Si Keenan at ang naka abong roba'ng nilalang 2

494 5 1
                                    


V.

Halos mabaliw ako sa paulit ulit nilang bigkas na wala akong kwenta. Ni hindi rin ako makakain dahil nasusuka ako sa amoy nila. Hindi ba dapat ang multo o espirito, nakikita lang. Pero gulong gulo ako kung bakit naririnig, naaamoy at nasasaktan nila ako.

Oo nasasaktan, tinutulak, sinasakal, para akong durugista sa itsura ko dahil wala akong maayos na tulog. Takot ako, dahil sa tuwing paggising ko, sakal na ko ni nanay o tatay. Pag nagbabantay ako kasama ng iba ay hindi ko mapapansin na nakatutok na sa sentido ko ang dulo ng dala kong armalite.
Hindi ko alam ang gagawin ko, mula kasi nang gabing mangyari yon ay hindi nagpakita si Elias sakin. Limang taon ang binilang bago ko sya mahanap.

Biglaan ang nangyari. Nasa may paliguan kami ni Pier non nang sumugod ang pwersa ng gobyerno sa kuta. Nagkubli kami sa mga malalagong halaman. Kita namin ang pagbagsak ng mga kasama naming hindi handa sa pagsalakay. May mangilan ngilan ring sundalo ang sinawing palad. Pero mas malamang sa pwersa namin. Inabot ng hanggang hapon ang bakbakan. Dumating din kasi ang mga kakampi namin na asa kalapit na bayan lang. Pero nanatili kaming nakatago ni Pier.

Tumitining ang tenga ko, halos mabaliw din ako sa dami ng namatay sa harap ko. Ang mga panaghoy nila, ang pagtakas ng buhay sa mga nakadilat nilang mga mata. Yakap ko si Pier na tahimik na umiiyak.

Umaga nang maipon namin ang bangkay ng mga napatay naming kasama, marami lang ang nakatulala. Mga naulila, nang kaibigan, tatay, nanay, anak at asawa. Isang linggo nang maisipan kong magmuni muni doon. Tahimik kasi don, at hindi ako magmumukhang tanga pag nagsasalita akong mag-isa. Kasama ko si Pier.

Pero nakahihindik na tanawin ang naabutan namin. Doon, naabutan namin ang apat na lalaki. Nahukay ang maliit na parte ng libingan. May araw pa kaya kitang kita ang paglantak nila sa isa sa mga bangkay.

""Keenan""

Mula sa likod ay may humawak sa likod ko. Si Elias. Napapitlag din si Pier.

""Anak ko to. Sige na bilisan nyo na at maya maya lang baka may dumating ng iba"" Tumango lang ang apat.

Hinila nya kami. Oo hila, hindi kami makalakad at para kaming manyikang hinihila nya lang. Tumigil lang kami nang matiyak nyang malayo na kami sa mga kasama nya.

""Mula dito, lalakad na tayo, sundan nyo lang ako""

Binatilyo na si Pier, labing limang taon, ako naman dalawampu't isa na, pero para pa rin kaming mga bata na napapatalon sa bawat kaluskos. Sa may talon kami nagtungo. Sa may kweba doon, may lampara. Nasuka kaming pareho ni Pier nang makita ang itsura ni Elias. May dugo dugo ang paligid ng bibig nya, nanlalaki at namumula ang mga mata. Ang lansa lansa rin ng amoy nya.

""Ganon talaga, sinasamantala namin pag may pagkain""

""Kuya punta na tayo kila Tata Ambo, sya yong kwinekwento nila sa amin dati""

Natawa si Elias sa sinabi nya. ""Si Ofelia ang sinasabi nila Ambo sa inyo bata. Hindi ako. Hindi kami. Nalawayan lang kami. Si Ofelia napasahan ng bertud. Pagkasabik lamang sa hilaw na karne ang naging sumpa namin""

Nalaman kong nalawayan sya, sampo ng mga kasama nya. Napilitan sila lalo at ng panahong magdesisyon sila magpalaway ay mahina pa ang pwersa nila.

""Bakit bigla kang nawala?""

""Hindi ako nawala. Nasa paligid lang ako. Hindi ako pwedeng lumapit lalo at kasama nyo sya""

""Sino?""

Pinatahimik nya kami. ""Hindi pwedeng sabihin, maririnig nya ang pangalan nya. Pero kung papayag ka na Enan. Makakabawi ka na, sa kanya""

VI.

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon