Note : you can read the continuation of this story (part 9) in Scary Stories 2. thanks. :)
************************************************************************************
Heto na mga Kaibigan ang Karugtong ng Kwento, Paalala lang Mahaba haba ito..Gusto ko lang magpasalamat sa mga Naghintay at Sa mga Sumusupporta sa Page at lalo na sa mga Kwento dito... Salamat din sa mga Nag add sa akin sa FB account ko, pasensiya sa mga Hindi ko na Accept. Noon ko pa to sinasabi na Hindi ako magpapakilala pero since may mga iilan na natagpuan talaga ang Account ko Galing niyo mang Stalk. Peace...!Simulan na natin ang Kwento paalala lang mahaba haba ito....Pagkatapos namin sa inuman ng Gabing yun. Natulog na ako. Pero si Buddy nag cecelphone pa, hindi pa daw kasi siya inaantok kaya naglaro siya ng Games para antokin daw siya.3am nagising ako dahil lakas maka hilik ni Buddy Nakayakap pa ang Mukong sa akin at nakapatong yong binti niya sa binti ko. dahil mabigat ang binti niya at di ako makagalaw inalis ko ang braso at binti niya na nakapulopot sa akin, pinausog ko siya kasi dikit na dikit sa hinihigaan ko ang mokong daig pa namin mag asawa. Imbes na babalik na ako sa pagtulog naririnig ko ang mga Boses sa labas. mga Boses ng mga Elemento na kakaiba ang mga lengwahe... "Ayrdero Ombara, akomna... hesari om okda karyose...." Tumindig ang mga balahibo ko nong marinig ko ang Katagang yon. Ito ay Salita ng lamang lupa na may Binabalak gawin. kaya bumangon ako at Umupo sa hinihigaan ko... Nagdasal at gumamit ng Descomonyon...Ramdamkong parang yumanig ang Lupa ng mabilis at Nawala yong Boses at Alam kong Natakot na yun dahil tinatawag ko ang Mga kabalyerong Anghel. Pero Si Buddy tulog na tulog walang Kaalam alam sa nangyayari. paano? lasing na lasing kasi, ibang klase kasi uminom. sa akin konti lang nilalagay niya pero pag sa kanya halos mapuno na ang baso... (FastForward)Pagka umaga Nagising kami Sabay ni Buddy Dahil sa maingay na sa Labas. Gising na rin pala si Kuya Bobet, "Bumangon na kayo at maghanda dahil andyan na lahat ng Membro sa Loob ng Compound, magsoot kayo ng Puti na tshirt..." Pagpapaalala ni Kuya Bobet. Bumangon kami ni buddy at naghilamos tsaka nagbihis ng Puti na Tshirt, Syempre alam ko na ang kalakaran dito kaya pinaghandaan namin to ni buddy nong papunta pa lang kami dito sa Cabadbaran. Sabay na kami nina kuya bobet at buddy na Lumabas sa bahay, At naninibago si Buddy sa mga nakita niya. "Andami pala talaga natin mga Puting Tupa bayaw lahat pa naka Puti ng kasootan, Para tayong nasa comercial ng Sabon panlaba... Nakaka tuwa pagmasdan na nakakagaan ng Pakiramdam... may bula bula kaya ngayon magliliparan dito sa paligid..." Bulong ni Buddy sa akin na kalokohan kaagad ang pinagsasabi, sabihin ba namang parang nasa Comercial ng Sabon panlaba.. Pinagtitinginanng lahat si Buddy kasi Bago sa Paningin nila..Yong tingin ng mga kapatid naming mga Puting Tupa ay lahat nakangiti, indication na Welcome at alam nilang Puting Tupa si Buddy. "Bah Para kang Artista dito buddy.... Ayan pinagtitinginan ka nila oh, ganito talaga dito kahit ako nong una winiwelcome din nila..." Nakangiti kong sabi kay buddy habang pinapansin ko din yong iba pang kasama namin na kinakamayan ako. "Syempre naman bayaw ngayon lang sila nakakita ng Gandang Lalaki magtataka ka pa ba... At Hot pa tingnan kahit kakagising ko lang... Pinanganak kasi akong ganito na.." Bulong ni buddy sa akin na umiral na naman pagka loko niya. Napailing na lang ako na natawa sa sinabi niya. Lumapit sina ate bening at Bong sa amin at Niyakap kami ni Buddy, Yon ay pagbati sa amin. Lumapit din ako sa Matanda na ina nila Bong na nakatayo sa Gitna na pinapalibutan ng Boung membro. Nagmano ako at Humalik sa Pisngi "Mano po ma, masaya po ako makabalik dito muli at makita kayo..." Mama kasi tawag ko sa kanya. at Nagsimula agad ang Ceremonyas sa Pagdadasal ng Lahat, na pinangunahan ng ina nila Bong. At pagkatapos ng Dasal Kumanta kami ng Latin na dasal gaya nong Nakagawian dati. Si buddy sumasabat din kahit di niya pa kabisado naririnig ko na malimali minsan ang pagbigkas niya pero wag ka kasi with feelings yung pagkanta niya. Pagkatapos ng Ceremonyas ay Pumunta ang Lahat sa Meeting Hall kung saan doon magpupulong pulong ang mga Officiales ng Kapunongan. Pinakilala ni Kuya Bobet si Buddy sa Lahat ng membro, para makilala naman nila.Syempre Si buddy na yan, kaya Hindi nakaligtas ang lahat sa kakatawa ng Mga Banat niyang pagbibiro kasi gaya nong nakagawian na may Testimonya sa mga karanasan bilang isang Puting Tupa, hinaloan niya ng kalokohan. Kaya sininyasan ko siyang Magseryoso, hindi naman sa bawal pero ako yata nahiya sa pinagsasabi niya. "Ako po si Buddy na taga Lanao del Norte, isa po akong Lalaki at Ako po ay nandito dahil Kinidnap ako ni Bayaw... pwera biro narito po ako dahil Gusto ko kayong makilala lahat bilang Tulad niyo na puting Tupa, ang Aking Ama ay puting Tupa din kaso Grumaduate na siya kaya ayun SumaCumlaude siya este SumaKabilang Buhay pala...naging puting Tupa ako dahil Binasbasan ako ng Maestro nong Dumaan ako sa Matinding Ritwal na ginabayan ng Apo ng maestro na Bayaw ko. Hindi pala biro maging Puting Tupa marami kaming Na encounter, mga multo, mga engkanto at kung ano ano pang panganib na aming nalampasan... Gusto ko nga alien Naman para Maiba at makapunta ako doon sa Moon, Titingnan ko kung Bakit nahahati ang Buwan at nagiging Halfmoon tapos mabobou na naman magiging Full moon na ulit may magic siguro doon sa buwan.." naghalak hakan talaga ang lahat sa pinagsasabi ni Buddy. Pagkatapos non wenelcome siya ng lahat kinamayan, Niyakap, at yong mga babae hinalikan siya sa pisngi mapabata o matanda. lalo na yong mga dalaga aba ginanahan ang mokong kasi halatang nagblush si Buddy. pagkaupo niya sa tabi ko binulongan niya ako kaagad. "Bayaw parang gusto ko na dito tumira, araw araw ba ganito dito? hinahalikan ka ng kung sino sino...? Free kiss for me imagine that... " Gusto ko ng matawa kaso pinigilan ko lang at siniko ko palihim si buddy sa tagiliran niya. "Umayos ka nga buddy, nakakahiya sa mga kasama natin at sa mga pinsan ko..." natigilan si buddy at napahawak sa gilid niya, masakit kasi yun.Sa Gitna ng Discusion ni Kuya bobet bilang Presidente ng Kapunongan. Natigil ito dahil yong mga bantay sa gate ng Compound ay pumasok sa meeting hall at may binulong kay Kuya bobet. Nag anounce si kuya bobet na may Mga Panauhin daw na Dumating at Pinapasok niya ang mga Ito. Pagkakita namin lahat sa mga Bisita na Dumating. Lahat kami naTahimik dahil sa Kakaiba ang mga Dating Nila may Dala pa silang tinatawag na "Guidon" parang Banner na may Logo ng samahan nila, (meron ding kaming Guidon pero iba yong Symbolo ng mga Puting Tupa.) Sila ay mga Secret Religious Group na may mga kakaibang kakayahan. Hindi namin sila Katulad pero Hindi rin sila kalaban. Pinahintulotan ni Kuya Bobet na magsalita ang Pinuno nila na nasa 40 years old ang edad (Lalaki) para sa kanilang pakay at para din malaman ng mga Kasama namin kung ano ang Sadya nila..."Ako si Apong Golden yaweh at kami ang Samahan ng mga Moises Deciples (Not exact name ng samahan, itinago ko lang ang real name ng samahan nila para sa siguridad ng kanilang Samahan..pero may Connection sila about Moises) Nandito kami ngayon para Hilingin sa inyong Kapunongan na Makikipag Alyansa kami sa inyo bilang iisa lang din ang Layunin natin. Tulad niyo kami ay May Maestro din..(binanggit niya ang pangalan) Kung tatanongin niyo bakit kami makikipag alyansa sa inyo..? Yun ay dahil Gusto namin makapasok sa Sagradong Bermuda Triangle...." Pagkarinig namin non ay Nag Bulongan ang Lahat ng Mga kasama namin. Habang ang mga moises deciples ay nakatayo sa Harapan ng Lahat. May Tension na namomuo sa mga Oras na yun. Pero Syempre nasa loob sila ng Compound ng Mga Puting Tupa kaya Mahinahon pa rin ang Kabilang Samahan na tumitingin sa mga Kasama ko na nag uusap usap... "Huwag po kayong Mabahala Hindi kami naparito para pilitin kayo, Gusto lang naman namin na mapalapit ang Ating mga Samahan para sa nalalapit na Mga Banta ng Kalamidad, Alam naman natin pareho na Kapag Dumating Ang Araw ng Paghuhukom ay Napakagulo non Dahil magsisilabasan ang mga Nakatagong mga Hayop na Hindi pa natutuklasan kahit pa ng mga Scientist, Mga Kampon ng Dilim na Magpapalala sa Sitwasion. Maging Ang mga May kakayahan na kahit nasa panig ng Liwanag ay Matatalo dahil Sa Sobrang dami ng Kawal ng Dilim, makikisali pa sa Gulo ang Mga masasamang Elemento... marahil ang Iba sa inyo ay Hindi pa alam na nagpaparami na ang mga Alagad ng Dilim, Dahil pinaghahandaan nila ang Pagdating ng Hudyat ng nasa itaas na paghuhukom sa Sangkataohan...plano nilang Bulabugin ang nakatakda, Kaya sana Payagan niyo kaming Umanib sa Kilosan niyo mga Puting Tupa. Pareho tayo na nasa panig ng Liwanag.... may mga kaibahan man pero hindi kami makikialam sa Batas at Tradition niyo.. Kailangan lang talaga namin makapasok sa Bermuda, Dahil gusto namin makausap ang Aming Maestro at Mabigyan pa kami ng dagdag na Kakayahan para maituro sa mga Darating pa naming Mga bagong Generation, Alam kasi namin na naroroon sa Sagradong Looban ang Lahat ng Banal na Maestro at mga Diyoses.. Kayo lang mga Puting Tupa ang May Kakayahan makapasok Doon dahil kayo lang ang Binigyan ng Basbas na pinahihintulotan makapasok doon. Huwag kayong mag aalala dahil sinisiguro namin ang aming Katapatan at Mataas ang Aming Respeto sa Kapunongan niyo...Tutulongan namin kayo kung Kailangan niyo ng Tulong namin kapalit ng pagpayag niyo na magkaisa ang ating Samahan.." Pagkatapos Sabihin ng Pinuno nila ay Lumohod sila lahat at nakayuko ang mga Ulo at ang Kaliwang kamay ay Nasa Dibdib..."Bilang Presidente ng Kapunongan ng mga Puting Tupa.... Pumapayag ako na Makipagsanib sila sa atin, pero syempre gusto ko pa rin na marinig ang Boses ng Lahat, Kung sino ang Sasang ayon itaas ang kamay at ang Hindi sang ayon manatiling nakababa lang.. ang mga Officiales ng ating Kapunongan ang huling Mag boboto..." sabi ni Kuya bobet na nakatingin sa amin lahat. Pero nakakagulat ang nakita namin ni Buddy dahil lahat ay Sumang ayon at walang Kumontra kahit isa. para bang iisa lahat ang iniisip. dahil pati ako at si Buddy ay Sumang ayon din. Idiniklara ni Kuya Bobet na Official ng Kaanib naming mga Puting Tupa ang mga Moises Desciples. Lahat kaming puting tupa ay kanilang niyakap isa isa. at sinasabi ang Katagang "Salamat igsoon (kapatid) " . Matapos ang pagpupulong hindi muna sila pinaalis ni kuya Bobet dahil sa may pag uusapan pa sa na importante kay Apong Golden Yaweh. Doon sa malaking Bahay sa sala. Ako at si Buddy at ang Boung pamilya ni kuya bobet ang Nag uusap usap kasama ang pinuno na Si apong Golden Yaweh ng Moises Deciples at ang mga kasama niya. Nabanggit ni Kuya Bobet ang Pagpunta namin sa Bermuda Triangle dahil Sa may Kailangan kami sa Balaan Diyos na nasa Sagradong Lugar. Naitanong ni Apong Golden Yaweh Kung bakit Kailangan namin ng Tulong sa Balaan Diyos, Ako na ang Nagpaliwanag at nabanggit ko si Totax ang Traydor sa Aming Kapunongan. Nagulat kami dahil kilala ni Apong Golden si Totax, Dahil Kapit bahay daw nila ito noon. Sinabi niya ang Boung Kataohan ni Totax, Alam din niya na isa itong Puting Tupa. Sinabi niyang Isang Suwail nga daw itong Totax dahil sa Hindi nito pinapahalagahan ang pagiging Kawal ng Diyos. Sinabi rin ni Apong Golden na Maraming Ginagawang pagLabag sa batas ng puting tupa itong si Totax, Dati din daw itong nalulong sa Pinagbabawal na Gamot. laging nasasangkot sa Gulo at Talagang Magulo ang Buhay niya at Laging nananakit ng Asawa kaya iniwan siya nito. Buti nalang daw at di ito biniyayaan ng Anak dahil Magiging misserable lang ang Buhay kung Nagkataon. Minsan na daw niya itong Napagsabihan pero maging si Apong Golden ay kanyang kinalaban. Sinabi pa daw ni Totax na lulusobin daw ng Mga Puting Tupa ang Mga Moises Deciples. Gumawa ng maling Storya itong si Totax. Kaya di na daw Nakialam pa si Apong Golden kay Totax dahil inakala niyang Magsusumbong si Totax sa mga Kasamahan namin. Dumating daw sa Punto na itong si Totax ay Di na lumalabas ng Bahay. Nagkukulong sa loob at laging may nakasinding mga Kandila. Kapag sumapit daw ang Alas Dose ng Gabi ay lahat ng Mga Aso ay Umaalolong sa Harap ng Bahay ni Totax. iba na Daw ang Pakiramdam ni Apong Golden kay Totax non. Nagduda na siya na may Ginagawa itong Itim na Ritwal. Dahil sa Nakita niya daw mismo ang mga Itim na Anino na may mga Sungay ang Pumapasok sa Bahay ni Totax. Dahil sa Ayaw na makialam ni Apong Golden kay Totax hinayaan niya nalang ito. Kapag sumasapit ang Umaga ay may nawawalan ng mga Alagang Kambing sa mga kapit bahay at kabilang Barangay.Umabot daw yun ng Isang Linggo, hanggang sa bigla nalang Nangamoy malansa at sobrang Baho daw talaga na nangagaling sa Loob ng Bahay ni Totax, Lahat ng Kapitbahay ay nagreklamo sa sobrang Baho. Pinatingnan ni Apong Golden sa kanyang mga Kasamahan ang Bahay ni Totax, sinilip nila ito sa bintana at Nakita nilang Patay na si Totax, nilaslas nito ang sarili niyang Leeg at nakahiga sa Sahig na may mga nakasulat na gawa sa dugo ng Hayop. Ang nakasulat daw sa sahig ay isang Pentagon na may mga dasal na pantawag ng Kadiliman. Natagpuan din sa loob na may mga patay na kambing na isinilid sa loob ng ref. Sa sinabi ni Apong Golden ay naalala ko at napagtagpi tagpi ko ang kasunduan na ipinakita sa akin at yong sinabi ni Totax sa akin na yong Tita Gina ko ay nag alay din ng Kambing nong tawagin niya ang Kadiliman. at tungkol sa pentagon nakita ko ito sa kasunduan papel na may logo nito. ibig sabihin ganun din ang nangyari sa Tita gina ko, Ginaya niya ang Ginawa ni Totax, Naisip ko nagsinungaling si Totax sa akin. ang sabi niya si Tita Gina ang Kusang Tumawag sa kadiliman, pero dahil naliwanagan ang isip ko. Si Totax ang Nag udyok kay Tita gina na gawin ito. nilubos lubos niya ang Kahinaan ng tita gina ko dahil sa lugmok ito sa Problema.Pagkatapos ng aming pag uusap ay agad na kaming Kumilos lahat, Nagready para sa pag akyat sa Bukid ng Cabadbaran para Puntahan ang Bermuda Triangle. Tanghali na kami naka alis. Ako, si Buddy, kuya Bobet, Bong, ate Bening, si Apong Golden yaweh at ang kasama niyang si Janbo (isa ding Moises Deciples)ang Umalis papunta sa Bukid ng Cabadbaran. yong ibang kasama ni Apong Golden ay pinauwi na niya. kasi 8 lang talaga dapat ang makakapasok doon sa Bermuda Triangle. (Kung nabasa niyo yong dati kong kwento na Mysteryosong Samahan at ang kakaibang Dimension, malalaman niyo kung bakit 8 lang ang Dapat makapasok doon). Abangan muli ang Karugtong nito Dahil mapapasok na namin ang Bermuda Triangle na dati ko ng Napasokan noon.Tungkol nga pala sa Mga Moises Deciples para sa inyong konting information. sila Ay iba sa aming mga Puting Tupa medyo magkaiba lang din ng dasal na latin. at ang ibang kaibahan pa, Hindi sila Tinatablan ng Kulam o kahit Barang. pero ang pinaka matindi nilang Kakayahan ay Kung sa oras na may kagulohan o kalaban, nakakapagtago sila sa ilalim ng Tubig ng Matagal ng di nalulunod, May dasal sila na sila lang ang nakakaalam para maisagawa ito. Sa aking pagkakaalam ay nakakahinga daw sila sa Ilalim ng Tubig. Mahirap man paniwalaan pero maihahalintulad sila sa ilaga na kayang magkubli kapag may kalaban. Yong specific na pangalan ng Samahan nila ay Hindi ko pwedeng ilahad dahil wala akong pahintulot galing sa kanila. isa pa magkaiba ang aming Kapunongan kahit pa magkasanib na ang mga puting tupa at ang mga Moises deciples ay kailangan ko pa rin respetohin ang secretong Religious Group nila. Salamat muli sa inyong paghihintay ng kwento ko. God bless sa inyong Lahat...
-Silent Rasta
Ps: Respetohin natin ang ating Kapwa at lalo na ang kanya kanyang paniniwala.
Spookify EditorSilent Rasta
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorreurThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree