Case 7: The Urn of Tanggal

802 14 0
                                    


Medyo touchy ang Case na ito mga spookifiers! Kaya kinailangan ko muna ipag paalam kay Mon ang pagshashare ko pero sabi niya okay at may pinapatanong din siya pero nasa dulo na yung tanong...

Napasok na namin yung dvd at ready to play nang biglang may nagsisisigaw sa labas ng gate nila, napatayo kaming tatlo sa bahay kasi yung lalaki sinisigaw ang pangalan ni Mon. Paglabas namin nagulat ako dahil isa sa mga co-founder nung group eh parang zombie yung mukha (Actually parang nawalan ng energy). Kuya Ray! Natawag ko siya kasi mukhang hinang hina siya, pinapasok ni Mon si Kuya Ray at pinaupo siya sa may sofa, tinabihan naman ni Jigz si Kuya Ray at pinapakalma. Nung nagpaalam ako na tutulong kay Mon binatak ni Kuya Ray yung kamay ko AS IN BINATAK! Then naramdaman ko yung napaka unusual feeling of being drained on the spot! (Yung feeling na energized ka buong hapon then biglaan yung pagbagsak ng katawan mo sa pagod!) Napasigaw ako sa panic dahil doon sa naramdaman ko kaya nabitawan ako ni Kuya Ray, napatakbo naman si Mon sa sala bitbit yung baso ng tubig. 'Ano na naman ang nangyari?' Tanong ni Mon, ako hindi ako makagalaw sa pagkakaupo ko sa floor, dahil yung function ng body diba pag nagpanic ka bibilis yung heartbeat mo. That time panic mode ang system ko pero slow ang heartbeat ko, naalala ko na sabi ni Kuya Ray 'Hindi ko naman alam na sensitive ang kasama niyo, sana hindi ko siya hinawakan.'

At dito nagsimula yung nakakahilakbot na case na nahandle ng buong group.

After nung panic mode ko sa nangyari at kumalma na ako saka nagkwento si Kuya Ray. Kakagaling lang ni Kuya Ray that time sa Indonesia for a vacation, dalawang linggo siya doon kasi naroon halos lahat ng mga bestfriend niya mula dito sa pinas. Along his vacation may nilapit sa kaniyang isang case dahil alam na paranormal investigator siya, yung best friend ni Kuya Ray ang naglapit sa kaniya ng isang haunted object. Isang urn dinescribe pa niya kung ano ang nasa loob, ang sabi niya ashes iyon ng isang Tanggal (indonesian version of manananggal, pero sa version nila hindi katawan ang nahahati at walang pakpak ito. Subalit sa Indonesian version yung ulo ang humihiwalay sa katawan habang ginagamit nito para makalipad ay ang mga internal organs ng sariling katawan. Usually their lungs so para silang mga kite na kumakain ng tao).

Ang sabi kay Kuya Ray na pwede naman niya iuwe dito sa pinas yung urn para matignan daw kaya naman ay inuwi niya ang urn dito. Pagkauwi ni Kuya Ray dito sa pinas, pagkarating na pagkarating niya sa bahay niya ay agad niyang itinabi ito sa isang kwarto at binalot niya ito sa isang puting tela. Dahil pagod sa biyahe ay ipinagpabukas nalang niya ang investigation (Which is yung day na sumugod siya dito kila Mon) kaya dali dali siyang nag ayos para makatulog. In the wee hours of the morning nagising siya dahil may kumakaluskos sa dining area nila kaya naman bumaba si Kuya Ray only to find nothing. Kaya umakyat na siya at bago siya matulog naupo muna siya sa kama niya at nagdasal. Doon daw siya nagulat sa nakita niya dahil pagtingin niya sa may pintuan ay nakita niya ang isang disfigured na ulong lumulutang at papalapit ng papalapit ito sa kaniya. Doon siya nakaramdam ng pamamanhid ng katawan then nawalan siya malay, pagkagising niya agad siyang tumakbo sa kotse niya at pumunta dito kay Mon.

That night inassemble niya ang group to prepare for investigation, ayun inoorient nila Mon at Kuya Ray yung iba, ako naman nagreresearch na at si Jigz ay nagfifile na nung case. Nakakalito dahil maraming folklore ang nagsabaysabay sa utak ko info overload! Napatawag ako noon sa Daddy ko about what I'm researching dahil nagwork siya in singapore during his residency there. I asked him kung may alam siya sa mga folklore na ganun, and there he stated na during his stay madami siyang naririnig about sa mga Tanggal at mga Pontianak. Lalo na daw sa hospital na pinagtrabahuhan niya talamak daw yung mga kwentong ganun doon, so nag take down notes ako sa mga sinabi ng dad ko. After that lahat kami ay nakinig na kay Mon, sasama daw siya kay Kuya Ray sa bahay niya, bukas na kami sumunod.

Kinabukasan sumunod kami ni Jigz at kasama na namin sila Seth, Dale at Crystal. Nauna na kami sa house ni Kuya Ray, nagulat ako dahil sa isa palang executive village nakatira si Kuya Ray. Malalaki ang mga bahay doon, akala ko maliligaw kami sa loob pero I trust Dale dahil nakapunta na siya dito. Pagkarating namin sa bahay ni Kuya Ray, nanlaki ang mga mata ko dahil sa laki ng bahay. Tinulungan ko si Seth at si Dale magbaba ng mga gamit, para ipasok sa loob, sabi sa akin ni Seth na baka daw matagalan kami dito at may iba siyang nararamdaman. Ang sabi ko naman na wala akong nararamdaman out of the ordinary, baka siya lang ang nakakaramdam. Pumasok na kami sa loob at nilatag na ang mga gamit sa living room, nakakatuwa ang loob ng bahay sa sobrang well decorated nito sosyal na sosyal ang dating. As of then wala pa naman akong mafeel na wierd hanggang sa tawagin kami ni Mon sa second floor, umakyat ako kasama ang iba. Nagkahiyaan pa kami ni Crystal sa hagdanan kung sino ang mauuna sa amin kaya nagtawanan kami ng bahagya at sabay nalang kaming umakyat. Sa second floor sa vacant room next to the stairs doon kami pinapasok ni Mon at doon namin nakita ang urn, pero wala namang kaming naramdaman na weird. Until nung tinanggal ni Mon yung nakapatong na sapin, nakaramdam na ako ng isang sinister na feeling na parang may biglang tumingin sa amin. Si Crystal naman naduduwal, may naamoy daw siyang malansa, si Seth ganun din may naamoy din. Ako iba yung nafeel ko, ito yung sabi ko sinister at parang nagbabadya ng maagang kamatayan. Inilabas na namin si Crystal, baka matuluyan siya sa pagduwal. Nang mahimasmasan siya sa baba ay sinabi na niya kung bakit, sabi ni Crystal na nakakaamoy siya ng sariwang dugo at malansang malansa ito, ganun din ang sabi ni Seth.

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon