Kumusta mga kaibigan Spookifyers?Heto na ang Karugtong ng Kwento ko, Pasensiya ulit kung natagalan ang aking Pag Update, may Activity kasi sa Kapunongan kaya medyo na Busy ang inyong Lingkod. Salamat sa paghihintay, kaya mga kaibigan heto na simulan na natin to....Maraming isiniwalat si Totax sa akin Tungkol sa Kasunduan nila ng Tita Gina ko. Pigil Galit ako sa pag haharap naming yun ni Totax, Wala pa kasi akong Capasidad na Lakas para Labanan ang Traydor ng Samahan na si Totax. Kaya napilitan na nalang akong Makinig sa mga Pinagsasabi niya. Umabot pa sa Punto na pati pala ako ay e Offer niya din ng Kasunduan sa pamamagitan ng Lalagdaan ko ang dala niyang Kasulatan..."May kasulatan akong dala dito, At gusto ko na magkaroon tayo ng Kasunduan... pagbibigyan ko lahat ng ihihiling mo, Ibalik si Bem na Buhay para sa mga Anak niya. pero Ang Tita mo ay Hindi na maibabalik kasi Pag aari na siya ng Kadiliman...(tumatawa) Ano Payag ka ba kapatid...? heto at kukunin ko ang Lalagdaan mo sa pamamagitan ng iyong Dugo....." Kinuha ni Totax ang papel na parang Tela tulad nong una niyang pinakita sa akin na may lagda ng Tita Gina ko. kaso wala pang Marka ng Dugo ang pangalawang kinuha niyang Bagay. inabot niya sa akin at Kinuha ko ito at Binasa.... Pero biglang Dumilim ang Paningin ko.... nag Iba ang Dimension ng Paligid at Nakita ko ang Lugar na Sinasabi ng Lahat na Empyerno...Nakita ko ang mga Taong napunta doon, lahat sila ay nagkaroon ng Sungay at ang saya saya nila, pero may iba naman nagsisigaw na parang pinapahirapan, Bilyon Bilyon ang Naroroon at Unang Beses ko makakita sa boung Buhay ko ng Ganun ka Crowded na Lugar na Napaka ingay ng Tawanan, iyakan at puro Makasalanan na nawalan ng Matinong pag iisip ang aking Natunghayan.. May mga Mahahalay din na harap harapan ginagawa sa maraming nilalang na nasa Paligid, walang Pakialamanan. Mayroon ding nag Aaway na hinahayaan lang, lahat na yata ng Kasamaan o ang mga makasalanan na di na kayang tanggapin sa kinaroroonan ng Diyos Ama ay doon na ang Bagsak. Describe ko muna yong Paligid, Isa siyang Lugar na parang Desierto na may mga Apoy sa Kalangitan, naglalagablab at Yong Lupa ay Kulay Dugo na may mga Usok na gumagapang... Mainit ang Lugar na yun, Para bang kayang lusawin kahit ang pinakamatigas na Bakal... Sinungaling tong si Totax, Hindi ito syudad na sinasabi ni Totax sa akin dati.Kung sa atin dito sa Normal nating Mundo ay may Kidlat kapag Umaambon, Umuulan at Kumukulog, Doon ay Apoy ang Gumuguhit sa kalangitan Pababa at Sumasabog pa na Tumatama sa mga Tao sa Paligid. Palingon lingon ako dahil nagbabakasakali na makita ko ang Tita Gina ko, pero dahil sa bilyon bilyon nga ang nandoon na halos magkakapareho na ang mga hitsura dahil may mga Sungay na lahat ang nandoon bigo akong makita ang Tita ko. pero May kaganapan na nag bigay takot sa akin. Nakita ko si Rosefel na may mga Kasamang Halimaw na Malalaki ang Katawan parang mga Kawal sa Empyerno na Papalapit sa kinaroonan ko. (Kung nasubaybayan niyo ang kwento ko dati. Kilala niyo na kung Sino siya...) Kaya bumilis ang Kaba ng Dibdib ko, Hindi na ito Tama.. Kailangan ko ng makabalik sa Realidad... kaya Pinikit ko ang aking mga Mata at Nagdasal ng Descomonyon. Pagdilat ko ay Nasa Sala na ako ulit at Nabitawan ko na yong Papel na parang tela na may mga Nakasulat na Kasunduan. Napakabilis ng aking Paghinga at tumatagaktak ang mga pawis ko na parang Galing ako sa Takbohan... "Siguro naman nakita mo na kung Gaano kasaya, kaganda at Malaya ang Lugar na nakita mo kapatid... Hindi mo nakita ang Tita mo doon at ang Tito mo di ba...? pero yong Tita mo nakita ka niya kaso Masaya na siya doon kaya hinayaan ka lang niya na nagmamasid sa lahat. Yong Tito Bem mo naman di mo rin nakita, syempre Wala siya doon..." Tumawa ng Tumawa si Totax na sinabi ito sa akin. "Traydor ka na nga... Baliw ka pa...! Sinungaling ka... Nasan si Tito Bem..? Ibalik mo na siya...! Huwag mo na ako Gawin na Tulad Mo Huwag mo akong paikotin sa mga panlilinlang mo, Tinalikuran mo na ang Liwanag. Maawa ka sa mga Inocente alang alang sa mga Bata na kapag magaling na sila ay may Ama pa silang makakasama..." Pag mamakaawa ko kay Totax kahit humihingal. "Kapatid... hindi na uubra sa akin ang pagmamakaawa mo, wala akong Pakialam sa mga tao na nabubuhay sa Mundo. Minsan na akong Dumaan sa Ganyan, kaya ngayon Silang nabubuhay ay Dapat dumaan din sa Pag hihirap at pagtitiis. Para Gumawa ng masama, kumapit sa Dilim at boom...! welcome sa aming Mundo.... Kahit ikaw kapatid ay pwede din sa aming mundo, maari kang mamuno doon kung gugustohin mo... Lalo na isa kang Dugong Anghel Malakas ka pa kesa sa akin, magiging Boss pa kita, Magsasama tayo na Ipakalat sa Boung Mundo ang Tunay na kasiyahan at kahalagahan ng Buhay ng Tao....Mali yong maging Mabait ka, para ano? aabosohin lang ng iba, kaya Bibigyan kita ng Limang Araw para mag isip at mag decision kapatid, Isipin mo na kaya ko ibalik si Bem para sa mga Pinsan mo.. So pano maiwan ko na sayo ang kasulatan ng Kasunduan natin. Paalala ko lang Di mo mapupunit ang Kasulatan na yan at kahit sunugin mo pa No effect pa rin... (tumatawa) so Pano Aalis na ako at marami pa akong gagawin kapatid, isang karangalan ang Makausap muli ang Apo ng Maestro..." Tumayo si Totax at Naglakad papunta sa Pintuan. Tawa ito ng Tawa na parang Baliw, nakaka insulto yong mga kilos na pinakita niya sa akin. nong makalabas na siya Sinundan ko pero agad siyang naglaho.(Fast Forward)Nong maka uwi na si Buddy galing sa inaaplyan niya, naabotan niya akong nakaupo na nakatitig sa papel na iniwan ni Totax na nakalapag sa lamisita ng Sala. "Oh bat Parang Napisaan ka ng Itlog dyan bayaw...? ano ba yang nasa lamisa na tinititigan mo? love letter ba yan o Warrant of arrest?" Pangungulit ni buddy na kakarating lang eh kalokohan kaagad ang pinagsasabi. di ako umimik kasi malalim ang iniisip ko, kaya kinuha niya ito at binasa. "Kasunduan to ah... Hmmm hulaan ko kay Botox galing to bayaw no? Nangangamoy Traydor kasi ang papel na ito... Punitin ko to bayaw baka lagdaan mo pa to..." Sinubukan punitin ni Buddy at hinayaan ko lang siya. Pero di niya napunit ang kasunduan. "Ano bang klasing Papel to at Ang tigas naman nito parang mauuna pa yata mapupunit ang kamay ko... basa.in ko nga to tingnan natin kung Di pa to mapunit..." Dinala ni Buddy sa kusina at binasa niya ito sa Gripo pero di ito nababasa. "Na wiwierdohan na ako sa papel na to bayaw hindi nababasa, water proof ba ito, saan kaya to gawa? grabi naman, subukan kaya natin sunugin. Pag ito di pa nasunog ayawan na talaga..." kumuha ng posporo si buddy at sinindihan niya ito. ngunit naubos na niya ang laman ng posporo sa kasisindi ni hindi man umitim o nasunog kahit konti yong papel na may kasunduan na nakasulat. Napikon si buddy at lumabas ng bahay bitbit yong papel, itinapon niya sa labas ng bahay. ngunit nagulat siya nong pagpasok niya nasa lamisita ito ulit. "Kahit anong gawin mo buddy, balewala yan.. ginawa ko na kasi lahat yan kanina, nainis lang ako kasi andyan pa rin..." sabi ko kay buddy na napapailing. Kinuha ni buddy ang Panyo na Green sa Bulsa niya. yong Panyo ko dati na binigay ko sa kanya. Ipinatong niya ito sa papel ng Kasunduan, pero Umusok lang yong panyo kaya pinatangal ko. "Masyadong malakas ang Nakabalot na Kapangyarihan ng Kadiliman sa papel na ito buddy, Hindi natin sila kaya at yun ang malaking Problema ngayon..." napapatitig na lang si Buddy sa akin na malalim ang iniisip. "Hihingi ako ng Tulong kina Kuya Bobet, tatawagan ko sila ngayon..." Kinuha ko ang celphone ko at Tinawagan si Kuya Bobet yong Pinsan ko sa Cabadbaran. (Nakilala niyo na siya sa mga nakaraan kong kwento.) sinabi ko sa kanya lahat ng nangyayari lalo na sa kasunduan na gusto ni Totax. kaya naman Pinapapunta niya kami doon sa cabadbaran dahil may solution siya sa problemang kinakaharap ko. Kaya Agad kami pumunta ni Buddy sa Agora Bus Terminal at bumiyahe papuntang Cabadbaran...(Fast Forward)Pagkadating namin sa Compound ng mga Puting Tupa, ay sinalubong kami nina Bong at Kuya Bobet at Ate Bening. Inasikaso nila kami ni Buddy, Tuwang tuwa si Buddy na makaharap niya ang mga Royal Family ng mga Puting Tupa. Napakagaan daw ng kanyang pakiramdam. Nagkabiruan pa nga sila ni Bong syempre di patatalo si Buddy at naging joker nga siya ng Lahat. Pagkagabi non nasa loob lang kami sa bahay ni Kuya Bobet, kagaya nong Dati na Bawal ng Lumabas ng Pinto sa bahay dahil may mga aaligid na na mga kababalaghan. Natakot si Buddy sa mga nasaksihan niya nong pinatingnan ko mula sa Glass na Bintana ang nagaganap sa Loob ng Compound, nakita niya yong mga Usok na mula sa itaas na bumaba sa lupa at gumapang sa boung Paligid ng Lupa. mga Aso na Nakakapanindig Balahibong umaalolong. Kagaya din nong Dati nag inoman kami ng Beer para pampatulog. Nagkwentohan si Buddy at Kuya Bobet "Normal na ba dito yang ganyan ang nangyayari kapag gabi kuya?" Curios na nagtatanong si Buddy kay kuya Bobet. "Oo at nasanay na kami Lahat, itong Compound kasi namin ay Sinadya ng Maestro (Ama ni kuya Bobet) na maging Isang Lagusan patungo sa ibat ibang dimension. Nabubuksan lang ito pag sapit ng Dilim. Lahat ng mga Elemento, mababait o masasama ay malayang nakakalabas dyan. Lahat ng Membro dito sa kapunongan ay nasanay na din. kaya mapapansin mo ang tahimik na ng paligid at ang mga kabahayan sa labas at loob nitong Compound..." Kwento ni Kuya bobet kay Buddy. Alam ko na kasi ang Kwento dito at ang mga Bawal dito sa lugar nila kaya tahimik lang akong Umiinom na nakikikinig sa kanilang Usapan. Ilang oras pa nauna ng matulog si kuya bobet kasi nasanay na maaga ito matulog kaya kaming dalawa na ni buddy ang nagpatuloy sa inuman. "Ito nga pala yong ikenwento mo sa akin noon bayaw, di ako makapaniwala na ako mismo ngayon ang makakaranas ng mga kwento mo sa akin dati. Nakakatakot nga pala talaga bayaw." sabi ni Buddy na halatang natatakot lalo na pag naririnig niya ang patuloy na pag aalulong ng mga Aso. Ilang minuto pa nakarinig kami ng katok sa Glass ng Bintana, Tumayo si Buddy at Tiningnan niya kung Ano ito. hinawi niya muna yong Kurtina na Kulay Green. Wala siyang nakita kahit sinisipat sipat niya ang ibaba at magkabilang gilid ng Bintana. "Wala naman akong nakikita bayaw pinaglalaruan yata tayo nito ng mga Elemento sa labas..." Sabi ni buddy na nakatingin pa rin sa labas ng Bintana. pero Nagulat siya nong Biglang may Bumulaga na Malaking Puting Nilalang na may Ulo pero walang Mukha parang nabura o sadyang wala lang talaga siyang mukha... Napatakbo si Buddy sa akin at sumiksik, kahit ako nagulat sa nakita sa nilalang na nasa labas ng Bintana. Walang Umimik sa amin dalawa ni Buddy nakatingin kami sa Nilalang na yun, PagkaAlis nito ay Nagsi tawanan kami ni Buddy at nabatokan ko siya. wala lang gusto ko lang siya batokan ang likot niya kasi tatayo, uupo tatayo na naman. Pagkatapos namin sa inuman ng Gabing yun. Natulog na ako si Buddy nag cecelphone pa, hindi pa daw kasi siya inaantok kaya naglaro siya ng Games para antokin daw siya.3am nagising ako dahil lakas maka hilik ni Buddy Nakayakap pa ang Mukong sa akin at nakapatong yong binti niya sa binti ko. dahil mabigat at di ako makagalaw Tinangal ko ang braso at binti niya na kapulopot, pinausog ko siya kasi dikit na dikit sa hinihigaan ko ang mokong daig pa namin mag asawa. Imbes na babalik na ako sa pagtulog naririnig ko ang mga Boses sa labas. mga Boses ng mga Elemento na kakaiba ang mga lengwahe... "Ayrdero Ombara, akomna... hesari om okda karyose...." Tumindig ang mga balahibo ko nong marinig ko ang Katagang yon. Ito ay Salita ng lamang lupa na may Binabalak gawin. kaya bumangon ako at Umupo sa hinihigaan ko... Nagdasal at gumamit ng Descomonyon...Ramdamkong parang yumanig ang Lupa ng mabilis at Nawala yong Boses at Alam kong Natakot na yun dahil tinatawag ko ang Mga kabalyerong Anghel. Abangan ang Karugtong nito dahil Malalaman niyo kung Ano ang Solution ng kinakaharap kong Problema Kaugnay ng Kasunduan sa kadiliman. Tutulongan ako ng mga Pinsan ko sa pamamagitan ng Pagpunta namin muli sa Bermuda Triangle. First time ni Buddy na makapasok sa Sagradong Lugar na yun. at may Makikita kami na Hindi ko aasahan sa pagpunta namin doon... May revealation din ang Maestro sa akin kaugnay sa mga Ginagawa ni Totax.... Salamat sa inyong pagtatyagang paghihintay sa Bawat parte ng Kwento ko... Alam kong may iba na hindi na naniniwala at Rerespetohin natin yun, wala po akong pinipilit na maniwala kasi this is my own Reality Confession. Mahirap Gumawa ng kwento na Hindi mo naman nararanasan.... Mahirap mag Paliwanag sa isip na Walang Liwanag.. paano mo ito makikita kung Nakasara ang isipang Madilim...Bat di subukan buksan at alamin, dahil ang mundo natin ay maraming nakatago lalo na yong mga nakatira sa ilalim...God Bless at Naway Kapayapaan ng isipan ang aking maiiwan sa inyo mga kaibigan...
-Silent RastaPs: Respeto sa kapwa Tao at sa Diyos ang Dapat natin ipairal. huwag ang Ugaling Imoral.
Pps: medyo mahaba pa ang kwentong ito kaya malayo pa ang Huling Bahagi.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree