Ang Kulto at mga Multo (Part 10)

218 3 0
                                    


Ayos ba kayo lahat mga Spookifyers? Nabitin kayo nong Huling Part ng Kwento, Tara at Simulan na natin Karugtong.
Nong Marating na namin ang Kinaroroonan ng Kuta ng Mga Satanismo, nakakapanindig Balahibo ang makikita mo Doon. Lalo na Yong nakita namin ni Buddy ang Mga Rebulto ng Santo na Pinugutan nila ng Ulo at pinalitan ng mga Patay na ulo ng Hayop (Ulo ng Baboy at Kambing, at Aso..) Yong Rebulto ni mama mary? pinalitan nila ng Ulo Baboy, yong Rebulto ng Santo Nino? pinalitan ng Aso at yong Kay Jesus Christ na Divine Mercy naman Kambing na may Sungay.. Nakaka Pangilabot talaga ang nakita namin lalo na yong amoy doon na napaka Baho.. Kung Mahina ang Sikmura mo Masusuka ka talaga. Nasa Labas lang kasi ng Kubo ang mga Rebulto nilagay, Napansin namin ni Buddy na napakatahimik at Walang Tao don o kayay Isa sa mga Kulto. Bago kami Lumapit ni Buddy kinuha ko sa Bulsa ko ang Celphone ko kasi Gusto ko picturan yon, Nakakapag taka kasi Naka off at ayaw pa mag On. Hindi naman lowbat kasi Naka Full charge yun nong umalis kami ng Bahay. Kaya tiningnan din ni Buddy ang Celpone niya, Ganun din Hindi nag O On.. "LowBat talaga tong Sa akin Bayaw, Kaya ayaw mag On, pero yang Sayo baka Sira na.." Sabi ni buddy na pabulong sa akin. ayaw namin gumawa ng Ingay baka kasi nasa paligid lang ang mga Kulto. Dahan Dahan na Kaming Lumapit sa Kubo nila. Wala itong Pintuan At tanging Trapal lang na parang ginawang Kurtina. Dahan dahan din namin itong Hinawi para makita ang nasa Loob. Mas NakakaTakot yong Bumungad sa aming nakita. May Rebulto ni Satanas Naka Apak sa Isang Anghel at Aakmang Tutusokin nong Hawak niyang Pantusok, Nakaramdam talaga kami ni Buddy ng Takot non, Swear to God ayaw ko na maulit yon. Pumasok pa rin kami ni Buddy para talaga makita namin ang nasa loob pa. At Nakita namin sa Bawat DingDing na may mga NakaSulat na Latin Din. Mga Dasal na Pantawag Demonyo. At Binasa pa Talaga ng LokoLokong c Buddy kaya Nabatokan ko siya. "Balak mo bang Tawagin yang sinasamba nila Buddy..?" Pinagalitan ko si buddy pero sa mahinang Boses lang. At Mas Lalo pa kaming Natakot ng Makita namin na may mga Buto at Bungo ng Tao. Naka Palibot sa Rebulto ni Satanas. at Yong mga Ulo ng mga Rebulto na nasa Labas Pinagbabasag at hinalo don sa mga Bungo at buto ng tao. "Kailangan natin Sunogin tong Teretoryo nila buddy, ito yong dahilan bakit May mga kamalasan at mga kababalaghan nangyayari sa Lugar niyo." bulong ko kay buddy, Sumang ayon naman c buddy kaya lumabas kami para Simulan namin sirain ang Teretoryo nila. Pero bago pa kami lumabas NakaRamdam ako ng Panganib.. Lumakas ang kaba sa dibdib ko, at Alam kong Nasa Panganib na kami ni Buddy. Kaya Nong Hinawi na ni buddy ang Trapal na kurtina, Nabulaga kami Dahil Sampong Kulto ang Nasa Labas Inaabangan nila kami. At Agad kaming inatake nila at hinila palabas, May humawak sa kamay at paa namin ni Buddy at Pinagsasakal kami. Wala akong magawa nakikita ko si Buddy na Nahihirapan ng Huminga at ganon na rin ako, Tanging Nasabi ko sa isip ko.. "Diyos na Makapangyarihan Tulongan mo kaming mga Anak mo sa mga kamay ng mga Demonyo nato.." Unti Unti na akong Nawawalan ng Malay at Hindi ko magamit ang Dasal kong Latin Nasasaktan kasi ako sa pagkakasakal. May Sumusuntok pa sa Likod at Tyan ko. Biglang Pumuti lahat ang aking paningin, Tanging naaalala ko nalang ay Nasa Ulap ako, Walang iba nandoon, "Ito na ba ang Langit? Bakit walang Kaharian ng Diyos dito? tulad nong mga nakikita ko sa mga Palabas..Asan na ba ako?" Hinanap ko si buddy pero wala akong makita. Naglalakad ako sa walang Katapusang Makapal na Ulap. Bigla ako nakaramdam ng Sakit at Hapdi sa aking Kamay. Masakit na Masakit, ibig sabihin Hindi pa ako patay, bakit ako nakaramdam ng Sakit? At Bigla akong Nagkamalay Nakabalik ako sa aking Katawan, at Nakita ko ang mga Kulto ay nakahandusay sa Lupa puro Duguan. Wala ng Buhay at, Nakita ko nakasalampak si Buddy sa Lupa. Tulala nakatingin sa akin, Nakita ko rin Ang Mga Kamay ko Dugoan. Lumapit ako kay Buddy at Tinanong ko siya anong Nangyari? "Huwag kang Lumapit sa akin, Hindi ka Tao.. Hhhindi ikaw ang Bayaw ko..!" Takot na takot si Buddy sa akin, "Bayaw ako to..Ano pinagsasabi mo? Nasisiraan ka na ng Bait buddy.." Nagtataka talaga ako sa sinabi ni buddy, wala akong idea sa mga pinagsasabi niya. Nawalan ako ng Malay at Hindi Ko talaga alam ang Nangyari. Tanging c buddy lang ang NakakaAlam non. "Ibalik mo ang Bayaw ko..! Hindi ka Tao..! Patay ako nito sa Kapatid ko asan na ang Bayaw ko!" Galit na natakot pagkakasabi ni buddy sa akin. "Huminahon ka buddy ako to, Pinagloloko mo na naman ako, hindi na nakakatawa yang joke mo buddy.." Tinaasan ko na siya ng Boses kasi nag Hehysterical talaga c buddy pinangangalandakan niyang Hindi daw ako Tao. Gusto ko siya Sapakin sa Sinabi niyang yon sa Totoo lang. Habang nagtatalo kami ni buddy, Biglang may Ibinato sa amin na kamuntik na ako tamaan. Yong pantusok na hawak nong rebulto ni Satanas, Mula sa loob ibinato yon palabas. at natigil kami ni buddy sa pagtatalo at nakatingin kami pareho sa may Trapal na kurtina. Kinutoban na ako non na sana nagkamali ako sa iniisip ko.
Biglang May humawi sa Trapal mula sa Loob at Nakita namin ni Buddy ang Rebulto ni Satanas ay Nagkabuhay. Imposible? Pero ito ay totoong Nangyari, Lumabas ang Rebulto ni Satanas na Galit na Galit.. Biglang Dumilim ang Paligid at Ang Kalangitan ay napuno ng maiitim na Ulap, Kumulog ng malakas. "Buddy, nasaan yong Salamin?" Tanong ko kay Buddy, at nanginginig siyang kinuha ito sa Loob ng Bag Niya. Buti nalang at hindi ito nabasag, Napaka Sagrado kasi ng Salamin na yon at hindi basta basta nababasag. "Naalala mo yong sinabi ng Matandang Ermetanyo na Gagamitin natin ang Salamin sa isang nilalang na makakaharap natin. Sa tingin ko itong nilalang na ito ang tinutukoy ng matandang ermentanyo." sinabi ko kay buddy. "Oo naalala ko yon, Pero Hindi ka pa rin tao talaga kanina bayaw.." Pinaalala pa talaga ulit ni buddy sa akin.
NaGulat kami sa Rebulto ng Demonyo ng Pinababasag na niya ang mga Rebulto rin ng mga Santo na nasa Labas.. "Hindi kayo makakaAlis dito ng Buhay Tulad ng mga Diyos niyo Pupugutan ko rin kayo ng Ulo..!!" Binantaan kami nong Satanas na Rebulto at Kinuha ko ang Salamin at pinaharap ko sa kanya, pero sadyang napakabilis niya at Tumalon ito sa Bubong ng Kubo. "Alam ko ang Bawat kilos niyo mga Puting Tupa..! Nasaan na ang inyong tagapagbantay na Matanda? iniwan kayo at pinahamak dito.. Mamatay kayo..!" Sabi nong Rebultong satanas Pero Hindi na siya Rebulto kasi Yong Balat niya Parang sa Ahas magaspang. Naglalaway yong Bibig niya at matatalim ang Pangil, Tumalon ulit ito paibaba at sa Gilid ng Kubo ito lumapag. Patakbo ito papunta sa amin at ang bawat hakbang niya ay Parang umaalog ang Lupa. ibinigay ko kay Buddy ang Salamin at tinangal ko sa ulo ko ang Green na panyo. at ipinulopot ko sa aking Kamay, "Buddy Kahit anong mangyari..! pagsinabi kong itapat mo ang salamin itapat mo kaagad yong makita niya ang sarili niya.." pagpapaalala ko kay buddy. at Hinintay ko makalapit ang Satanas sa harap ko, Nagdasal na ako ng Latin at bago pa siya nakalapit ay nakahanda pala si buddy may abu at asin pala sa kamay niya at isinaboy niya ito sa satanas at tinamaan ang mukha nito, Umuusok at iniinda niya yong sakit at Nilapitan ko siya sinuntok ko ng kamay kong may Green na Panyo Napatumba ko ang Satanas sa Lupa Isinakal ko sa kanya ang Panyo ko.." Buddy..!! itapat mo na sa kanya.." sigaw ko kay buddy baka kasi makawala pa ito at mahihirapan na naman kami. itinapat ni Buddy yong Salamin at nakita ni satanas yong Reflection niya. para bang nagteleport siya at nasa Loob nong Salamin, kaya Itinaob ito ni Buddy sa Lupa at kumuha ng Bato at Binasag niya ito. Pagkabasag non ay Kumidlat at kumulog, Yong kidlat na Tumatama sa Paligid lang. nakakasilaw at nakakatakot at biglang Lumindol ng napakalakas, Bumukas yong Lupa at nilamon yong mga Kulto na nakahandusay sa Lupa yong Mga basag na salamin ay umaapoy. nakakapanindig balahibo ang mga nakikita namin ni buddy, Nagsindi ako ng Yosi at Sinindihan ko rin yong Kubo ng mga kulto. Sinunog ko ito bago kami umalis, Siniguro namin na Magiging Abu nalang ang Kubo na yon. Yong Lupa na Kinain ang Mga Kulto ay Sumarado pero yong Kalangitan ay nananatiling Madilim. Nilisan namin ang Lugar na yon at Habang papaUwi kami ay Kinuwento ni Buddy sa akin ang Nakita niya sa akin kanina. "Nakakatakot ka Bayaw, Habang sinasakal at sinasaktan tayo Kamuntik na ako malagotan ng Hininga Ngunit bigla kang Umiilaw na napakaliwanag, at Tinubuan ka ng Pakpak na Puti yong Balat mo naging Mabalahibong puti Tulad ng Tupa nakakatakot ka. PinaTumba mo lahat sa iisang Suntok lang ang lahat ng Satanismo na yun. Pero Bayaw ayoko maging Tulad sayo, Hindi ka na Tao non...!" Kwento ni Buddy sa akin. "inuulit mo talaga yong Hindi ako tao Buddy..nanadya ka na yata eh." sabay bigwas ko kay buddy. pero natawa lang siya. Habang papauwi Kami Naabotan na kami ng Gabi kaya madilim na ang Dinadaanan namin. At Naging ok na ang Celpone ko at ginamit namin ang Flashlight nito.
Hinarang na naman kami nong kabaong, At natakot kami kasi may Bumangon mula dito. "Bayaw Anu na naman yan?" Tanong ni buddy sa akin. "Hindi ko alam buddy kong anu man yan, Ihanda mo yong Asin at Abu meron pa ba tayo dyan sa Bag mo.?" sabi ko kay Buddy, Pero bigla itong naglaho at Nagpatuloy na kami sa paglakad pag uwi. nong Malapit na kami sa bahay napansin namin ang Sasakyan ng Pulis na nasa Labas ng Bahay. Kaya tinakbo namin para alamin ang nangyayari. Nagulat ang Lahat pagkakita sa amin, lumapit si partner at niyakap ako. "how Sweet naman..Anu bang nangyari dito at bakit may pulis? teka Karla bakit ikaw hindi ka yumayakap sa akin.." sabi ni Buddy. "Dalawang Araw na kayo nawawala Kaya inireport kayo doon sa opisina ng pamilya niyo. Saan ba kayo galing at maraming nag aaalala sa inyo?" Sabi ng Pulis sa amin. "Dalawang Araw? sigurado kayo na dalawang araw? Hindi namin alam kung saan kami napunta Wala kaming alam sa lugar na napuntahan namin." sagot ko sa pulis. Pagkaalis nong mga pulis, napuno kami ng mga tanong nila kung saan ba talaga kami Napunta. Wala kaming masagot ni Buddy Nanatili itong Lihim sa pamilya namin. Dahil doon naisip ko na nakapunta kami sa ibang demension yong isang araw na lakad namin ay katumbas ng dalawang araw dito sa ating mundo. at kaya Cguro hindi nag On yong Celphone ko, Tawag daw sila ng Tawag sa mga Number namin pero out of Coverage area daw sabi ni Partner. At naiintindihan ko na kung Bakit kami tinatawag na Puting Tupa. Kasi yong matandang Ermetanyo ang aming pastol na tagapagbantay. May aaminin ako sa inyo, Yong Matandang Ermetanyo ay isang Anghel, Kung naalala niyo sinabi niya amin dati na Siya ay Kami at Kami ay siya. Kaya yong nakita ni Buddy Hindi ako yun. Sumanib lang sa katawan ko ang isang anghel . mahirap paniwalaan pero ito ay aming naranasan, Alam ko rin na Hindi lang kami ang mga Puting Tupa dito sa Mundo, Andyan lang sila Baka kakilala niyo pa nga yung iba. Tahimik at parang Natural lang ..
At dito nagtatapos ang Kulto at ang Mga Multo. Hanggang sa muli kong pagbabalik sa mga bago kong karanasan na Hindi pangkaraniwan. Maraming Salamat sa inyong Supporta at paniniwala ako po ay nagagalak na ibahagi ito sa inyo, para ipaalam na Totoo ang Mga Kababalghan, totoong may Diyos at Totoo si Kamatayan, Totoo ang Demonyo, Totoo si Satanas. at Totoo ang mga Anghel,
At ako at ang kwento ko ay Walang Halong Kalokohan. ito ay Purong Totoo.. Salamat at God Bless sa Inyong Lahat, ang Diyos ay Sumasainyo...
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon