It was 2007 February, akala ko maeenjoy ko ang weekend ko pero pinasama ako ni Kuya Ray kila Kuya Mon sa gagawin nilang case. Dahil hindi raw kaya ng katawan ni Kuya Ray dahil kakagaling lang sa trangkaso kaya ako raw muna ang sumama sa kanila. Tinawagan ko si Kuya Mon at tinanong ko sa kaniya kung saan ang location ng pupuntahan. Nagulat lang ako dahil isa palang retreat house ang pupuntahan. Nagtataka ako kung bakit sa lahat ng lugar eh retreat house pa? Kung saan makakapag reflect ka doon pa? Kaya pumunta na ako sa bahay nila para mabasa ko ang mga natranscribe na interview ni Kuya Mon.
Pagkarating doon ay nakasabay ko pa si Jiggy papasok sa bahay nila at may bitbit na mga pagkain at mukhang asar na asar. Kaya hindi ko nalang kinausap sa loob, naroon sina Diana at Crystal na mukhang asar na asar din kaya hindi ko na maiwasang magtanong kung ano ang meron. Humarap sa akin si Diana at sinabi na si Althea (Siya yung nagtratranscribe ng mga file/filer ni Kuya Mon) ay lumayas na at iniwan lahat ang trabaho niya. Napakunot ako ng noo kasi sa totoo lang wala namang problema kung aalis siya dahil wala naman kaming mga sweldo at voluntary lang naman ang lahat ng mga ginagawa namin. 'I'll do it.' Yun nalang ang nasabi ko at hinanap ko ang voice recorder na gamit ni Kuya Mon at umupo na doon sa harap ng pc. I pressed play at nagtype na ako, habang ginagawa ko siya naintindihan ko na kung ano ang case sa retreat house.
Mga doppelganger ang mga nagpapakita doon sa mga taong nagreretreat at sa mga caretakers na naroon. May isa din na interview na nagpataas ng mga balahibo ko at sa isa pang nakapag retreat doon. Ang sabi nung nainterview ay maagang nangyari yun, pagkagising niya ay tinungo niya ang maliit na chapel at doon ay lumuhod siya at nagdasal. Maya maya pa ay may narinig siyang naglakad at ibinaba ang luhuran sa kaniyang tabi pero hindi daw niya ito pinansin at tinuloy ang pagdarasal. Nagtaka nalang ito nang sumabay sa kaniya ito sa dasal pero napakabilis daw nitong inuusal ang mga words. Doon siya napatigil at napatingin sa gilid niya at nakita niya ang sarili niya na nakaluhod sa tabi niya pero ito'y tuloy tuloy pa rin sa pag darasal ng mabilis. Kaya napatakbo raw siya pabalik sa cabin nila at nagsisigaw.
Makalipas ang ilang oras nang pagtype ay natapos ko rin ang pagtranscribe at pinrint ko ito, pero wala na sina Crystal at Diana. Kaya nilagay ko sa coffee table ang file at naupo sa sala, maya maya pa ay dumating na si Kuya Mon. Nagulat pa siya nang makita na tapos na matranscribe ang interview, kaya sinabi na niya na lalakarin namin ito sa susunod na weekend para lahat daw ay makapunta.
Pagkauwi ko ay naghalungkat na ako ng mga libro about sa mga doppelganger, according sa folklore matagal na itong nangyayari sa buong mundo. Kapag nakakita ka nito ay ang ibig sabihin nito ay bad luck or imminent misfortune, nasasabi din na isa itong warning sa taong nakakita nito. Sa paranormal naman ang sinasabi na meaning ng doppelganger, ito'y hango sa dalawang german word na doppel (double) at ganger (goer). At sinasabi din na may tatlong nilalang ang pwedeng maging doppelganger. 1 ay isa sa mga yumaong kamag anak/spirito na magbibigay ng warning sa taong pagpapakitaan. 2 mga elementals na nais kang takutin o paalisin sa isang particular na lugar o kaya naman ay talagang susundan ka nila dahil may gusto itong makuha sa iyo. 3 isang demonic entity na isang sign of oppression at kailangan na ng intervention. Ang mga doppelganger ay hindi lang kayang kopyahin ang anyo ng isang tao pero kaya nitong gayahin lahat ng anyo ng mga mahal mo sa buhay.
Nung araw ng investigation ay naroon kaming lahat at kasama na rin ang kapatid ni Kuya Mon na si Jiggy dahil siya na ang ginawang assistant ni Kuya Mon. Pagdating doon sa location agad na naming naramdaman nina Diana at Crystal na off ang lugar pero hindi ko muna ito binigyan ng masyadong attention dahil hindi pa kami nakakapag rounds. Pinapasok kami ng mga caretakers na kabilang din sa mga nainterview ni Kuya Mon. Ang kinagulat lang namin noon ay mayroon palang nagreretreat doon na mga highschool students kaya kami ay pinapunta muna doon sa kanilang opisina. Doon namin nakausap ang isa sa mga may ari nung lugar. Ang sabi nito na madami na ang mga nagrereport na nakita daw nila ang mga kamukha nila at mostly lahat ay nangyayari sa chapel nila. Meron din naman sa proctors cabin kaso nga lang ay doon sa salamin nakikita nila ang reflection nila na nakatalikod din sa salamin. Tinanong ni Kuya Mon kung may mga namatay na ba sa mga nakakita ng mga ito? Wala namang namatay dahil maski ang mga katiwala ay nakakita na rin at naroon pa rin sila. Kaya narule out namin na ito'y mga warning at sadyang nananakot ito.
Pinagpaalam namin na sisimulan namin ang investigation doon sa chapel at tinulungan ko na si Kuya Mon doon sa pagtayo ng isang camera sa chapel. Samantala naman sina Diana at Crystal ay umikot sa buong lugar, nang maset up na ay ako naman ang umikot mag isa. Sa pag ikot ko ay may mga matatalinong nilalang na nagtatago. Nang makarating ako sa may pool area ay nakita ko si Diana at kinausap ko siya, ganun din ang nasabi niya na magaling magtago ang mga nilalang pero ramdam pa din naman sila. Nung gumabi na ay nagsimula na kaming tatlo nina Diana at Crystal ng paglalagay ng mga ward na nakapalibot sa buong property, gamit ang binigay ni Father na mga medals. Nang maibaon na namin ang ibang mga wards ay nagparamdam na ang mga nilalang na nagtatag. Pinabalik ako at si Crystal sa may chapel habang si Diana ang nagtuloy na magbaon ng iba pang mga medals.
Doon sa chapel halos lahat ng vase ay basag basag na nang maabutan namin. Sabi ni Kuya Mon na wala namang pumapasok doon dahil na rin pinagbawalan ng may ari na masira ang investigation
Nakakapagtaka lang dahil parang lumipad ang mga vase mula sa altar, doon kinausap namin ni Crystal kung sino ang naroon at gamit ang recorder tinry namin makasagap ng evp. Nang maupo ako sa upuan doon ay may naaninag akong figure na nakaupo sa katabing bangko kaya tinitigan ko ito, blur at medyo powdery yung dating nung figure. Kinalabit ko si Crystal at nagulat din ito nang makita niya ang nakaupo. Ang sabi naman niya na hindi daw ito tao dahil nararamdaman niya ang pagpiglas doon sa mga bagay na binabaon namin. Nang dasalan ni Crystal biglang nanlamig ang paligid at medyo napaurong ako dahil mukhang hindi ito elemental being. Dahil nanlalaban ito sa dasal. Nang marinig ko nalang na sabihin ni Crystal ang mga katagang kinagulat ko rin 'In nomine patri'. Nagsimula siyang magdasal ng apostles creed in latin. Napatingin sa aming dalawa ang nilalang na nakupo, sinabayan ko ang dasal ni Crystal ng Breastplate of St. Patrick pero nakatitig pa rin ito sa amin na parang papatay. Kaya inilabas ko ang phial ng holy water at sinaboy ito sa direksyon niya at ito'y nawala. Tumayo ako at nilibot ko ang labas ng chapel habang nagdadasal pa rin si Crystal sa loob.Maya maya ay biglang dumating si Diana matapos niyang ibaon ang mga ward at mayroon pa siyang ibang nakita. Sa may gilid ng garden ay may nakita siyang mga gamit na nakabaon. Nang sinama niya kami doon ay nagulat kaming lahat pati na rin ang may ari ng lugar dahil ang mga binaon doon ay mga tools na gamit sa witchcraf. Pati na rin ang isang maliit na rebulto ni Pan na pinaniniwalaang diyos ng kalikasan. Kniahon namin ang mga ito at ibinalot sa tela, ang sabi ko naman sa kanila na ang mga instruments na gamit sa witchcraft ay mapangani. Lalo na hindi mo alam kung saang ceremonial rights ginamit ito. Tama naman ang process sa pagbaon ng mga ito para maground ang mga ito pero hindi rin naman maiiwasan lumabas ito dahil mababaw lang ang pagkakabaon nito. Kaya pagkabalot namin ng tela ay inabisuhan ko sila Kuya Mon na itapon sa dagat ang mga ito. Ngayon alam na namin ang cause, kaya hindi naiwasang matanong kung may mga batang nag eexperiment ng witchcraft dito noon. Pero wala silang alam kung meron man at pinagsabihan ni Kuya Mon na ipabless ulit ang lugar.
Seth
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree