita ko. Bawat bagay na mahuli ng mata ko magfofocus siya. Hanggang sa nakakakita ako ng isang pambihirang insekto. Katulad nung paru-paro may markang bungo ito sa bandang pakpak. Para siyang salagubang pero mas mahaba na parang alupihan. Bumalik ako sa normal na paningin ko at pinuntahan ang insektong ito. Katulad rin ng paru-paro kasing laki ito ng plato. Kinuha ko ito at galit na galit sa akin si Maira dahil nakakadiri yung itsura nung insekto. Malaki ang mandibles nito. Enough para magkasya ang daliri ko. Kinagat nito ang aking palasingsingan. Pagkasipsip ng dugo ko ay muling nagbukas ang aking third eye. Pero hindi gaya nung sa paru paro, para na lang akong nanonood sa kinaroroonan ni Auntie Amy. Wala ng manifestation ng katawan ko. Tsaka somewhere naaaninag ko rin sila ate Rowena sa mismong bahay. Dalawa sa parehas na oras ang kaya kong makita. Kalagayan nila Ate at kung anong ginagawa ni Auntie Amy. Nakaready rin ang hukluban. Mukhang yung araw na ring yun ang final wave niya sa aming magkakapatid. May nakapulupot sa kanyang pulang ahas na may apat na maliliit na sungay na parang korona. Yung pitong bolang bato naka arrange din. Nung una ko itong nakita kulay itim. Pero ngayon, parang may kulay na. Di ko lang masyado maidentify kasi medyo blurred pa.

Una niyang hinawakan ang bola kung saan nakaukit ang pangalan ni ate Rowena. Kumuha ng pako at ibinaon dito. Pagkabaon niya, narinig ko ang pagsigaw ni ate sa sakit. Nakangiti naman ang demonyita sa ginagawa niya sa ate ko. Patuloy ang pagbaon niya ng pako sa bato. Patuloy din ang pagsigaw ni ate sa sakit. Yung bato na pinagbabaunan ng pako ni Auntie nangulay berde. Nung nakita ko yun, si Maira na hindi nakikita ni Auntie e inalarma ko. ""MAI, TIGNAN MO LAHAT NG GAMIT NI ATE ROWENA NA KULAY GREEN, ANDUN ANG BLACK PEARL."" Takbo si Maira sa kwarto. Hinalungkat ang mga gamit ni ate. Kalkal dito kalkal doon.

""P*CH* SAAN DITO ANG DAMING GREEN SA GAMIT NI ATE OH.""

""BASTA HANAPIN MO, WAG BUNGANGA GAMITIN MO, MATA."" Sigaw ko.

""T*NG*N*NGYAN BAHALA NA KUNG ANONG MAKUHA DITO AH.""

""OO NA BASTA BILISAN MO.""

Pero walang dalang damit si Maira. Ang hawak niya hikaw ni ate Rowena na jade. Patuloy pa rin si Auntie Amy sa pagbaon ng pako kaya sumusuka ng paisa-isa si ate Rowena. Alam ni Maira ang gagawin. Hindi siya nakikita ni Auntie. Nilagay niya sa loob ng garapon, naglagay ng langis, hilaw na itlog. Sinarado. Pagkasaradong pagkasarado niya, sumigaw ng pagkalakas lakas si Auntie. Nakita ko. Mga pako lumalabas sa braso niya. Biglang sumara ang mata ko at nawalan ako ng koneksyon sa kinaroroonan ni Auntie. Nanghina ako bigla. Balik sa bahay ang mga mata ko. Medyo lumuwag ang pagkakagat ng insekto sa daliri ko. Si ate Rowena okay na. Hinang hina ako. Nung mga oras na iyon kitang kita ko ang pag-usok ng balat ko. Pero wala pa kong nararamdamang kakaiba. Magpapahinga sana ko pero biglang sumigaw si ate Maricel, sumusuka siya ng likidong amoy gasolina. Napaupo si ate sa sakit pero bigla ring huminto ang pagsuka niya. Kasabay ng paghinto niya sa pagsuka e ang pagkakaroon ng butas sa tiyan ni Tim. Itim na figure na may butas. Sinasalo ng kaibigan niya ang buhay ni ate Maricel. Sumigaw si Maira.

""HOY ANO NA. ANONG GAGAWIN NATIN WAG KANG TUMUNGANGA JAN.""

Siguro dala ng instinct, humigpit ang pagkakakagat ng insekto sa daliri ko at bumalik ako sa dual vision mode. Yung bato kung saan nakaukit ang pangalan ni ate Rowena e basag na at nahati sa gitna. Di ko alam ang gagawin. Pero sa gitna nito ay mayroon akong nakita. Hawakan ng mug. P*ch* pinabasag ko na kay papa lahat ng babasagin paano yun.

""MAIRA KUNIN MO LAHAT NG NABASAG NA MUG YUNG MGA MAY HAWAKAN.""

""ANO BA NAMAN YANG MGA PINAPAHANAP MO! ANAK NG TOKWA PINABASAG BASAG MO LAHAT NG GAMIT TAPOS YAN PALA KAILANGAN NGAYON.""

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon