Hi Spookify Gusto ko lang sana mag share din ng story about Aswang. 2nd post ko na po ito ng story kasu yung una di na post, sana po ito ma post na. Dec 31, 2016 nung nangyari po ito. Busy ang mga tao kasi nga malapit na sumapit ang bagung taon. nag iinuman yung kapit bahay namin sa labas ng bahay nila. Mga 10pm na daw ng nagyaya ng umuwi ang kaibigan nilang si Totoy (di tunay na pangalan) Galing ng iloilo si Totoy, kakauwi nya lang tatlong lingo daw sya dun sa iloilo nag trabahu. So ayun na umuwi na si Totoy, malapit lang din naman ang bahay nila isang bahay lang yung pagitan. Lumipas ang ilang minuto ng may narinig silang kalabog sa bubong, peru binaliwala lang nila yun, kasi baka pusa lang. Peru naulit na naman sa kabilang bubong naman nag landing, palipat lipat sa mga bubong yung ingay. Kaya nag si labasan ang mga tao. Ganun din kami lumabas din ng bahay, may mga dalang Flashlight. Pag tingin namin sa bubong nakita namin si Totoy, biglang tumalon na naman sa kabilang bubong. kaya nagulat ang lahat tinawag ang tiyahin nya kung saan sya nakatira. lahat ng mga tambay dun saamin hinabul sya hanggang sa bakanting luti sya tumalon. madilim yung bakanting luti, may sirang CR sa gilid peru walang bahay. Tinignan ng mga tambay yung Cr peru wala sya dun. Pusa lang yung nakita nila, kaya binaliwala na lang nila umikot ikot sila sa bakanting luti peru di nila nakita. Bumalik ulit sila dun sa may Cr. Nagulat sila nung nakita nila si Totoy, Hubo't hubad parang pusa daw sya na nakadikit yung mga kamay sa pader, Naglalaway daw ito tapos namumula yung mga mata. Tinanung sya ng Pinsan nya kung anu ba daw ang ginagawa nya. Humingi sya ng Paumanhin dahil lasing lang daw sya at naiinitan kaya naisipan nyang umakyat ng bubong, at nagyaya na ulit syang bumalik ng bahay kasi matutulog na daw sya. humingi ulit sya ng patawad sa mga naesturbo nya. So ayun nga naka pasuk sya, yung mga tao saamin nag chisimisan tungkol sa kanya, yung iba natatakot na. Habang yung mga chismosang kapit bahay namin patuloy parin sa pag chismisan, napansin nilang parang gumagalaw daw yung malaking puno kaya inilawan nila, laking gulat nila ng si Totoy ulit ang nakita nila, mabilis daw itong umakyat sa puno ng Hubo't hubad parin. Tumalon na naman ito sa bubong, hinanap na naman ng mga tambay si Totoy, may mga dala silang armas peru hindi lumalayo si Totoy, dun lang sya sa kalye namin talon ng talon na tumutulo pa yung laway. nakita sya na timigil sa isang bahay nag sigawan yung mga tao sa luob kasi binubuksan daw ni Totoy yung bubong nila. umakyat yung mga tambay sa bubong peru pag akyat nila, wala na sya dun kaya bumaba na lang ulit sila pag katingin nila ulit sa bubong andun na naman sya. natakot na yung mga tao saamin kasi madami pa naman buntis sa kalye namin baka kung anu pa ang gawin nya. kaya nag desisyun sila na tumawag na ng pulis at dun na sya paumagahin. Dumating yung mga pulis at nahuli na sya panay sabi nya na lasing lang daw sya. sinama sya ng mga pulis at dun na sya nag new year sa prisinto, kina umagahan pumunta yung tita nya sa prisinto dala ang mga gamit nya binigyan sya ng pera ng tita nya at pinauwi na sa lugar nila sa Cadiz City. Peru bago sya umuwi na ekwento nya sa tita nya na nung nasa iloilo pa daw sya may nakilala daw sya dun na babae, niligawan nya daw ito. Sinama daw sya nung babae sa kanila, mababait naman daw yung nanay ng babae. pinakain pa nga daw sya ng Atay ng baboy daw sabi ng nanay ng babae. kaya kinain nya nahiya naman daw syang tumangi, umuwi daw sya dito sa Negros kasi masama daw ang pakiramdam nya at feeling nya may mali sa kanya. Sinabihan sya ng tita nya na mag pagamut ka dun sa inyu baka kung anu na yan, baka naYANGAW or Hnawaan ng Aswang kana. Yun lang Wala na kaming balita sa knya, Pasensya po kung di maganda pag kwento ko. dinamihan ko narin po ng Tuldok baka kasi may mag reklamo din po. Di joke lang. k bye
iMamaHot
Bacolod City
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree