Boyfriend (Part 1)

490 8 0
                                    


Itago nyo na lang po ako sa pangalang meggie.

May boyfriend ako, itago na lang natin sa pangalang lucas. Nagkakilala kami ni lucas sa isang festival dito sa laguna, matagal na akong may gusto kay lucas dahil nga sa gwapo ito. Kaya naman ng ipakilala ito sakin, hindi agad ako tumanggi. Sino ba naman ako para tumanggi, si lucas na yan eh. 2005 kami nagkakilala, ang pagkakakilala namin noon ni lucas ang magsisilbi palang daan para magkaroon ako ng forever.

Si lucas ang tao na kung titingnan mo ay parang suplado at mayabang dahil nga sa itsura nito, kaya hindi ko lubos akalain na liligawan ako nito. Isang taon ding nanligaw sakin si lucas kaya alam kong seryoso ito.

Hindi naman ako panget pero hindi rin naman ako maganda. Lagi kong sinasabe kay lucas na mapapahiya lang ito pag naging girlfriend nya ako. "Ano ba namang pakialam nila? Ako naman ang magiging boyfriend mo, hindi sila. Wag mo silang intindihin, sobrang ganda mo nga sa paningin ko eh" yan ang laging sinasabi sakin ni lucas. Sinagot ko sya nung june 4, 2007. Isang taon at limang buwan din ako nitong nilagawan. Legal kami sa pamilya ko at sa pamilya nya kaya naman sobrang proud na proud ako kay lucas.

Nung naging kami, doon ko talaga nakilala ang totoong lucas, sobrang bait nito. Mapagmahal sa kaibigan at pamilya, matulungin sa kapwa. Sa madaling salita si lucas, handsome inside and out (tama ba?). Sa tagal ng pinagsamahan namin ni lucas, hindi pa kami nag away ng sobrang lala kahit kailan. Dahil bago pa lamang ang away namin nilalambing na nya at sinusuyo ako. Hindi lumalampas ang birthday, new year, christmas, monthsary at anniversary namin na wala syang surpresa sakin. Kung siguro ngayon kami ni lucas, baka rumerelationship goals kami.

Kahit wala ng extra budget si lucas ibibili at ibibili pa rin ako ng mga gamit na hindi ko naman hinihingi. Magtitipid si lucas para lang pasayahin ako.

So eto na nga, ayoko na kayong inggitin sa relasyon namin. Anniversary namin ni lucas, limang taon na kami. Tinext ko si lucas na pumunta sa bahay dahil gusto syang makausap ni papa. Balik bayan noon si papa, umuwe lang sya para makilala si lucas. Mahalaga sakin ang araw na to dahil ngayon mag uusap ng personal ang dalawang lalaki sa buhay ko. Pinaghandaan ko talaga ito. Niluto ko lahat ng paborito nilang pagkain, syempre katulong ko si mama. Sabi ni lucas 6pm nandito na sya sa bahay, 30 minutes lang ang biyahe papunta dito samin hanggang kila lucas kung nakamotor ka.

Hinintay ko sya sa terrace, 6:30 na pero wala pa rin si lucas. Nasa isip ko baka natraffic lang, hindi na nakapag motor sa excited. 7pm wala pa rin si lucas, nag aalala na kaming lahat sa bahay.

"Itext mo nga meggie, baka naman may dinaanan lang" pinapalakas ni papa yung loob ko. Kilala ko si lucas, kahit kailan hindi pa ito nagbitaw ng salita na hindi nya ginawa. Kaya naman tinext ko si lucas. "Lucas nasaan ka na? Magtext ka naman, nag aalala na sayo sila papa." pero hindi nagrereply. Ilang beses ko na rin itong tinawagan pero hindi ito sumasagot.

"Ma, tawagan mo nga si mama irene, alas nueve na wala pa rin si lucas eh." sabi ko kay mama ng hindi na ako mapakali. Sobra na ang pag aalala ko, tatlong oras ng hindi nagpapakita si lucas, pati text hindi magawa. "Kanina pa daw umalis si lucas anak, pupunta na dito ang pamilya nya. Akala nila nandito na si lucas, napasarap lang ng kwentuhan sa papa mo." Doon na ako umiyak ng umiyak.

Tinawagan ko rin lahat ng kaibigan ni lucas at ilang kaklase. Baka mamaya nandon lang si lucas, pero lahat sila iisa ng sagot. Hindi pa daw nila nakikita si lucas ng araw na yun.

Nung dumating ang pamilya ni lucas, nagpasya na sila papa na hanapin si lucas. Si mama pilit pa rin akong pinapakalma, ang mama ni lucas iyak na rin ng iyak. Inabot na sila papa ng umaga pero hindi pa rin nila nakikita si lucas. Nang makaabot ng 24 hours na nawawala si lucas, lumapit na kami sa pulis.

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon