Ang pagsubok na nakakatakot (Part 3)

176 0 0
                                    


Simulan natin kaagad ang Story.
Nong gabing natapos namin ang Unang Biyernes na Ritwal ni buddy, natulog na kami pagka uwi namin sa bahay. Napanaginipan ko na naman yong matanda kasama na c papa (Ama ni buddy), Sa panaginip na yon sinabi ng Matandang ermetanyo na kailangan mapuntahan ko ang isang kuweba dahil may bagay daw doon na dapat mapasakamay Namin. At nagsalita rin si papa na sakanya daw yun. itinago niya sa kuweba na malapit sa baybayin, Doon niya inilagay para Walang Makakuhang iba, Matagal na daw niya yun inilagay doon. Hindi nila sinabi kung anong klasing bagay yun Basta ang naalala ko lang na dapat mapasakamay namin. ibig sabihin Hindi lang ako ang dapat makakuha ng kung ano man ang bagay na yun.
Pagka Umaga non NagkaUsap kami ni buddy na pasekretong paguusap kaya dumistancia kami sa labas ng bahay. Nag kwento si buddy sa akin kaagad na may napanaginipan siyang matanda na puti ang buhok at puti ang balbas para daw itong pulubi, Hinipo daw yong noo niya at sinabing "Pagbantay mo perme" (mag iingat kayo palagi). Tinanong daw niya kung sino siya pero Hindi daw ito sumagot sa tanong niya. Kaya sinabi ko rin kay buddy ang Tungkol sa panaginip ko at kailangan namin matagpuan ang kuweba na tinutukoy nong matandang ermetanyo at ng papa niya. Wala daw alam si buddy na may kuweba, pero payag siyang hahanapin namin. Seryoso si buddy nong umagang yun, at sinabi rin niya na Sobrang natakot daw talaga siya nong ginawa namin kagabi, First time niya makakita ng kaluluwa at Kakilala pa talaga niya. Hindi na ako nagulat kasi taga doon si buddy malamang kilala niya yong ibang kaluluwa na andun nong mga time na yun. Sinabi ko kay buddy na may 8 na biyernes pa na natitira bago niya Makompleto ang Pagsubok. kaya nagtanong na rin siya "Pwede tayo uminom basta Hindi lang Biyernes diba?" . Natawa ako sa tanong niya. "Oo naman buddy Magagawa mo lahat ng Gusto mo basta wag lang sa Araw ng biyernes lalo nat Hindi mo pa natatapos ang pagsubok mo. pero kapag natapos mo na lahat,
Kahit biyernes Pwedeng pwede na." Pagkasabi ko sa kanya Ang laki ng ngiti niya yong takot na nakita ko sa kanya kagabi nawala na napalitan ng ngiti.
[FastForward]
Alas dose ng tanghali pagkatapos namin mag tanghalian Agad na namin nilakad ang paghahanap sa kuweba na malapit sa baybayin. ilang metro lang naman ang baybayin sa bahay nina buddy dadaan sa likod na may mga mangroves Tree. kailangan mo lang bitbitin ang tsinilas mo dahil maputik, kada apak namin hanggang Tuhod yong putik. Dahan dahan lang kami sa paghakbang. Nong marating na namin ang baybayin Sinimulan na naming suyurin ang mga Gilid mababato at maraming mga puno. Halos mag iisang oras kami sa paghahanap at napagod na kami Gusto ko ng Sumuko non, nagpahinga muna kami at nagyosi Humingi si buddy ng isang Stick, Nakakapanibago Hindi nagyoyosi si buddy Talaga Lasingero lang talaga siya. Maya maya pa Nagpatuloy kami sa paghahanap Maluwag kasi yong baybayin Doon sa lugar nila at May napansin siyang parang may makapal na mga halamang madahon na naka dikit sa isang bangin, inakyat namin ito ng bahagya at nong malapit na namin ito, "ito na yata ang kweba buddy, ito na talaga yun." sabi ko na nakangiti na, Hindi namin tinangal ang mga dahon na nakaTabon sa Kuweba baka kasi may makakita na iba. hinawi lang namin bahagya ang mga dahon para makapasok kami, Kinuha ko ang Celphone ko at ginamit ang flashlight nito, maliit lang naman siya na kuweba masikip hindi nga kami makatayo nakayuko kami lagi habang kinakapa namin ang mga sulok sulok nito. At nahanap namin ang isang bagay na nakabalot sa plastic celopin kinuha namin ito at lumabas na kaagad, nag biro pa si buddy na may ahas daw sa aming likoran , dahilan para nagmamadali kami at nauntog ang ulo ko. Masakit yun men, pero ang bilis ng karma nadulas si buddy paglabas kaya nagkasugat tuhod niya. Noong nasa labas na kami tiningnan namin kung anu yong laman, Isang Maliit na maitim na Notebook na may nakaSukbit na isang kwentas na may cross, Yong Nakasulat sa notebook mga Latin at mga drawing na may mga anghel. mga dasal na latin. May dasal para sa araw ng mga patay, Para sa Semana santa , at mga Ritwal meron din pangontra para sa mga masasamang elemento. Alam ko na ang ibang dasal pero yong iba tsaka ko pa lang nalaman, si buddy isinoot yong kwentas na Cross.
Habang pauwi na kami Biglang May sumigaw sa amin ni buddy. "Mga Puti nga Karnero..!!!" (mga Puting tupa) Lumingon kami ni buddy. Isang Binatilyong parang Taong Grasa, Tinatawanan kami ni buddy. Binalikan namin ito "Anung sinabi mo?" tanong ko sa kanya pero sumabat si buddy "Sabihin mo pa ulit yun tatamaan ka sa akin" Banta ni buddy, halatang napikon siya sa sinabi nong binatilyo. Tinawanan lang kami at bigla siya nagsalita "Amigo lang ta ayaw mo kasuko" Sabi nito na sinamahan pa ng Malakas na tawa. Umalis na kami ni buddy at hinayaan na lang parang baliw kasi iniwan namin ito na tawa ng tawa. Bago pa kami makarating sa bahay bumili kami ng Emperador para Hindi magtaka yong partner ko at mga kasama namin sa bahay kung saan kami galing. Pagdating namin andun c moi at erwin (mga bilas ko) kaya sinimulan namin kaagad ang inuman. nag videoke pa kami non, habang kumakanta c Buddy biglang may pumalakpak sa pintoan. Yong binatilyo na lakas mang asar sa amin ni buddy, maykakaiba talaga sa kanya parang Hindi talaga siya normal na tao.
Abangan niyo ulit ang karugtong ng storya. Mahaba na kasi ito.
salamat at God bless sa ating lahat.
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon