Teo, the dystheist

777 18 2
                                    


Naniniwala syang may Diyos, pero hindi sya naniniwalang mahal ng Diyos ang sanlibutan. Dalawa silang kaibigan ko, na dumanas ng labis labis na paghihirap sa buhay nila, si Teo at Keenan. Unahin natin si Teo, dating mananampalataya sa Ama. Pov nya bes.

Ang simula

Larawan kami ng masayang pamilya, hindi ko nakita at narinig na nag-away ang mga magulang ko. Maraming bilib sa kanila, magkasundo sila at makikita ang pagmamahal sa isa't isa kahit magkaiba ang paniniwala nila. Si Papa, Kristyano, hindi naniniwala sa mga santo. Si Mama debotong Katoliko, naglilingkod sa simbahan, araw-araw nagrorosaryo, may debosyon sya sa patron ng bayan namin. Ang Santo Niño.

Apat kaming magkakapatid. Si Ate Maya, Kuya Sean, ako at ang bunso naming si Miko. Halinhinan ang pagdalo namin sa kanya kanya nilang sektang kinabinilangan. Pero mas malapit ako kay mama kaya mas naging aktibo ako sa relihiyon nya. Naging alter server ako pagtuntong ko ng grade four. Kasama ko si Miko, isang taon lang ang agwat ng edad namin. Marami akong kaibigan, pero si Miko halos wala. Madalas pa syang i-bully dahil may mga sinasabi syang para sa edad namin, nakakatawa. Isa ito sa mga tumatak sa isip ko.

First communion nya, nirerespeto kasi ni papa ang gusto ni mama, kaya hindi sya tumatanggi sa mga gusto ni mama'ng igawad saming sakramento. Sabi nilang dalawa, sa edad naming disi otso, maari na kaming mamili sa paglilingkuran naming sekta. Isa isa silang kinausap ng pari para magkumpisal. Hinihintay ko sya sa gilid ng simbahan kung nasaan ang bike ko. Nang lumabas sya, para syang takot na takot, malilikot ang mga mata.
Nang tanungin ko sya kung anong problema, natawa ako sa sagot nya.

""Iniwan ako ni father saglit kasi may dumating na mga tao. Tas sabi nya pray muna ako para mapatawad agad ako ni God. Pag alis nya yong si God na nakapako kuya tinawag ako""

Tinawanan ko lang sya ng tinawanan hanggang makauwi kami sa bahay. Sinabi ko kay Ate Maya at kitang kita ang takot, katulad ng kay Miko, sa mga mata nya. Palihim na sinabi ni ate kay papa, si papa naman nang sumunod na linggo, isinama nya si Miko sa kanya, sa fellowship.

Bata, bata, pano ka ginawa?

Nang sumunod na taon, tinanggap ni papa ang alok na trabaho sa gitnang silangan. Nasa kolehiyo na kasi si ate at hindi na sasapat ang kita nya sa pagkakarpintero para suportahan kaming lahat. Si Mama, isang simpleng may bahay lang.

Sa pag alis ng haligi ng tahanan, ang matatag na pundasyon ay humina. Isang gabi habang gumagawa kami ng assignment nina Kuya at Miko sa kwarto namin, napalabas kami nang marinig namin ang mga sigaw ni mama.
Nagulat kami dahil sa kauna unahang pagkakataon, nakita naming magalit si mama, sinasabunutan nya si ate sabay sinasampal, umiiyak lang si ate. Inawat namin sila pero bago sila tuluyang mapaglayo, si mama nakatadyak pa kay ate. Nalaman namin ang dahilan, buntis si ate, kung sinong ama? Naging palaisipan samin yon sa loob ng labinlimang taon.

Dito na nagsimulang magbago ang lahat. Gusto ni mama, ipalaglag ang buhay sa sinapupunan ni ate, nakakahiya raw kasi, ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa paligid, kung malaman na ang anak nya, sya na kilala bilang tao ng simbahan, buntis sa pagkadalaga? Umiiyak si ate dahil ayaw nya, sabi nya kasalanan, malaking kasalanan ang pagkitil ng buhay, mahal din nya ang anak nya. Sumunod na mga araw, laging may gulo sa bahay. Pinipilit ni mama na inumin ni ate ang binili nyang gamot. Naging iwas kami sa bahay. Naging takbuhan namin ang simbahan. Dalawang linggo matapos nang nangyari, nagulat na lang kami nila ate ng habang kumakain kami ng hapunan isubsob ni mama sa plato nya si Miko. Minura mura nya, lahat ng klase ng mura nasabi na nya ata.

""Ikaw na bata ka. Ang bata bata mo pa tsismoso ka na! Bakit mo sinabi kay Inyang na buntis ate mo! Pinag uusapan tuloy ako!""

Tigalgal kami, lalo na sa mga sumunod na sinabi ni Miko.

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon