Tiktik Experience

419 3 0
                                    


Night 1: Mga 8pm na nun nang may narinig kaming ingay sa bubong, yung parang may pusa na tumalon galing sa kapitbahay. This night didnt really scared me at all since normal lang na nakakarinig ako na may gumagapang sa bubong dahil nga akala ko pusa yun.

Night 2: Parehas lang din sa Night 1 hindi pa talaga ako naka isip na aswang tong gumagapang sa bubong eh, kasi simula bata pa ako marami nang pusa ang dumadaan sa bubong namin.

Night 3: Ito yung gabi na naka feel na ako ng takot dahil sabi kasi ng kapitbahay namin meron daw silang naririnig na tunog ng tiktik. Dun ko lang na realize na baka tiktik yung naririnig ko sa gabi? Kaya yun natakot na ako.

Night 4: Di ako nakatulog sa gabing ito, may nakita talaga akong anino ng tao sa may puno malapit sa bahay namin. I know people see what they want to see especially when we're scared pero kung sa imagination ko lang yun explain nyo nga kung ba't nag stay yung aninong yun for like 10min then nawala nalang agad? Hindi na talaga ako nakatulog pagkatapos nun.

Kinaumagahan nag search ako kung pano labanan ang mga tiktik(seryoso ako gusto ko talagang labanan ang tiktik nung time na yun xD). Eh nabasa ko na di daw natatalo ang tiktik if haharapin mo. Kasi everything about it is reversed. Natatandaan nyo yung about sa tunog ng tiktik? yung pag malakas nasa malayo tas pag mahina naman malapit lang sya? turns out lahat pala about it is reversed..if akala mo nasa harap mo sya nasa likod pala etc. basta halos reversed lahat sa kanya.

Night 6: Ito na ang paghaharap namin ni Abdul. (Joke di ko talaga sya hinarap baka kagatin ako maging tiktik pa ako eh hahaha) Sa gabing ito napag desisyonan ko na pag dumating sya babatuhin ko nalang ng kahit ano, kaya nag ready ako ng tsinelas, kahoy at flashlight. *blag* andito na si Abdul, iba yung pattern nya ngayon kasi gumagapang sya in a circular motion, hinayaan ko na muna sya, hindi na talaga ako natatakot sa kanya this night kasi i know na di sya makakapasok sa bahay. Mga 30min later nag stay lang sya sa isang place kaya dun ko na binato ng tsinelas, narinig ko yung kaluskos ng kuko ang sakit sa tenga nun kaya i didnt hold back ibinato ko talaga yung kahoy ng buong pwersa sa bubong..by this moment maniwala man kayo o hindi ito talaga nangyari

Alam nyo yung sound effect ng pakpak ng dragon na lumilipad? Yun ang narinig ko, mga ilang flaps yung narinig ko, kinuha ko kaagad yung flashlight para makita ko si Abdul..Ang tunog ng pakpak ay tumigil sa may puno ng Buli.(ewan ko if may tagalog word tong puno na ito basta, napakalaking puno na may malalaking dahon na parang isang kamay ng tao ang hugis) Tinuro ko yung ilaw dun, i swear wala pa akong nakikitang mukha na ganun ka pangit, napaka pangit ng mukha ng tiktik, mahaba ang buhok tas ang pula ng mata, matatalim din ang kuko at ngipin nila..nung na ilawan ko ito ay lumipad ito papalayo

Pagkatapos ng pangyayaring yun eh di na bumalik ang tiktik

Jeff
Iligan City

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon