Ang pagsubok na nakakatakot (Part 11)

166 2 1
                                    


Kumusta Ulit mga KaSpookify, Kahit nasa Trabaho ako Binibigyan ko ng Time para maka Share ng kwento ko dito. kaya pasensiya na minsan kung may mali sa pagtype ko. Pag FreeTime lang kasi at mabilisan ko pang ginagawa sa Abot lang ng aking naaalala na karanasan ko pag nagttype na ako.
Tara Simulan na natin ang isa pang bahagi ng kwento.
Pang Apat na Biyernes ng Ritwal ni buddy, Hindi namin alam na minamanmanan pala kami nina moi at erwin, kaya tahimik nila kaming sinundan. nagdududa daw sila sa mga kilos namin ni buddy na sa tuwing sasapit ang biyernes umaalis kami ng bahay. Base ito sa kwento nina erwin at moi sa amin. Nong makita daw nila kami na pumasok sa Chapel nakita nila lahat ng ginawa namin nakaTago lang daw sila sa halamanan na nasa labas ng chapel. Nakaramdam daw sila ng paglamig sa paligid at tumindig ang kanilang balahibo, Hindi man nila nakita yong mga kaluluwa na nakapalibot sa amin, pero alam kong may nakatabi sila non na hindi nila nakikita. Binalak daw sana ni erwin na lumapit at akmang pumasok sa loob ng chapel pero May humarang daw sa kanila na isang nilalang na parang Aso o mukhang kambing malaki ang mga tenga nito. at may nakita din daw silang matandang lalaki na nakatayo sa Labas ng chapel, natakot daw sila dahil yong nilalang na nakita nila gusto silang lapain. nagpakita daw ito ng matatalim na pangil, nakita din daw nila na sininyasan sila ng Matanda na Umalis. kaya nag unahan na daw sila ng pagtakbo palayo sa chapel. Natapos namin ni buddy ang ritwal ng maayos ng gabing yon, at umuwi na kami. Nagtaka kami ni buddy dahil si erwin at moi nasa labas ng bahay nagkwenohan at tinitingnan nila kami habang papalapit na sa kanila. Bago pa kami makapasok sa bakuran Tinatanong na nila kami, "Anong ginawa niyo dun sa Chapel? Sinundan kasi namin kayo." sabi ni Erwin. "Hindi ba kayo Natakot dun sa isang Hayop na may pangil at may matanda pa na kasama." sabat ni moi. "NagPray lang kami, Gusto na kasi namin bumait.." Pabirong sagot ni buddy. "Naksss Kailangan pa talaga chapel, at parang madalas kayo nawawala dalawa kapag Biyernes." Prangkahan na tanong ni moi. "Kapag biyernes lang kasi kami humihingi ng Tawad kay Lord." Pagbibirong sagot ulit ni buddy. Salbahi tong c buddy Tawa ako ng Tawa sa Kanya. Ikenwento nina erwin at moi ang nakita nila pero hindi nila na ikwento na may mga kaluluwa silang nakita.
[FastForward]
Makalipas ang dalawang Araw non. Umalis ang Partner ko para mamalengke, Siya lang mag isa umalis non dahil may inaayos akong gadget na nasira (BlueTooth music Box). Pag uwi ni Partner Kakaiba na ang galaw nito, Galit na pumasok ng bahay. Pinagmumura niya ako Wala naman akong ginawang kasalanan. nagulat ako sa inasal niya, nakakapanibago. hindi ko siya pinatulan non baka kasi Merong Dalaw at wala talaga sa mood. Ngunit halos minuminuto na itong nagagalit sa akin, Nilalagyan niya ako ng kasalanan na Hindi ko naman ginawa. Nasaksihan ito lahat ng pamilya niya. kahit sila nagtaka sa asal ng partner ko, biglaan at nakakapanibago talaga. nanakit pa physical sinasampal ako binabato ng kahit anong mahawakan niya. pinigilan siya ng mama niya at nina moi at tina pero sadyang ako talaga pinag iinitan niya. Lumabas ako ng bahay at nagyosi, gulong gulo ang isip ko kaiisip kung ano ba ngyari kay partner. maayos naman ito umalis kanina nagpaalam pa sa akin ng maayos with Matching Kiss pa nga Sa pisngi na nilawayan pa pisngi ko. Kahit umiiwas ako sa kanya dahil mainit yong ulo niya sa akin, sinundan niya ako pati sa labas at nagwala siya doon pinahiya niya ako dahil nagsisigaw siya na Umalis na daw ako at Pinapa Uwi niya ako ng Cagayan de oro. Maghiwalay na daw kami, Nagalit yong mama niya kaya nasampal siya nito. Inaamin ko Tumulo yong luha ko nong mga oras na yun, Hindi ko akalain na masasabi niya yun sa akin at ipagtabuyan ako na wala manlang akong kasalanan. Lumapit sina buddy, erwin, at moi sa akin nilalayo nila ako sa labas ng bahay Dinala ako sa may tindahan at doon kinoCompfort nila ako. Nakita kasi nila ang tumutulo yong luha ko, Kahit sila Hindi nila maintindihan ang nangyari kay partner. Bumili ng beer si erwin at nag inoman nalang kami para daw kahit papano maibsan yong nararamdaman kong lungkot at pag aaalala. Naka ubos kami ng Limang Bote non at Umuwi kami pabalik ng Bahay. Pag uwi namin wala si partner Umalis daw sabi nina karla at tina. Sabi naman ni mama baka nasa mga kaibigan niya lang yun pumunta. kaya umupo muna sa sofa at nakaidlip ng saglit. Biglang Pumasok sa isip ko ang Matandang Ermetanyo. "Tangalin mo ang Lungkot sa puso mo, Huwag kang magpadala sa iyong emotion. May Kinalaman ang mga alagad ng Dilim sa nangyari at ginamit nila ang mahal mo sa buhay dahil alam nilang Siya ang iyong kahinaan, makakaramdam ka ng Sakit, Selos at iba pang emotion. Huwag kang magpa epekto Labanan mo at Gawan mo ng paraan maayos ang Sitwasion, kaya mo yan." at bigla akong nagising at nakaramdam na ako ng tibay ng loob. Napansin ni buddy na nagbihis ako at kumuha ng asin at Abu na inilagay ko sa papel at inilagay sa bulsa. lumabas ako at sinundan ako ni buddy, "Saan ka pupunta? Alam kong may kakaiba ka na naman gagawin may dala ka ngang pangontra." Sabi ni buddy na kabisado na niya ang bawat galaw ko. "May mali sa kapatid mo at hahanapin ko ang may kagagawan nito, Nagparamdam ang matandang ermetanyo sa akin at Sinabi niya ang dahilan sa likod ng lahat ng to." Sabi ko kay buddy na sumusunod pa rin sa akin. Naglakad kami papuntang municipyo andun kasi yong Palengke malapit kung saan doon pumunta si partner bago pa siya naging Halimaw (joke). Narating namin ang palengke na ang katabi ay plaza. hinanap namin si partner at ilang minuto lang Nangyari na ang tamang hinala ko, si Buddy una nakakita at kinalabit lang niya ako sabay inginuso ng labi niya ang kapatid niyang may kausap na lalaki nakaUpo sila sa may Plaza.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa nakita ko, maghawak kamay at nakangiti si partner na kausap ang lalaking Mukhang Tipaklong yong Hitsura. (nanlait lang nagjely kasi). Pero seryoso susugorin ko na sana pero hindi man lang ako pinigilan ni buddy. gusto pa ata bugbugin ko yong Lalaking pinaghalong Pokemon ang hitsura. (Pangalawang panlalait na to, sensya na tao lang). bigla ko naalala ang sinabi ng matandang ermetanyo na 'makaramdam ako ng selos' kaya kinontrol ko ang aking sarili. hindi ito dapat paravsa personal, kundi para iligtas sa kapahamakan ang isang tao. isasantabi ko muna ang pagmamahal na yan. Kailangan kong sagipin si partner sa Alam niyo na. (Ayaw ko na manlait bad yun). Nagulat si partner nong Makiya niya ako sa likod ng lalaking kausap niya, "Bitawan mo ang kamay ng Partner ko kung ayaw mong pagbayarin kita sa kasalanan mo." Mahina kong pagbabanta sa lalaking, You know na. binitawan niya ang kamay ng partner ko at humarap ito sa akin. At Totoo yong sinabi ng matandang ermetanyo. Disipulo ng satanism ang lalaking nasa harap ko. para bang naka Contact lense ng Sobrang itim yong eyeball ng lalaki. may Tatoo din ito ng baliktad na Cross nasa Kanang kamay niya. Lumapit siya sa akin at Sobrang Lapit ng mukha niya sa mukha ko. si buddy naman hinawakan niya kapatid niya (si partner) na nagpupumiglas dahil aawatin niya daw kami. Nakita ko na nakakuyom na ang kamay ng Satanismong loko. Habang ako naman dahan dahan kong kinuha sa bulsa ko ang asin at abu. Nagpakawala siya ng isang Suntok na malakas na tumama talaga mukha ko. isang malaking pagkakamali ang ginawa niya dahil binigyan niya lang ako ng pagkakataon na maka distancia at maigawa ang isang dasal at yong papel na may lamang asin at abu ay nasa mga kamay ko na. "Anu puting Tupa? Akala ko ba matapang ka gaya nong sabi mga kasama kong nakaharap mo.." Nakakalokong nginiti na sinabi ito ng lalaking Satanismo. Dahil sa pagpupumiglas ng partner ko sa pagkakahawak ni buddy ay NakaWala ito sinugod ako kaya dali dali itong kinuha at hinawakan ni buddy ulit. sinampal ni buddy ang kapatid niya para magising daw sa katotohanan. pero nagalit ito sa kanya at siya na ang inaway. Pumorma ulit ang Satanismong lalaki at may idinasal din ito sa mga kamay niya. kaya Inilagan ko ang suntok niya baka anu epekto non kung tinamaan ako. kaya nong sumablay yong suntok niya Sinungaban ko na kaagad patalikod at sinakal ko siya gamit ang braso ko ng mahigpit kaya napanganga ito para makahinga Ngunit Ipinasubo ko yong papel na may asin at abu na may dasal ng latin sa nakangaNga niyang bibig. Sabay bitaw ko kanya at binigyan ko ng isang Malakas na suntok sa bibig para malunok niya. "Kwetch na Tayo, sinuntok mo ako kanina kaya yan ang sukli ko sayo." Sinabi ko sa Satanismong lalaki. Kitang kita ko na nahihirapan siyang Huminga at Nagtatakbo palayo. "Huwag mo patakasin, Tuloyan mo na!" sigaw ni buddy habang hawak niya si partner. "hayaan na natin yun , Nalonok niya yung pangontra. Mas matindi pa sa nakulam sasapitin niya". at lumapit na ako sa kanila, Galit na galit pa rin si partner Minamasdan ko siya At dinuraan niya ako sa mukha. " hala.. umayos ka nga tumigil ka na." saway ni buddy kay partner. Nagdasal ako hinipan ang aking mga kamay at nilagyan ko ng sign of the cross yong Noo niya. At tuluyan siyang nanghina at nawalan ng malay. Hawak hawak siya ni buddy para hindi bumagsak at umupo muna kami sa upuan at nagpahinga inaantay namin na magkamalay ulit si partner. Lumilingon ako sa paligid at wala masyadong tao. ganun talaga kapag Probinsya Wala masyadong tao sa palengke..
Abangan muli ang karugtong ng kwento. Salamat at GodBless sa lahat...
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon