Kinulam ng sariling Tiyahin (Part 6)

223 0 0
                                    


Final part...
ito na ang pagpapatuloy ng Kwento...
Nakulangan sina buddy sa ininom namin nong gabing yun, kaya ng Sabihin ng Tiyahin nila na pumunta lang kami sa bahay nila (may tindahan) para kumuha ng dalawang kaha ng beer. Kahit nag aalangan pero sinunod nalang namin para hindi rin halata sa tiyahin nila na alam namin na siya ang dahilan ng pagkamatay kuya elyong. Sama-Sama kaming lahat na umalis non, yong tiyahin nila nagpa iwan lang kasi sila yong magdadasal sa lamay ni kuya elyong.
Masaya kaming naglalakad sa daan nong gabing yun, hindi naman masyadong madilim kasi maliwanag yong buwan at yong mga celphone nila buddy at ni karla at moi ang ginamit na flashlight. Mahigit kumulang mga 100 meters lang naman ang distancia nong bahay ng tiyahin nila. Nong makarating na kami sa bahay ng tiyahin nila yon napansin ko kaagad yong silong ng bahay nila, sina buddy at partner ko ang pumasok at kumausap sa asawa ng tiyahin nila. si moi at karla nasa hagdanan lang naka upo, ako tinitingnan ko yong silong ng bahay. madilim kaya di ko masyado makita ang ilalim kaya hiniram ko saglit yong Celphone ni moi at inilawan ko yong silong ng bahay, napansin kong may lupa doon na parang may hinukay at inilibing, Kaya lumapit ako doon. Hindi ako napansin ni moi at karla kasi nag uusap sila nong time na yun, nong makalapit na ako nakakita ako ng kahoy kaya kinuha ko ito at ginamit kong pangkalkal doon sa lupa na parang may ibinaon. Naririnig ko pa sila Buddy at partner ko na kinakausap pa nila ang asawa ng tiyahin nila habang nag lalagay sa kaha ng beer. binilisan kong kalkalin ito ng may nahukay nga ako. isang Garapon ng mayonaise at yong takip pinulupotan ng goma. Sinipat sipat ko yong laman nito gamit ang flashlight ng celphone, Nag taka na ako dahil nakikita ko ang laman nito ay parang usok. maputing usok. binalik ko kaagad ang lupang kinalkal ko pero hindi ko na ibinalik yong garapon. umalis ako sa ilalim at doon ako dumaan sa kabilang side para hindi ako makita nina karla at moi na nag uusap pa rin sa hagdan. ibinato ko yong garapon sa puno ng mangga sa hindi kalayoan ng bahay. nabasag ito. nakita ko yong usok na nag paikot ikot hanggang sa naging hugis tao. nagulat ako dahil kaluluwa ni kuya elyong ang laman ng garapon. naka ngiti ito na tila ba nagpapasalamat at naglaho.
Narinig ko na lang na tinatawag ng partner ko ang aking pangalan kaya tumakbo na ako pabalik sa kanila. tinanong nila saan ako nangaling sabi ko umihi lang saglit. Dala dala na ni moi at buddy ang dalawang kaha ng beer, naka agaw sa akin ng pansin yong katapat na bahay, wala itong ilaw na kuryente at lampara lang ang gamit. at nkita ko yong matandang mangkukulam doon nakatingin sa amin. ang iingay kasi ng mga kasama ko nagtatawanan. Yon nga bahay ng mangkukulam at katapat lang pala ng bahay ng tiyahin. Patuloy lang kami sa paglalakad pabalik sa bahay nina kuya elyong ang kulit pa nga ni buddy kasi tinatakot niya ang asawa niyang si karla. Habang naglalakad kami may napansin na ako sa di kalayuan na nag aabang, si Cora at may mga kasama siyang Limang malalaking itim na aso. Nakita ng mga kasama ko ang mga aso pero hindi nila nakikita c Cora. Umaalulong yong mga asong kasama niya. Kaya napatigil kaming lahat sabi ni moi kumuha daw kami ng malalaking bato at c buddy sabi niya hahampasin daw niya ng bote kapag sinugod kami. mahigpit na ang hawak ng partner ko sa akin halatang takot at lalo na si karla parang gusto na niyang kargahin siya ni buddy Nanginginig sa takot. Kinuha ko ang tabako pero hindi ito nakasindi kaya kinuha ko ang lighter ko at sinindihan ko ito. walang silbi Open area kasi mahangin pa, Bigla na naman may sariling galaw ang katawan ko at kumuha ng isang bote ng beer. patakbo na ang mga Malalaking aso papunta sa amin at handa na silang umataki. Pinabuksan ko kay buddy ang Beer gamit ang ngipin niya. sinaway pa ako ng partner ko "Nasisiraan ka na ng bait mag iinoman kayo lalapain na tayo ng mga Aso" sabi niya sabay batok pa. Nainis ako doon pero sabi ko Huwag kayong Tumakbo at walang gagalaw, nagdasal ako ng latin at hinipan ang bibig ng bote ng beer. pero teka c buddy binato niya yong mga aso tinamaan yong isa, kaya sinigawan ko na sila na walang mambabato. Habang inaalog alog ko yong bote ng beer na nakatakip yong hinlalaking daliri ko sa bibig ng bote. nong makalapit na ang mga aso ay agad ko na sila pinatamaan sa talsik ng beer. Kitang kita ng mga kasama ko yong ginawa ko at napaatras ang mga aso na umiiyak na nasasaktan, at yong mga buntot nila pumulopot sa kanilang paa. Sabi ni buddy sayang yong beer inihian ko nalang daw sana. Ang kulit talaga ni buddy nagbiro pa talaga sa sitwasion na yon. Mahigpit pa rin ang kapit ng partner ko sa braso parang na trauma siya non, hindi na siya nagsasalita. Yong c Cora walang nagawa dinaanan lang namin siya na nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa amin. kaya tiningnan ko lang din siya na Sabi ko sa isip Subukan mo lang saktan mga kasama ko may kalalagyan ka.
Nong makarating kami sa bahay ni kuya elyong nagdadasal na yong nasa loob at Andun na naman yong limang wierdo people pero may napansin ako sa kanila basang basa sila, hindi naman umuulan pero yong basa halatang nasaboyan sila ng tubig.
Nagpatuloy na kami ng inuman sa likod at sumabay naman sina epe at kuya pads.
Nong matapos na kaming mag inoman, lasing na lasing kami mga 4am na yata kami natapos non.
At pagka umaga naghahanda kami nagpalit ng masosoot at naka puti kami lahat. Libing na kasi yun ni kuya elyong... Kahit medyo hilong hilo pa ako noon alam kong malalagay na sa tahimik si kuya elyong, nagpakita siya sa huling pagkakataon na naka akbay sa ama niyang si ankol teo habang nasa cementeryo.
Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya. at yong limang wierdong people at c Cora At yong Mangkukulam, Hindi ko na nakita.
Salamat sa Mga Spookify readers at admin na nagtyagang basahin at inabangan ang mga karanasan ko.
Abangan niyo ang pagbabalik ko sa bagong kwento.
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon