Ang Kulto at mga Multo (Part 7)

176 1 0
                                    


Kumusta ulit Spookify World? Bago ko simulan ang kwento, Sasagutin ko lang yong nasa Coment na Kung totoong na encounter namin ito ay dapat nagtawag na kami ng albularyo? ito lang maisasagot ko, Hindi lahat ng Albularyo Kaya ang mga Ganitong Pangyayari, At mas mahigit ang kaalaman ko kaysa albularyo. Dati ko ng na ekwento ang tungkol sa albularyo 'Wa epek at Palpak pa nga yun'. may malakas at may mahinang albularyo, pero malamang sa May lamang ang mga Tulad namin. Hindi lang naman kasi kami ang may ganito marami kami dito sa mundo. Tahimik at Hindi kami nangagamot pero nakikipag laban kami sa mga masasamang Elemento. Now sanay Nagbigay ng liwanag ang Sagot ko dun sa naka agaw pansin sa akin na Tanong.
Simulan na natin ang Karugtong ng Kwento.
Matapos nong mangyari kay Nurse Mitch na Pinagsasamantalahan ng isang Demonyo na kunwari Multo. Naging magkaibigan kami dahil sa pagtulong ko sa kanya na hindi inaasahang Pagkakataon.
[Ff]
Nong mag umaga na si Buddy lang ang Nag hatid ng Pagkain sa Hospital, Kami ni buddy ang nagbabantay kay moi non. Habang nagkkwentohan kami ni buddy tungkol sa mga kababalaghang nangyayari sa hospital. Biglang Nanginginig si Moi, at nangingisay talaga kaya Tumakbo na si Buddy sa Nurse Station para ipaalam ang nangyayari kay moi. agad agad na pumasok ang mga Nurse sa kwarto ni moi, chineck nila ang dahilan ng panginginig nito. Nakita namin yong mga Sugat ni Moi, lalong Lumalaki at marami ng nana na lumalabas. Kinakabahan kami ni buddy sa nangyayari kay moi, parang bibigay na siya kasi nag request na yong mga nurse ng Oxygen pinaPump na nila si moi. NakaAkbay si buddy sa akin at naiiyak na siyang tingnan ang kalagayan ni moi. "Wala ba tayong magagawa para kay moi?" tanong ni buddy. "Magdasal tayo na malampasan ni moi ito, Subukan natin humingi ng Tulong Sa Matandang Ermetanyo." sagot ko kay buddy. Nagkaroon ng milagro non at naging ok na c moi, pagkagabi non Dumating c partner nagdala siya ng pagkain. pero umuwi lang din kaagad kami ni buddy pa rin ang nagbabantay. 12am tulog na tulog na kami ni buddy. At nangyari na naman ang Panaginip na Nagiging bangungot Ako si buddy at moi, ay nagkitakita sa iisang panaginip. pero kakaiba na ang scenario. Yong Dati na usok na itim ang dahilan, naging c Satanismong Doktora na. Nasa isang Kulungan daw kami naka bitin sa ibabaw ng Kumukulong Dugo sa ilalim. Tawa ng tawa ang Doktora at unti unti niyang ibinababa ang kulungan sa kumukulong dugo. "Marami na kayong Atraso sa aming Samahan kaya ngayong inyong pagbabayaran mismo ng Buhay niyo." sigaw ng Satanismong Doktora na yong Boses niya ay may halong boses ng Demonyo. "Gumawa ka ng Paraan Bayaw, ayoko maging Sahog sa dinugoan". kahit ba naman sa panaginip at nasa bingit pa kami ng kapahamakan ay Kalokohan pa rin pinagsasabi ni buddy. Bigla ko naalala yong sinabi ng Batang Multo na kailangan ko siyang papasukin sa aking panaginip. Nagdasal na kami ni buddy dahil malapit na sumayad ang kulongan sa kumukulong dugo. Si moi ay nakaUpo lang Walang Malay, Biglang nagpakita ang batang multo At niyakap niya ang Satanismong Doktora. " Ngayon na!! Gumising ka na..!!" sigaw ng batang multo. "Anu pinagsasabi nong bata?" tanong ni buddy, Bigla akong Nagising At bumungad sa akin ang mga kaluluwa na naka palibot Sa loob ng kwarto kaya ginising ko si buddy kaagad Yong Satanismong Doktora hinahawakan siya ng mga kaluluwa at nong batang Multo nagpupumiglas siya na makalabas pero sa dami ba naman ang nakahawak sa kanya hindi siya makawala. Kaya kinuha ko na ang panyo sa bulsa ko at dinasalan ko na ito. Hinubad ni Buddy yong Kwentas niyang Cross at isinoot niya sa Satanismong Doktora. napaso siya nong dumampi sa balat niya ito. at Inilapat ko sa kamay niya ang panyo, napaluhod ito bumagsak sa sahig. Lumakas ang hangin sa loob ng kwarto ni moi. umuuga uga yong Kama na hinihigaan ni moi, at ang upoan na monoblock ay tumilapon sa dingding. yong mga pingan na kinainan namin na nasa lamisa Nagsibagsakan at nabasag. "bayaw nasira yong Upoan na plastik, charge sa atin yan." pag aalala ni buddy na nakahawak sa braso ko. Minamasdan namin ang pamimilipit ng Satanismong Doktora. unti unti nasusunog yong balat niya. nagdasal ako ng latin at sinabi kong "Bumalik ka sa infernong pinagalingan mo..!". Sumisigaw siya ng nakakabingi sa loob ng Kwarto. ang sakit sa tenga parang microphone na itinapat sa speaker , nakakarindi pakingan. at naglaho siya bigla. Bumukas ang pinto at pumasok si Nurse mitch Pangabi kasi shifting niya. " Anong nangyayari dito..? bakit ang guloGulo dito,? " sunod sunod na tanong ni nurse mitch. "May doktora pala kayong Demonyo dito kamuntik na kami mapahamak." Sagot ni buddy. Tahimik lang ako na nakatingin kay nurse mitch, Nakita niya sa sahig ang kulay green na panyo ko at ang kwentas na cross ni buddy. pinulot niya ito at lumapit sa amin at inabot niya sa akin. "Napaka misteryoso mo talaga..Alam niyo bang Walang Nag du Duty na Doktora kapag Gabi.? Kung anu man ang mga nalalaman niyo sa Hospital na ito Maari niyo bang ilihim nalang para narin sa kapakanan ng Hospital at mga pasyente na nandito." PakikiUsap ni Nurse Mitch sa amin. "makakaAsa ka Nurse Mitch." tanging sagot ko kanya. "oy Bayaw anu yan? magkakilala ba kayo? Hmm... yong sa Hospital pwede ilihim pero yong sa inyo anu yan?" pagduda ni buddy sa amin. "Siya yong naekwento ko sayo kanina buddy na natulongan ko dahil pinagsasamantalahan ng demonyo. " Ah siya pala yun, Ako nga pala si buddy, Bayaw niya Kapatid ko Partner niya. " Pagpapakilala ni buddy na may halong pandidiin sa akin.
Pagkabukas non Buddy muna ang nagbantay kay moi. pumunta kasi ako sa simbahan. yong panyo ko binasa ko ng Vendeta at ipinahid ko sa lahat ng santo, nagdasal ako ng latin. pagkabalik ko sa Hospital Nilagay ko sa ulo ni moi yong panyo. at dinasalan ko siya at sinabayan na rin ako ni buddy. Yong kwentas niya ipinasoot niya muna kay moi. Lumabas ako ng kwarto para magyosi, at napansin ko na wala na ang mga kaluluwang pagala gala sa paligid. pagkalabas ko nakita ko yong batang multo. Nag ba bye na tuwang tuwa siya at ngumingiti. Nagsindi ako ng Yosi, at binulong ko sa hangin "Maligayang paglakbay kaibigan malaya na kayo sa Hospital na ito." habang nakatingin ako sa batang multo na papalayo. Biglang may gumulat sa likod ko, "Hoy..!! Masama yang palagi kang nagyoyosi.." Si nurse mitch lang pala kamuntik ko pang masuntok siya sa ginawa niyang pagulat sa akin. "Out na nga pala ako, asan yong bayaw mong lakas makapagHinala.?" tanong ni nurse mitch sabay tawa. "Andun sa loob siya muna nagbantay. panu ingat ka nalang pag uwi." at nagpaalam na nga siya. Dalawang araw lang naka lipas naging ok na si moi at nakalabas na rin kami ng Hospital. Binigay ko number kay nurse mitch Hindi para maging txtmate kundi kapag kailangan niya ng tulong basta tungkol lang sa mga Hindi pangkariwan handa ako tumulong.
Abangan ang Susunod na kabanata ng kwento dahil magsisimula na kami ni buddy na lulusob sa kota ng mga Kulto na sumasamba kay satanas.
Maraming Salamat at God be with us always all the Time.
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon