Boyfriend (Part 2)

405 9 0
                                    


Ngayon lang po nakaabot sakin ang dami na pala ng nakabasa ng storya namin ni lucas, iniwasan ko po talaga ang page na to. Ikinuwento ko yun para sabihin sa inyo na ingatan at mahalin nyo ang mga taong malalapit sa inyo na parang huling araw mo na.

Naibalita din sakin na plagiarism daw ang issue ng story ko. Lilinawin ko lang po, walang kahit na anong page akong pinagsendan ng story. Nung una talaga hindi ako umaasa na mapopost ang story ko, dahil sa messenger ko lang naman sya sinend.

Simula ng mahanap namin ang katawan ni lucas, 3 years ago halos lamunin na ako ng sarili kong pag iisip. Bakit kami pa? Bakit sya pa? Bakit kailangan mangyari yun? Ang daming bakit na hindi ko masagot.

Magpafive years ng wala sa piling namin si lucas, pero kahit kailan hindi sya umalis sa tabi ko. Nararamdaman ko pa rin ang presensya ni lucas. Nararamdaman ko pa rin ang paglalambing nya sakin.

Hindi na ako nakapag asawa o kahit nagkaroon ng boyfriend pagkatapos ni lucas. Oo may nanligaw, pero lahat sila umaayaw na lang si di malamang dahilan. Oo alam ko, gawa ni lucas.

Siguro nagpaparamdam sya sa kanila, may anak na ako ngayon. Pero hindi galing sakin, inampon ako ni papa ng bata para daw may patunguhan pa yung buhay ko.

Anim na buwan simula nang mahanap ang katawan ni lucas ako nag ampon ng bata. Dalawang taon na yung bata nung inampon ko sya.

Akala ko maayos na ang lahat, pero sa mismong 2nd death anniversary ni lucas, nakalaya ang isa sa mga pumatay sa kanya. At ang kapal pa ng mukha nyang magpakita sakin. "Hoy meggie! Ano na? Kamusta na? Nakamove on ka na ba?" Gustong gusto ko syang sampalin nung sinabi nya yun sakin, gusto kong maging kriminal na din.

Nagsimula na din noong magparamdam si lucas, sa tingin ko hindi sya natuwa sa pagkalaya ng hayop na yun.

"Aba meggie may boyfriend ka na pala? Hindi mo naman sinasabi samin."n Nagtataka ako kasi wala naman akong dinadalang lalaki sa bahay. Walang lalake sa bahay namin kasi puro babae lang kami. Umalis na din si papa kaya paanong magkakalalaki sa bahay.

Sinabi ko agad kay mama yung sinabi nung kapitbahay namin. Sabi ni mama baka nagpaparamdam lang daw si lucas kasi kakatapos lang ng death anniversary nya.

Pero hindi pa don natapos ang mga pagpaparamdam ni lucas, minsan maririnig ko na lang na may kausap ang anak ko. Pag tinanong ko sya sinasabi lang ng anak ko "Mommy, aalis na daw po muna si tatay" (bulol).

Kinilabutan ako oo, gusto kong makasama pa si lucas. Pero hindi yung tipong hindi na sya lalagay sa tahimik.

Minsan magugulat na lang ako, nakaayos na yung magugulo kong gamit. Malinis sa gamit si lucas, noon pa man sya na nag aayos ng gamit kong makalat. Kaya minsan sinisigawan ko na si lucas, "Tumawid ka na. Ok na ako dito, hayaan mong manahimik ka na. Pangako, sa susunod na buhay tayo pa rin." Pero hindi pa rin umaalis si lucas.

Sinabi ko na din sa pamilya nya ang nangyayari. Kahit si mama irene din pala nakakaramdam, minsan daw napapanaginipan pa nya.

Sinubukan naming lumapit sa eksperto para matulungan kami. Hindi sa ayaw ko na kay lucas, dahil gusto ko na syang manahimik. Nung una akala namin natulungan na kami, pero walang nangyari.

Minsan magigising na lang ako ng alas dose ng madaling araw kasi may kumukulbit sakin, pero wala namang tao. Siguro hindi pa nga lang talaga handang umalis si lucas.

Alam ko na marami pa syang pangarap para samin. Pero lahat yun nawala sa isang iglap.

Swerte pa din pala ako na nandyan si lucas, alas tres noon ng madaling araw. Hindi ko alam kung panaginip o totoo talaga ang nangyayari.

Ginising ako ni lucas, sinenyasan nya ako na wag akong maingay. Pinakiramdaman ko noon ang paligid, nakakarinig ako na parang may humahalungkat sa gamit namin.

Sumunod lang ako noon kay lucas, wala pa ding pinagbago ang itsura nya. Paglabas ko noon sa kwarto may naaninag agad ako na tao, sinenyasan ako ni lucas na buksan yung ilaw. Binulungan nya ako "Lagi nyang ginagawa yan". Pagbukas ko ng ilaw, nawala na din si lucas, don ko lang nakita yung pinsan ko.

Ilang beses na pala nya kaming pinagnakawan, inamin nya naman samin. Nagtanong si mama kung paano ko nalaman, sabi ko dahil kay lucas.

Nanaginip na naman daw ako, marami pang pangyayari na hindi ko maipaliwanag. Siguro gusto lang tuparin ni lucas yung sinabi nyang pang habang buhay na kami.

Sana hindi na sya umalis sa tabi ko at sana mahintay nya ako. Noong una akala ko kalokohan lang to, sa tv lang.

May patay bang may feelings pa rin? Hindi mo talaga masasabi hanggang hindi pa nangyayari sayo.

Malay nyo, yung mga pumayapa nyo pa lang mahal sa buhay nasa tabi nyo lang. Wag nyo silang katakutan, iparamdam nyo na walang pagbabago. Maraming salamat spookify sa pagpost sa story ko. Kapag napost ang second part ng story ko, handa akong makipagkilala at makipag usap sa mga readers ng spookify.

Meggie

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon