Ang pagsubok na nakakatakot (Part 4)

158 3 0
                                    


Hello Spookify Readers, Heto na ang pang Apat na Parte ng Kwento, Simulan na natin ang Naudlot na Storya.
Nagulat kami lahat ng Nong makita namin ang Binatilyong parang Taong Grasa na nasa Pintoan ng Bahay. Napatigil si buddy sa kanyang pagkanta, at Tumayo si moi at itinaboy yong Binatilyo. "Amigo lang ta ninyo, Ayaw mo kasuko." (Kaibigan lang tayo, Huwag kayo Magalit) Sabi nong binatilyo. Kanina sinabi rin niya sa amin yan kaya nilapitan ko siya at Tinanong ko kung taga saan ito. sa Bukid ng M**** daw siya nakatira. Pumasok ito sa loob ng sala. Kaya nagalit si Buddy at susugorin na niya pero napigilan siya ni Erwin. Tiningnan kami lahat ng binatilyo lalo nat ang mga babae na naka upo sa sofa, ang partner ko, si karla, Tina at mama. Nginitian niya sila Pero nagalit si mama at pinapalabas niya ito, Nag iinit na kasi ang Tension Lalo na Galit na galit na si Buddy. Kaya Hinawakan ko sa Braso ang binatilyo, Ang init ng Balat niya para bang nilalagnat siya. Pero kinaladkad ko pa rin siya palabas , "Alam ko na kung anu ka, Kaya kung ako sayo umalis ka na sa lugar na ito." Banta ko sa binatilyo na naka Ngiting nakakaloko. "Mga Puti gyod mo nga Karnero Hulati ninyo kay naay moabot para sa tanan." ( Mga puti talaga kayong Tupa, Hintayin niyo May darating Para sa lahat.) Sabi ng Binatilyo na Halatang nagbabanta rin at Nakatawa itong Umalis. Bumalik na ako sa Loob at nagpatuloy kami sa pag iinom at Videoke.
[FastForward]
Isang kumalat na balita na maraming nawawalang Hayop sa Boung Purok, Mga Kambing, at baboy ang ninakaw daw. Usap usapan na nila na may Magnanakaw ng mga hayop. Tatlong araw na sunod sunod ang pagnanakaw ng mga Hayop at Hindi nila mahuli huli ang magnanakaw kaya nagpatawag na ng Pagpupulong ang Chairman ng purok dahil sa sunod sunod na Pagnanakaw. Pati ang alagang kambing ni mama Hindi nakaligtas sa pagnanakaw nabiktima rin siya.
Huwebes ng Gabi non alas dyes (10pm), nasa Labas ako ng bahay Nagyosi at ka Text ko ang mga Kaibigan ko ang mga kaibigan ko dito sa Cagayan de oro, Kinukumusta ko sila. Lumabas din si buddy at umupo sa tabi ko, Kaya kwentohan kami tungkol sa mga pangyayaring Nakawan ng mga Hayop. ilang Minuto lang May napansin si buddy Na may lipad ng lipad na malaking maitim na ibon. Kaya nagduda na ako sa nakita namin. Dumapo ito sa kapitbahay na may mga alagang Hayop din kaya Minanmanan namin ito. Tulog na ang mga nakatira sa bahay na yon dahil Nakapatay na ang ilaw. pero Nakikita namin ni buddy yong ibon kasi may ilaw naman sa poste na malapit lang sa bahay. Nagtago muna kami ni buddy at binantayan ang galaw ng ibon. Biglang Inatake ng ibon yong Alagang Kambing ng kapitbahay nagkakapagtaka Hindi Nag iingay yong Kambing. Tama nga hinala ko yong ibon na yon ang may kagagawan ng nakawan at hindi lang siya basta ibon isa siyang Kampon ng kadiliman na nag aanyong ibon. Kaya Dumampot ako ng dalawang bato at dinasalan ng latin, Binigay ko ang isa kay buddy "Patatamaan mo buddy yong paa para mabitawan yong kambing." Bulong ko kay buddy. Agad na boung lakas na binato ni buddy ang ibon at tinamaan ito sa tyan. nabitawan ang kambing na siyang dahilan na nag iiyak ito at nakagawa ng ingay. Bumagsak at lumagapak ang ibon sa lupa na parang gustong tumakas pero iniinda niya yong sakit kaya Hindi ito makatayo at makalipad ulit. Lalapitan na sana namin ng Biglang Kinuha ito ng isang nilalang, yong alaga ni papa. Nagulat si buddy dahil kinagat nito ang leeg ng ibon at inilipad. Nagising yong kapitbahay dahil maingay yong kambing at bumukas ang ilaw ng bahay. Paglabas ng Kapitbahay Tiningnan niya yong mga alaga niya, at dahil kompleto ito bumalik ito sa loob at natulog cguro ulit kasi Pinatay na ang ilaw. Kami ni buddy Nasa labas pa rin, Nagising si mama at ang partner ko dahil nga dun sa ingay Kaya tinanong kami kung anu yon. Nagsinungaling si buddy na may baliw na aso na gumagala at tinangkang Atakehin ang mga hayop ng kapitbahay. kaya sinabihan na kami na pumasok na sa loob baka kami pa daw ang atakehin ng baliw na aso. Nang Biglang may tumalsik sa aming harapan na mga dugo at kasabay non ang pagbagsak ng ibon na patay na parang minassacre ang hitsura. Napatanong sina mama saan galing yun at tumingala sila at dahil natakot sinabi sa amin na itapon doon sa may kurbadang daan ng highway dahil wala namang bahay dun, baka daw kasi mangamoy ito. kaya kinuha ito ni buddy at sinamahan ko siyang itapon yong patay na ibon sa kurbadang highway. Malansa ang amoy ng dugo nito, nong hinagis pa ito ni buddy sabi niya "Rest in Peace Birdy" Tawa ako ng tawa Salbahi talaga tong si buddy. Pag uwi namin nag halfBath kami nj buddy kasi natalsikan kami nong malansang dugo ng ibon.
[FastForward]
PagkaUmaga non, Maingay ang labas na mga kapitbahay. may pinagkakagulohan at pinagUusapan ang mga tao sa labas. kaya lumabas kami lahat at inalam namin kung anu yong pinagkakagulohan ng mga kapitbahay. Pag labas namin nakita namin sa may unahan na may mga pulis at nakalagay na pulis line. Maraming mga nakiki usyoso na nakapalibot, at yong mga sasakyan na dumadaan humihinto at tumitingin na Sinisinyasan ng pulis na umabante dahil natatrafic. Narinig na namin ang usapan ng mga kapitbahay kung anong nandun. Kaya lumapit kami mismo sa Area na yun, Isang Familiar na Tao ang nakahandusay Duguan at maraming kagat sa leeg at mga katawan walang suot, Hubot hubad na lalaki. Kinabahan kami ni buddy sa nakita Yong Binatilyo na parang taong Grasa ang nakahandusay at ang nakakagimbal pa ay yong area na yun, dun namin itinapon ang patay na ibon. wala na sa paligid yong ibon, at yong Bangkay ng binatilyo ay may Pasa sa Dibdib. Mga usap usapan na tinorture daw o biktima ng Extrajudicial killing at kung anu ano pang mga Ka chismisan ang kumalat na usap usapan. Hindi nila alam ang totoong nangyari, At dahil doon Wala ng nanakawan na hayop. Pero may panibagong Kababalaghan na naman ang Nangyari, may kaugnay din ito sa nangyari nong binatilyo. Isang kababalaghan na Marami ang napahamak. Kakaibang pagsubok din ang kakaharapin ni buddy.
Abangan ang Karugtong at ang mysteryong Nangyari na marami ang Napahamak at nadamay. ito kaya yung sinabi nong matandang ermetanyo na kakaharapin ko sa tulong ni buddy. at may kinalaman kaya yong mga Naka robe na may hood na nakita ko sa bukid nong mangahoy kami ni buddy.? Yong Binatilyong Namatay din ba ay Kasamahan nila.? Malalaman niyo rin. God bless sa ating lahat.
Salamat,
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon