Aswang Chronicles

474 9 0
                                    


Sa past stories ko nasabi ko na na carpenter si papa. So basically Wednesday tsaka Saturday swelduhan nila.

5pm palagi dating ni papa dito sa bahay pero magdidilim na wala pa rin sya. Sweldo nya nung araw na yun kaya naisip ni mama na baka nagkayayaan sila ng mga kasama nya.

Pinapunta kami ni mama ng palengke para bumili ng ulam. Nakita namin dun si papa nag iinom sila. Lumapit kami, sabi nya tapusin lang daw nila. Kaya umupo na lang kami sa gilid at naghintay.

Nung palabas na kami, may nakasalubong akong matanda. Maliit sya na babae tapos uugod ugod na. Nauna kasi ako ng konti, sunod si papa tas huli yung kapatid ko kasi may nilalaro sya, kaya mabagal maglakad.

So yun nga, nagalit na sya kaya tumakbo na kapatid ko papunta samin. Tas pagdating sa bahay tinanong ko sya kung bakit sya nagalit.

Sabi nya, "Yung matanda kanina, malapit yung bahay nya sa pinagtatrabahuhan namin. Isang beses wala dun yung amo namin eh nauuhaw na kami, walang tubig sa labas. Kelangan pa pumasok sa kusina, eh nakakahiya naman kaya hihintayin na lang sana namin. Tapos lumapit yung matanda na yun samin, may dalang pitsel. Yun na lang daw muna inumin namin. Syempre nag uunahan pa kami kasi uhaw na nga. Tapos biglang kinuha ng isang kasama ko yung pitsel at binuhos sa lupa yung laman. Nanghinayang kami syempre, nagalit pa nga yung iba. Tas sabi niya, aswang daw pala yung matanda. Naghahanap ng pwedeng aswangin kaya binigyan kami ng tubig na siguradong nilawayan na nya. Biglang nawala yung uhaw namin eh. Kaya ko minura kapatid mo kasi para matakot naman yung aswang, wala kasi syang nakuha samin kanina kaya baka sinundan kami, at tama namang kasama ko kayo. Baka hindi natin namalayan nadagit na yung kapatid mo."

Medyo natakot ako kasi baka sinundan kami..

Tapos sinundan nga. T.T

Isa lang kwarto namin sa bahay nun, bata pa naman kmi kaya okay Lang. Yung kapatid ko nasa malapit sa dingding nakapwesto. Plywood lang yung dingding namin nun. Kaya magkakarinigan talaga sa labas.

Yung kapatid ko pa naman tulog mantika, naririnig ko may naglalakad lakad sa labas tapos kumakaluskos sa dingding namin. Pinakiramdaman ko muna. Tapos inulit pa nya.

Ginising ko si papa, sabi ko "Pa gising, yung aswang nasa labas. May dalang tubig." Nilakasan ko talaga boses ko para at least alam nya na kilala ko sya.

Bumangon agad si papa tas sabi nya "Tumigil ka na, papatulan kita. Kilala kita at alam ko kung nasaan ang bahay mo. Hintayin mo bukas at dun ako didiretso sa bahay nyo nang magkaalaman tayo."

Pinakiramdaman namin at wala na kaming narinig. Umalis na, natakot kasi kilala na sya.

Kinabukasan, pinuntahan nga ni papa sa bahay nila pero nakasarado. Sabi pa ng kapitbahay ng matanda, nakita nya daw ng madaling araw papasok sa bahay yung matanda tas paglabas nya may dalang malaking bag. Nagbakasyon daw siguro, pero malamang nagtago na yun.

YsaVavy

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon