Chimney (Part 2)

301 5 0
                                    


Hi readers! Ako po yung nagsend ng ''Chimney''. So ito po yung part two nya.

After 3 to 4 months nung nangyari sa akin to. Bumisita sa amin yung dati naming kasambahay. Alam ko na may naeexperience din sya sa bahay, though hindi pa nya ikwinikwento yung exact na nangyari sa amin. Kwinento ko yung nangyari sa akin, di naman daw sya nagulat. Nagstart sya magkwento sa akin.

Isang umaga daw, mga 4:30 gumising na daw sya para magpainit ng tubig pampaligo naming magkakapatid. Doon sya nagpainit sa may chimney kasi para daw hindi sayang yung gas. Habang pinupuno nya ng tubig yung takure na malaki, may naririnig daw syang ingay mula sa chimney. Di nya daw maexplain kung anong klaseng tunog yun. Nang biglang may nahulog na babae mula sa chimney. Maduming madumi daw yung suot nitong palda. Natakot sya pero di nya nakuhang sumigaw o tumakbo sa sobrang takot.

Maya maya unti-unting gumagapang yung babae papunta sa kanya na parang may binubulong. Takot na takot sya. Naiiyak na daw sya sa sobrang takot. Biglang dumating yung aso namin at tinahulan yung babae. Bigla daw itong gumapang paakyat pabalik ng chimney. Pagkatapos nun nakagalaw na daw sya at sumigaw sya. Lumabas daw sila tito ko at tinanong kung ano ang nangyari. Kwinento nya daw kila mommy yung nangyari. Sinabihan daw sya ni mommy na okay lang daw kung aalis na sya ng bahay pero hindi. Pinili daw niya magstay kasi napamahal daw siya sa amin.

Yun lang po. Thanks sa pagbabasa. Sori kung magulo ata. Hehe.

Mayhem14

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon