Kung papipiliin kayo... Lalaban ba o tatakbo?
Lahat kami gulong gulo, wala ng pumapasok sa utak ko dahil sa takot. Tinawagan ni Crystal si Mon para sabihin yung nangyari, si Paolo naman binuksan na yung front door para makalabas yung makapal na usok galing sa censer. Tinulungan ko naman si Seth dalhin sa labas si Dale, nahihilo pa siya nung time na yun kaya inihiga na muna namin siya sa van. Tinanong ko si Seth kung ano yung ginawa niya kanina sa basement kung bakit ganun yung sipol niya (Seriously dalawang tao pa lang ang naririnig kong kayang sumipol ng ganun, yung isa ay yung kaibigan ko nung high school na officer sa namin sa C.A.T.). Tinignan niya lang ako at sinabi na kung totoong nakikita ang future sa baraha marahil pwede kong makita ang ginawa niya sa panaginip ko at naiiritang sabi niya sunod doon ay, kailangan mo din iexplore yung magrecollect ka sa panaginip para makita ang hindi mo nakikita! Sabay layas...
Hindi ko maunawaan kung ano ang sinasabi niya pero naisip ko din na baka dala lang ng pagod yun. Pumasok na ako sa bahay pero nasa kalagitnaan na ng sinasabi si Crystal, sabi niya na kailangan matapos ang cleansing dahil hindi naman maiiwasan na may lumabas kasi nga cleansing so pinag patuloy namin. Ngayon tukoy na namin kung anong nananahan sa lugar ay kailangan daw maexpel or maalis lang doon sa loob ng house. Kapag hindi namin magawang paalisin ay kailangan na namin iturn over sa simbahan. At nung babalik na kami sa mga original spots namin minungkahi ni Seth na ipababa ako mag isa sa basement, na umagree naman si Crystal. Magrereklamo na ako nun nung bumulong sa akin si Seth 'Alam mo na alam ko na may alam ka sa expel, wag mo ng itago ang nalalaman mo gawin mo, gimawa na yan ng lolo mo at nakita mo ang ginawa niya.' nangilabot ako sa sinabi ni Seth dahil wala naman akong pinagsasabihan non sa kanila, pati kay Jigz! So wala akong choice, ang sabi ko lang nun kay Seth ay ang galit na galit na FINE!
Bumalik ako sa van at kinuha ko yung notebook ko at limang kandila, holy water at asin. Hinugasan ko ang mga kamay ko ng holy water at sabay pinahid ito sa katawan ng mga kandila at inulit ulit ko ang mga pangalan na nasabi ko noong pinipigilan ko ang kung ano man ang lumalapit sa amin ni Dale. Pumasok ako sa bahay at nasa positions na sila kaya dali dali akong nagpunta sa basement. Pagdating ko doon malamig na yung basement, kaya itinayo ko na ang apat na kandila sa harapan ko facing the direction of the growl kanina at hawak ang isang kandila, holy water at salt. Sinimulan ko ang dasal ng Our Father, Apostle's creed at Glory be, naririnig ko na naman yung growling sa dulo nung basement. Nasabi ko sa sarili ko na eto na! Sinaboy ko yung salt sa paligid ng kinatatayuan ko at humarap ulit doon sa tunog, 'Alam kong nandiyaan ka, kailangan mo ng umalis!' Pagkasabi ko nun ay lalo pang lumakas yung growl ng bahadya, gamit yung kandila na hawak ko ginamit ko yun as an extension ng kamay ko at tinuro ko ito sa direction niya, ELOHIM+ ELYON+ ADONAI+ YAWEH+ sa ngalan ng Diyos inaalis kita sa lugar na ito... Pero mas ngumalngal pa yung nilalang at naririnig ko yung garalgal na papalapit sa pwesto ko...
Kaya second step... Nagsign ako ng cross sa direction nung garalgal at nagbuhos na ako ng holy water sa mga palad ko. Dinasal ko ang mga dasal ng lolo ko, 'Yod-heh-vahv-heh, adonai, eh-ha-ye, ah-gah-lah, atah, malkuth, ve geburah, ve gedulah, leolamm. (Dasal ni St. Benedict for banishing evil) after nung dasal ay pinatay ko ang hawak kong kandila. Nang mapatay ko yung kandilang hawak ko ay parang navacuum out ung malamig na hangin sa basement. Kasabay din nun na nawala yung garalgal, kaya nagkalat na ako ng asin sa basement praying like hell na sana hindi na bumalik sa basement yung hayop na yun!
Pagod ako as in pagod na pagod, parang nadrain ako at gusto ko lang humilata! Pag akyat ko ako na lang ang hinihintay nilang lahat, kaya sabi ko sa kanila na success ako sa baba, pwede na bang umuwi? After non yung mga kasama ko na ang nag packup, ako nasa van kasama si Dale na okay na. Sabi sa akin ni Dale na pagpasensiyahan ko na daw si Seth dahil ganun lang talaga ang ugali niya, sabi ko naman sa kaniya eh at least eyecandy si Seth mula ulo hanggang paa. Kaya crush na crush siya ni Jigz kasi hawig nga niya yung minsan na pinanood ni Jigz na thai movie sa akin dahil sa natalo ako sa jakenpoy, si Natcha Juntapun. After nung packup umuwi na kami at tiyak na magpupuyat na naman si Jigz sa bahay, buti na lang hindi siya kasama dito at baka mapalo na naman ako nun dahil magkadikit na naman kami ni Seth!
Nakauwi na ako sa bahay bandang 1:00 - 1:30am not sure in between ang natatandaan ko lang nung nakauwi ako ay yung eksena ng daddy ko sa kusina na parang nahuling pusa! Nakita ko kasi siya eh sinasandok yung isang tub nung selecta rocky road in scrub suit and scrub cap. At sabi niya sa akin na WALA KANG NAKITA! (Alam mo yung pagod ka at pag uwi mo sa bahay ganun ang itsura ng tatay mo parang timang! natawa na lang ako sa kaniya at sinabi ko na wag niya rin akong isusumbong kay mudra! Nagkasunduan kami doon.
End of Case 5
PPS. Doon po sa mga taong nagpapabasa ng tarot cards dapat po in person at wala akong pwesto sa qiuapo para mainvite ko for personal reading. At pag nag invite ako for personal reading... How can I be sure that I can keep my anonimity....? Hmmm....
Conchitabonfire
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorreurThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree