Bago ko ipagpapatuloy ang Kwento, MagpapaSalamat lang Ako sa Mga Readers at sa Spookify page. Nagbabasa ako sa Coment niyo, Nakakataba ng Puso mga Feedbacks. Salamat dun sa mga Humanga sa storya. Simulan na natin ang karugtong...
Dahil sa nangyari kay Oplong (kaibigan ni buddy) na nagpakamatay gamit ang ShotGun, Alam ko na Hindi Talaga Normal yung pagpapakamatay niya. Pero iba ang pinakalat na Version ng Pamilya ni Oplong, Na Depress daw ito dahil sa Nagkaaway sila ng kaibigan niyang si buddy ( ang babaw ng rason nila ) Sa madaling salita c buddy ang sinisisi ng pamilya ni Oplong. Dahilan para magalit ang partner ko at ang pamilya. yong buddy na balasubas mag isip, Palabiro, naging Seryoso at lagi ng nagmumokmok, malungkot, malalim na ang iniisip. Bago pa man tuloyang lumala ang sitwasion ni buddy Gumawa ako ng paraan. Nag aalala na rin kasi ang boung pamilya makita siyang ganun. Hindi na siya nagsasalita, tahimik lagi, kahit c karla na asawa niya Hindi niya kinakausap. Naisipan kong Mag outing, mag bonding kaming lahat na sinang ayonan naman nila.
Nag Bonding kami lahat sa isang sikat na resort dito sa lanao del Norte (timoga spring resort). Habang nagkakasiyahan ang lahat, Nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin c buddy sa gilid ng Pool, Kinausap ko ng masinsinan c buddy. Nakumbinsi ko siya na Huwag na isipin ang mga Hindi naman totoong nangyari. Alam namin pareho ang katotohanan. "Buddy isa ito sa pagsubok mo, Sinusukat ka lang Hanggang saan ang kaya mo, Ang mga Kampon ng Dilim ang may gawa non. Gusto ka nilang pigilan. Alam ko ako ang Target nila Kaya nong nakaraang gabi inatake ako sa bahay ng kasamahan nilang Matandang may markang baliktad na Cross din. Ngunit hindi ito nagtagumpay kaya ikaw ngayon ang punterya nila Dahil alam nila na Nagsisimula ka pa lang. Kulang pa ang tibay ng Loob mo buddy, Matapang ka nga Pero may Takot pa rin nakakapit sa Puso mo, Sa Diyos lang Tayo Dapat matakot buddy." Dahil sa sinabi kong yon, Bumalik ang Dating Buddy na kalog at sinabi sa akin "Para sa ekonomiya, Magiging matibay ako sa puso, Sa salita at sa Gawa, Panatang Makabayan.." Aaminin ko Tawa ako ng Tawa sa sinabi niya kaya itinulak ko siya sa pool at Nahulog si buddy. Nakita ng pamilya na masaya na si buddy ulit at maging c partner ko Ngumiti sa akin. Nag inoman na rin kami nong araw na yun, ang sayaSaya at Nakalimutan namin ang Mga kababalaghang nangyari.
[FastForward]
Pagkabukas non, nasa labas kami ng partner ko, si karla, si Moi at erwin at Tina. kwentohan lang kami non, Biglang May nagsisigaw na kapitBahay. Naalala niyo yong pamilya sa Kulam Vs Revenge?. Sa Bahay kasi nila may pinagkakagulohan. agad na tumakbo sina moi, Karla, erwin at Tina makikiUsyoso sa nangyari. kami ni partner naewan lang sa kinauupoan namin, kinukumbinsi kasi niya akong pumunta ang at makikiChismax daw kami. Ayoko sana pero nagpupumilit siya Lalo nat na curious siya sa sigaw ng sigaw sa kapitbahay. Kaya napilitan akong pumunta kasama siya. pagpunta namin sa Pintuan pa lang Nakaramdam ako kakaibang lakas. Maraming Tao na nakikisilip sa may bintana, sa pintuan mga Chismakerz nakaHarang, si partner naki insert talaga makita lang ang nangyayari, Buti nalang At 5'6 ang height ko kaya nakikita ko anu ang nangyayari sa loob. Yong nagsisigaw na ang pangalan ay Paul Sinaniban. "Mo abot nami Og among Guboton inyong Lugar!!!" (Parating na kami at Gugulohin namin kayo!!!) Sigaw nito na may halong Demonyong tawa. Hinahawakan ito ng Anim ka tao na Kapitbahay lang din. Paulit ulit lang yong sigaw niya. Biglang Sumulpot si Buddy sa likod ko, at nagtanong anung nangyari. Sabi ko sinaniban, umandar ang pagkaloko loko ni buddy at sinabi niya sa akin "Sinaniban ng Masamang Damo? o Masamang Amoy? " Alam niyo pinigilan ko matawa pero Hindi ko kinaya ang pinagsasabi ni buddy tawa ako ng tawa na tinakpan ko ng kwelyo ng tshirt ko ang bibig ko para di umagaw attention. pero nagulat ang lahat ng biglang pinagbabalibag ni Paul ang mga nakahawak sa kanya. Tumayo ito at sumugod sa mga tao na nasa pintuan, dahilan para natakot at nagpanic ang mga chismakerz na mga kapitbahay. May Naipit, may natumba at naapakan. Nag aalala ako kay Partner dahil nasa harap ito ng pintuan. kaya To da rescue na ako, pero nangyari ang Hindi ko inaasahan. Hawak ni paul ang partner ko at Sinakal, Nagsisigaw si buddy at sina moi at karla, erwin at tina na Bitawan si partner ko. ang mga tao sa paligid natakot sa scenariong nasaksihan nila. "Bitawan mo yan paul, binabalaan kita " mahinahon kong pakiusap kay paul na Nanlilisik ang mata na mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal kay partner na hinampas hampas ang mukha niya at namumula na ang mukha ni partner. Maraming Tao Hindi pwede makita nila ang gagawin ko. naiipit na ako sa isang sitwasion na gawa na naman ng mga kampon ni demonyo.
Abangan ang karugtong ng nakakaGimbal na pangyayari.
Salamat at God Bless sa ating Lahat.
Silent Rasta
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree