Gusto ko lang po i-share yong karanasan kong never ko inakala na mangyayari sakin. At sa birthday ko pa po nangyari. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganitong bagay pero totoo pala ang kasabihang ""to see is to believe"" pero sa context ng story ko eh ""to experience is to believe"".
June 2015
Pumunta po akong city proper para magpa notarize ng document. Sa init at pagod, nagutom po ako. Bente pesos na lang ang pera ko non, ang 10 pamasahe ko. Ang isang sampu, pinambili ko ng kwek-kwek. Bago umuwi, sumaglit muna akong simbahan. Pagkarating ko sa bahay, inaya ako ni mama na kumain sa labas, treat niya daw. Nakarating kami sa isang fastfood chain at kumain. Usually, pag kakain ako doon, nagtatagal talaga kami kasi nga may unli rice pero nung time na yon, di ko naenjoy yong pagkain kasi biglang sumama ang tiyan ko. Binilisan na lang namin ni mama at umuwi. Sa isip ko, baka may nakain ako kaya nagreact ang tiyan ko. Nangyayari kasi minsan sakin yon na bigla-biglang magrereact ang tiyan ko at sa banyo ang tuloy ko. After ko mag cr, kadalasan ay ok na ko. Pero nong time na yon, bumalik na naman ako sa cr para magdumi. Sumama na naman ang tiyan ko. That day, nakatatlong beses yata akong pabalik-balik sa cr. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na ang saya naman ng birthday ko.Kinabukasan, nagising ako na masama ang tiyan so tumuloy ako sa banyo. After thirty minutes to an hour, bumalik ulit ako sa cr para dumumi. Nakatatlong beses ako sa banyo nang magdecide akong uminom ng imodium. Akalo ko titigil na ang pagtatae ko pero nasundan pa yon hanggang limang beses.
Third day: Ganun pa rin yong eksena. 5 times akong pabalik-balik sa banyo kahit na uminom na ako ng gamot. One time habang kumakain kami, biglang humilab yong tiyan ko. Alam ko na sa banyo ulit ako tutuloy. Nadinig ko usapan nila mama at papa. Nasabi ni papa na baka daw may nagsalin sakin ng sumpa ng aswang at one of these days lilipad na raw ako. Tumawa lang ako kasi bakit naman mangyayari yon eh nasa city kami. Ipinagkibit-balikat ko na lang.
Fourth day: Wala pa ring pagbabago kaya pumunta kaming ospital para magpacheck. Nag advise yong doctor na magpa stool test ako, baka raw may bacteria sa tiyan ko. So I heeded the advise. Nagbiro si mama na kung negative, ibig sabihin may naglason sakin. At hindi nga siya nagkamali. Negative yong results ng test at doon na ko kinabahan.
Fifth day: Nagdecide si mama na sa albularyo na kami magpatingin. Don namin nalaman na biktima ako ng lason. Kung hindi naagapan eh, malamang patay na ako ngayon. Nang ginamot ako ng albularyo, gumaan pakiramdam ko. Nawala yong hilab at sakit ng tiyan ko. Tatlong beses kaming bumalik sa albularyo para masiguro namin na magiging ok na ko. Sabi ng albularyo sakin na may mga tao talagang naglalason kasi nanghihina daw yong katawan nila pag hindi nila ginawa. Sinabi din niya kung saan-saang lugar kalimitan may nangyayaring paglason at umiwas kung may mag-aalok ng pagkain.
Noong pumunta kami sa albularyo at nagpatingin, pinaupo ako ni Manong albularyo. May kinuha siyang itlog at ipinatong sa isang malaking bote na nakahiga na may lamang langis. Nakatayo ang itlog at hindi nalaglag. Ibig sabihin, nabiktima ako ng lason. ""Hilo"" ang tawag namin dito. Iyong nangyari sa akin ""Laygay"" daw ang tawag. Meaning, parang torture hanggang sa mamatay ang biktima. Buti na lang, hindi yong isang klase ng lason na kapag napasok sa katawan mo ay mamamatay ka agad-agad.
Naniniwala na kong totoo pala ang mga bagay na tulad ng lason at worse, ang pagiging aswang. Kahit hindi naman talaga ako yong sadyang biktimahin, naging cautious na ko sa kung saan ako kakain at hindi na rin ako kumakain ng streetfoods sa tabi-tabi.
PS. Pasensya na po dahil hindi ako masyadong marunong ng Tagalog. Bisaya po kasi ako. Sana naintindihan niyo ang kwento kahit papano.
Grasya
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree