Hi po sa mga readers ng spookify at lalo na po sa mga admins, napag isipan namin ni Conchitabonfire na magshare sa isang kwento tungkol sa isang case na naimbitahan lang kaming gawin noon. Naweirdan ako sa una pero nung binuo na namin ang tagpi tagpi naming experience sa case ay nabuo rin namin sa wakas.
Note: Lahat po nang maishashare naming mga prayers dito ay safe basahin at lahat po ng nakasama namin ay pinalitan ang mga pangalan for privacy.(Seth)
2008 nang makatanggap si Kuya Mon ng isang liham, ang nakakapagtaka pa noon ay mismong si Father *** ang nag abot nito sa bahay nila Kuya Mon. Ang akin lang naman ay bibihirang lumabas ng simbahan si Father para lamang may iabot ito na liham, kaya alam ko ito dahil ako ang nagsundo kay Father doon sa church papunta kila Kuya Mon. Nang iabot ang liham kay Kuya Mon, lahat kami sinundan ng tingin yung maliit na puting sobre na parang may milagrong nangyayari sa harapan namin, kaya natawa si Father sa mga pagmumukha namin. Sinabi ni Father na wala na siyang ibang maisip na iba pang isasama na maliit na group kundi ang group ni Kuya Mon. Ang letter na iyon ay ang authorization letter na naglalaman ng utos for an investigation dahil paliwanag ni Father na ang location na pupuntahan niya ay reported na mayroong demonic infestation at umabot na sa pagkakaroon ng mga poltergeist activity. Lahat kami ay ginapangan ng takot dahil na rin ang simbahan ang nag utos sa isang pari na imbestigahan ang mga nangyayari doon sa lugar na malimit gawin ng simbahan. Kaya natatakot kami sa kung ano nga ba ang meron doon at bakit pari ang pinapapunta doon.Kaya nung oras na din na yun ay nag usap kaming lahat kasama si Father sa kung ano ang state nung lugar at bakit may ganung mga pangyayari. Sabi ni Father na noon pa man ay nakakatanggap na sila ng mga liham galing sa mga taong malapit sa location na iyon, pero hindi daw ito unang pinansin. Hanggang sa huling liham na may kasama ng vcd, na naglalaman ng video sa loob nung location, yung mga gamit sa loob ay nagbubukasan, lumulutang at lumilipad na parang tinatapon na may pwersa. Kaya doon na daw nagbigay ng utos ang simbahan, liban doon ay pinakita ni Father sa amin ang folder (Wala ng ibang choice si Father dahil kinuha na bigla ito ni Kuya Mon at nilagay sa mesa) na puno ng historical research tungkol doon sa lugar. May ilang mga tribo din ang nanirahan doon at kasama dito ay ilang babaylan na nagsasagawa ng mga ritwal at pag aalay ng dugo ng mga hayop. Along sa pagbasa namin ng mga files ay naitanong ni Conchita ang mga tanong na kinagulat namin. 'Father may I ask kung ano ang lagay nung lupa na kinatatayuan nung bahay? Dahil kung minsan ang akala mong patag na lupa ay hindi talaga patag, kumbaga kaya nalalaglag at parang tinatapon ang mga bagay sa loob ay dahil lang nakaslant na yung house. Hindi ako architect pero diba may ibang tawag doon o kaya naman ay lumulubog na pala yung bahay dabah?' (Please kung sino mang architect or architecture students na alam ang sinasabi ni Conchita please comment kung ano man ang ganitong pangyayari or doon po sa may alam please and thank you po). Iniabot ni Father yung isang file ng mine and geo sciences sa kaniya pero nung nabasa niya ito eh nablangko siya at nasabi nalang 'Psych student po ako! Huhuhuhu!'
Balik doon sa files, marami na palang tumira doon pero hindi sila inaabot ng isang taon at agad na umaalis sa lugar na iyon, pero may ilan din na tumagal ng dalawang taon. Wala na raw nakatira doon at mga caretakers nalang ang sumasaglit doon para maglinis, hindi rin maibenta ng may ari ang lugar na iyon dahil nang subukan nila itong ibenta ay halos ikamatay na noon ng may ari. 'Natry na ba itong bisitahin ng ibang paranormal investigators?' tanong ko kay Father at sabi niya ay napasok na ito dati ng mga Paranormal investigators at nag alay sila ng dasal at seal pero hindi rin ito nagtagal at bumalik ulit ito sa dati. 'Father kung dati ay may mga naninirahan na babaylan doon, hindi ba baka sacred spot nila ang tinayuan ng bahay or may mga buto na nahanap sa lugar kaya nagambala ang mga spirit na naroon?' tanong ni Crystal habang binabasa ang historical file nung lugar. 'Maaari, dahil sa nung hinukay nila ang foundation nung bahay ay marami silang nakitang buto, sabi ng ilan ay mga buto daw ng sinalvage doon dati nung martial law. Pero wala namang katibayan ito dahil halos lahat ng buto na nakita doon ay matanda na.' Iniabot ni Father yung isa pang file case sa bag niya na parang may undetectable extension charm kasi manipis yung bag pero hindi nauubusan ng makakapal na case folders.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorreurThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree