Demons? Maybe...

616 9 3
                                    


Recently lang to, nag tomaru ako sa apartment ni Shey, friend ko. Hindi ko kasi inabutan yung huling byahe ng train. Nagkaraoke pa kasi kami after work, hindi ko na namalayan ang oras, wala na din bus. Ayoko naman tawagan yung kapatid ko para magpasundo kasi pagod din yun galing trabaho, saka malayo. Sinabi ko na lang sa kanya na nag ot ako sa work kaya di ko naabutan yung last train. Lol

Ayokong nag i-sleep over sa ibang bahay, unless it's a travel trip, but in this case may dalawang choice ako. Either maglalakad ako pauwi or mag sleep over sa apartment ng kaibigan ko. Sino ang gustong maglakad ng 32km ng 11pm at -1° ang lamig? Hindi ako. So I asked Shey if it's okay and she said yes, she has to. Lol

Madalas ako sa apartment nila, kapag hindi busy. Dalawa lang silang nakatira don, parehas silang aussie, close ko din yung isa pero hindi ko pa nakakasama magtravel.

Hindi naman kalakihan apartment nila, sakto lang para sa dalawang tao. Yung kwarto nila parang attic, yung nasa taas. I'm not good at explaining places so there you go (photo) matarik yung hagdan di ba? Nakakatakot umakyat/baba. Sa left side ako natulog, katabi ko si Shey. Sa kabila, yung roommate nya. Hindi talaga ako komportable matulog sa apartment nila kasi, karamihan sa nakatira sa building na yon ay Gaijin (ibang lahi), mahirap na. But I don't have a choice.

Naghalf bath muna ako bago natulog, pinahiram nya ako ng damit and binigyan ng unused undies. So ready to bed na kami, sa baba, lampshade lang ang bukas na ilaw para hindi totally madilim. Sobrang antok na kami parehas kaya halos sabay kami nakatulog.

Nagising ako kasi narinig ko may naglalakad tapos ang lakas pa ng tunog kasi parang nakatsinelas. I'm a light sleeper kaya konting tunog lang nagigising ako agad. Basta dinig na dinig yung paglalakad. Hindi ko alam kung anong oras na nun, humarap ako sa side kung nasaan si Shey, wala na pala sya sa kama. Naisip ko kung umaga na ba, pero pagtingin ko sa bintana madilim pa.

Tumayo ako at sumilip sa baba. Nakita ko si Shey naglalakad pabalik balik, nakapikit. Hindi naman ako masyadong natakot kasi nakwento na nya sa akin before na nag i-sleeping walking sya. Sanay naman ako sa mga taong nag i-sleep walking kasi may pinsan at tito ako na ganon, yung pinsan ko nagtotong its pa. Nakaupo tapos akala mo may hawak na bahara tas nagsasalita ng tong its. Hahahaha yung sa tito ko naman, nagising daw yung lola ko kasi may nadidinig na parang may nagtitimpla ng kape, ang ingay nung kutsara at tasa ganern! Pagtingin ng lola ko sa kitchen andun tito ko nakapikit habang nakatayo at hawak yung kutsara na parang may hinahalo sa tasa pero wala naman daw laman. Medyo creepy mga nagsleep walking Lol okay back tayo sa istorya.

Bumaba ako, hinanap ko yung switch ng ilaw kasi medyo madilim pero di ko makita. Nilapitan ko sya, tinawag ko pangalan nya, hinawakan ko sa balikat para gisingin na sya ng tuluyan, biglang dumilat. Medyo mapula yung mata, naisip ko kasi nga kagigising. Kung sa ibang pagkakataon yun, maiisip ko that she's possessed. Creepy eyes kasi.

"Hey Shey, you're sleep walking."

Nakatingin lang sya sakin, yung parang naalimpungatan tapos di agad nagsisink in sa kanya kung anong nangyayari.

Tinanong ko kung ok lang sya (In english, english kasi kami lagi pag nag uusap, pati sila Bud), sabi nya ok lang daw sya. Medyo nanibago ako, kasi japanese nya ako sinagot. Tapos sabi nya punta lang sya sa toilet (Japanese ulit).

Habang naglalakad sya, sabi ko sa baba na lang kami matulog kasi nga meron naman foam na bed sa baba. Tumango lang sya. Umakyat ulit ako sa taas para kunin blanket namin.

Pagtingin ko sa bed... asdfghjklzxcvvbnm!!!!!! May nakahiga! I was frozen, ang bagal magfunction ng utak ko that time, nakatayo lang ako and waiting for something to happen... Then there it is, sumigaw si Shey ng sobrang lakas, sobrang tinis. Yung sigaw na ang sakit sa tenga. Dali dali akong bumaba, pumunta sa cr, kinatok ko ng kinatok si Shey, while asking what the hell is happening. Ang sakit na talaga ng tenga ko, napatigil ako kasi parang may tumutulo sa ilong ko, pagtingin ko sa damit ko may konting patak na red, pinunasan ko gamit braso ko, dumudugo nga ilong ko. Kinatok ko ulit yung pinto kasi di pa rin tumitigil sa paghiyaw, tinawag ko na din yung roommate nya. I tried to open the door again and this time nag open na sya, sh*t ang dilim, wala na din yung hiyaw, binuksan ko yung ilaw walang tao. Lumabas na ako, Si Shey at yung roommate nya antok na antok yung mga itsura habang bumababa ng hagdan. Tinatanong ako kung bakit daw ako humihiyaw, tapos nagulat sila nung nakita na dumudugo ilong ko. Medyo shock pa din ako sa lahat ng nangyari. Pinaupo ako ni Shey tapos yung roommate nya kumuha ng tissue and then piniga nya ng konti yung nostrils ko. Dumudugo pa rin pala. After 10 mins nawala na din. I asked them kung narinig nila yung sigaw, wala naman daw sumigaw. Tumahimik na lang ako. Ayokong magkwento sa kanila kasi ayokong pati sila matakot sa sarili nilang tirahan, I wanted to cry that time, really, I'm so scared!

Tinignan ko yung relo na nasa table, sa pagkakatanda ko 15 mins bago mag 3am yung time nung mga panahong yon. So nagpunta ako sa kitchen to wash my face, nagpasama ako kay Shey habang yung roommate nya nakaupo sa sofa at hawak yung phone nya. Malapit na akong matapos maghugas nang biglang may kumatok sa main door. Nagulat kaming tatlo, pano ba naman alas tres ng madaling araw pa lang, roommate ni Shey ang tumayo at pumunta sa pinto tapos sumilip sa peephole. Ang tapang nga nya eh, kung ako yun hindi ko sisilipin yun. I told her do not open the door.

"I can't see anything, it's all black!" Sabi ni roommate habang nakasilip pa din sa peephole.

Tapos biglang kumatok na naman, this time mas malakas, napaatras nga si roommate eh. Tapos ang tagal, siguro mga 30 secs. Sobrang takot na kami, sabi ko kay Shey tumawag na sya ng police, hindi daw nya alam yung number. Sabi ko si Bud tawagan nya, hindi sumasagot si mokong tulog mantika. Nung nawala na yung pagkatok, sinilip ulit ni roommate, wala na yung black, wala syang nakita na tao, everything's clear daw. Tinanong ko sila kung nangyari na ba yung ganon insidente before, oo daw pero bandang gabi, hindi madaling araw. Saka di daw nila pinapansin kasi baka nantitrip lang daw yung ibang nakatira sa apartment na yun.

After mga 20 mins siguro, babalik na sana kami sa mga bed namin, biglang may kumatok ulit. Mapapamura ka na lang talaga eh, antok na antok na kami. Pero nawala antok namin nung biglang may kumanta.

"Saisho wa, kimi no namae itte kudasai." (First, say your name) T*ng in* kinilabutan ako. Boses babae sya, yung tono ng kanta nya familiar hindi ko lang maalala kung anong nursery rhyme yun, hanggang ngayon iniisip ko pa rin. Paulit ulit nyang kinakanta yun.

Si roommate hindi na lumapit sa pinto para tignan, takot na takot na din sya. Yung halos wala ng gumagalaw samin, parang maiihi na sa salawal ganon yung feeling.

Tapos tumigil na sa pagkanta.....

Maya maya....

May biglang nagsalita....

This time, yung boses parang nasa loob na ng apartment....

Sabi....

"Mitsuketa!" (I found you)

T*ng in* ulit, takbo kaming tatlo sa taas. Si shey nanginginig sa takot. Eto na ata pinaka nakakatakot na experience ko.

Di kami agad nakatulog, we decided na sa baba na lang kami matulog na tatlo.

Nung umaga na, iniisip namin baka may nangprank lang sa amin, sabi ko kay Shey wag nyang palagpasin yung nangyari. Kung prank man yun sabi ko hindi nakakatuwa.

Nireport ni Shey yung pangyayari na yun sa landlady nila then pumasok na sya sa work. Tapos kinagabihan pinuntahan daw sila nung landlady nila and sinabi na wala naman daw nakitang tao or kahit na ano sa cctv nung mga oras na may kumatok sa pinto nung araw na dun ako natulog.

Ano yon? Hindi ko din alam.

After mangyari yun, dun na nila pinatutulog si Bud.

P.S. May tanong ako, do you have any idea about succubus/incubus? Parang may nabasa na ako dito about it di ko lang matandaan. Lately kasi nananaginip na naman ako that I'm having s*x (With my ex bf, my cousin, someone I didn't know, freakin weird) pero parang totoo. Nangyari na din sakin to when I was in the Ph, pero binaliwala ko lang. Enlighten me please. Nagbabasa po ako ng comments, just comment below. Yoroshiku onegai. Ja ne

RavenOfDeath

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon