Hi Spookify! I'm a silent reader here. Gusto ko lang sana ishare isa sa mga creepy story ko, pero this time kasama ko BF ko.
So ito, nangyari to last year lang, sa pagkakatanda ko 9pm ng gabi sa kalagitnaan ng biyahe namin galing kami ng Antipolo. Naglibot libot gamit motor niya. Sa di malamang dahilan, bigla nalang kami napadaan sa isang madilim na daan. Nung una sinabi ko sa kanya na bumalik na at wag na kami tumuloy. Pero siya tong mapilit at dire-diretso lang sa pagmamaneho. Edi ako naman 'to si kinakabahan na kasi walang liwanag as in headlight lang ng motor siya. Sabi ko sa kanya balik na kami kasi parang ang haba na ng minaneho niya pero di pa din kami nakakalabas sa daan na yon. Maluha luha na ko sa takot kasi feeling ko pabalik balik na kami, iisa lang nadadaanan namin. Hanggang sa sumubok pa kami, hanggang sa dire-diretso lang. Binaliktad namin damit namin dahil naalala ko yung kasabihan na kapag pabalik balik ka na sa isang lugar, ibig sabihin napaglalaruan ka na ng kung ano man. At isang solusyon dito, baliktarin ang suot na damit.
Pagtapos non, dumiretso na kami. Hanggang sa di kalayuan, meron kaming natanaw na parang bahay kubo. Diniretso lang namin, merong matandang lalaki na nakaupo sa labas katabi ng puno. Hinintuan namin siya at nagtanong kami.
Kami: Manong, saan po ang daan palabas dito?
Manong: Diretsuhin niyo lang yan.
Kami: Sige po. Maraming salamat.
(Nagstart na ng motor at patuloy na nagmaneho)
Una meron kaming nakasabay na tricycle na di namin mawari san nanggaling, kasi di man lang namin narinig. As in. Nagulat nalang ako na bigla nalang sumulpot sa gilid namin, merong backride na babae sa likod. At merong sakay sa loob pero di naman gaano makita dahil nga madilim at meron din nakalagay na mga gamit sa loob. Nakatingin sila samin. Sobrang napakapit talaga ako sa BF ko at naiiyak na. Siya kalmado lang, maneho lang. Mga ilang minuto pa, pagpikit lang ata ng mata ko. Isang kisapmata lang, nawala na yung tricycle at napalitan naman ng sasakyan na puti, sa harap namin mismo. Sabi ng BF ko "Kapit ka lang sakin ng mahigpit, higpitan mo. Mag oovertake ako." Pagovertake ng BF ko, nawala yung kotse at tumambad samin ang lumang hospital. Sobrang nagdadasal na kami nung mga oras na yon, sobra na kasi. Grabe na. Di na maganda.
Lumiko na kami at dahil sobrang dilim, hindi namin gaano kita ang daan. Pagod at ngalay na din ang BF ko, bigat na bigat na pakiramdam ko. Para akong lalagnatin on the spot nung gabing yon. Sa di kalayuan, meron na kaming natanaw na pula at asul na ilaw at meron pang nagfflashlight.
Bf: Ito na hon, hay salamat. Nakalabas na tayo. May checkpoint oh.
Ako: Dala mo ba linsensya mo?
Bf: Oo, sandali pinapara na tayo.
(Huminto kami, bumaba muna ako. At dinukot na ng bf ko ang papeles ng motor niya at lisensya)
Pulis: San papel ng motor mo? Lisensya?
BF: Ito, sir.
Pulis: May violation kayo.
Bf: Ano sir? Kumpleto naman papel ng motor ko at may lisensya naman ako. Rehistrado ang motor ko, nakahelmet kami.
Ako: Tara na, tara na.
Pulis: Tatlo kayo sa motor niyo, hindi na pwede yon. Bata pa, nakahubad at wala pang helmet. Nasa likod pa. Delikado yang ginagawa niyo, lalo na't dito pang daan ang napili niyong daanan.
(Nagkatinginan ako at ang BF ko)
Bf: Pero sir, dalawa lang kami. Bakit naman kami magsasama ng batang nakahubad at walang helmet at sa likod pa namin papaupuin?
Pulis: (Medyo natahimik at parang napaisip, tingin sa paligid, binalik papel at lisensya ng motor. Sabay sabi) Napaglaruan din kayo, nawala na yung bata. Dumaan kayo ng simbahan bago kayo umuwi, at wag na kayo ulit dadaan dito. Napaglaruan kayo.
Bf: Salamat sir.
Hanggang sa nakalabas na kami. Dumaan kami sa simbahan ng Antipolo. Merong lumapit saming matanda at inabutan kami ng rosaryo. Biglang sabi samin na "Iwan mo na siya dito, magdasal kayo at wag niyo siyang pasamahin. Di siya makakabuti"
Pumasok kami ng simbahan at nagdasal. Pag uwi namin, sabay kami inapoy ng lagnat at nanaginip tungkol sa dinaanan namin at klaro ang lahat ng nangyari. Pero paggising ko, di ko na matandaan. Dasal lang kami ng dasal at laking pasasalamat na naligtas pa kami.
Simula non, never ko na ininda ang pagiging bored ko at di na ko nagaya pa magroadtrip sa mga malalayong lugar.
The end. Sana mashare at magustuhan niyo. Sorry medyo magulo ata yung pagkakakwento ko. Sa susunod ko na ishare yung iba kapag nashare ito. Salamat mga ka-spookies!! God bless! Sorry ang haba. 😊
Agt
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorreurThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree