Taga-nueva vizcaya ako (my mother's hometown). While, my father is from Ajuy, Iloilo.
Year 2011, December 24 ng madaling araw, nagbiyahe na kami papuntang Iloilo. Which is first time naming buong magkakapatid pati na rin ung tito namin na nagdrive ng sasakyan namin except for my father and my mother na galing na 'ron (Pero matagal na so, nakalimutan na nila ang pasikot-sikot papuntang Ajuy). Roro ang sinakyan namin dahil meron naman ung starex namin na sasakyan pagdating 'dun.
Alas dose na ng gabi, december 25 na nasa Iloilo City pa rin kami, na malayo pa sa destinasyon namin na ajuy pa. Gusto ni papa na mag-check in muna kami, pero ayaw naman ni mama (Sayang daw oras). Under naman si papa kaya go lang ng go. May mga poster naman dun kung saan papuntang ajuy, sinundan lang namin kung saan ung tinuturo ng poster. Mga 2:30 am na un nang makarating kami sa CAPIZ, na alam naman naming marami daw aswang don at kababalaghang kwento. Syempre nagtatakutan sila mama 'non. Ako naman tulog sa pinakahulihang upuan ng sasakyan kasama ko ung kasama namin sa bahay. Si Kuya nasa front seat kasama ung driver, sa gitna si mama at si papa kasama si Ate ko, tapos ung bunso naming baby pa non.
Hanggang sa nakarating kami sa mga forest forest, wala ka talagang makikitang bahay o sasakyan man lang nung time na yun. Siguro dahil christmas at madaling araw na rin. Nagtaka na sila tito ko, dahil tatlong beses na kaming paikot-ikot sa lugar na yun, parte pa rin naman ng Capiz yun. Ang ginawa namin, naghanap kami ng matatanungan (Which is malabong mangyari kasi walang kabahay-bahay). Madilim pa nung time na yun. Antok na antok na raw si Tito nun (driver) nang mahagip niya ung mga taong mukhang tribu pababa sa bundok. Gising na gising din sila kuya, mama at papa. Napapamura na lang si tito sa sobrang dami nila, na may paint na red sa katawan. Punong puno ng kulay pula ang katawan nila at nanlilisik daw ang mga mata. Hindi kami sigurado kung paint o dugo yun, basta nakakakilabot silang tignan.
Makipot ang daan, ayaw naman naming itigil ang sasakyan dahil hindi kami sigurado kung anong klase ang mga tao na yun. Hutaengina, binagalan pa ng tito ko na dumaan sa gitna ng mga taong yon, baka daw masagasaan niya at patayin kami. Nang makalampas kami ay nagtitinginan si Tito at Kuya ko. ""Nakita mo?"" Hindi daw sumagot kuya ko non at nilingon sila papa, agad na tumawag si papa sa bahay sa ajuy kahit madaling araw pa lang. Inikot daw ulit ni tito ang sasakyan hanggang sa maalala nila na dapat baliktarin ung damit para makaalis sa lugar na yon at ginawa naman ni tito. Tama nga at nakalabas kami sa lugar na yun, ang saya pa at may natanaw kaming bahay na pwedeng pagtanungan. Pero petiks, PUNERARYA! Hindi na raw isinantabi ni tito ko ung takot, basta ay nagtanong siya kung saan ang daan. Tahimik na ang lugar non at medyo maliwanag na. Ngumiti pa daw ung lalaki na pinagtanungan nila at itinuro ang daan.
Nang makarating kami sa ajuy, pinagalitan ni Tita (kapatid ni papa) si papa ko. Bakit hindi raw siya nagtext ng maaga at pinasundo kami nang sa ganun ay sa shortcut raw kami dumaan.
Until now, we don't know what kind of people we saw there. Pero atleast they're kind, hindi kami ginalaw nung nakiraan kami.
LMB06
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
رعبThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree