Kwento naman ni Kuya Niño. Working student. Student sa umaga, tricycle driver sa gabi. Pag sabado rin, the whole day namamasada sya. Minsan napapansin na rin namin na pag nauwi sya tas gising pa kami, putlang putla sya. May nangyayari palang kababalaghan sa kanya.
Vortex
First time nya mamasada. Doon sya naghihintay ng pasahero sa may bus stop sa tapat ng metro bank tas gilid ng bagsakan. Kaya maraming tao. Namamasada sya mula 6 hanggang 1. Tas ang pasok nya sa umaga 10.
May sumakay sa sidecar na mag-asawa. Nagpahatid sa may baryo. Tuwang tuwa raw sya kasi syempre arkila. Kahit maka dalawang byahe na lang sya solve na yong baon nya ng isang linggo. Nong pauwi na sya, may pumarang babae at batang lalaki.""Bayan po, simbahan""
Hindi nagsasalita yong bata. Tas bumackride pa. Nasa may highway na sila nong kalabitin sya nong bata.
""Kuya iuwi mo na ko""
""Ha? Akala ko ba sa simbahan?""
Tinignan nya saglit yong babae sa loob, andoon pa rin naman daw. Pero yong bata, yumakap sa kanya.
""Wag mo kong ipapasama sa kanya kuya""
Yong bata mga nasa 7-9 years old. Hanggang sa makarating silang simbahan. Bumaba daw yong babae tas hinihila pababa yong bata. Kinabahan na raw si Kuya Niño, naiisip nya non, baka kidnapper yong babae. Nakipag hilahan daw sya don sa babae. Pag angat nong babae ng mukha, napaandar daw ni Kuya Niño yong motor ng wala sa oras. Kasi yong mata ng babae wala, parang dalawang maitim na vortex lang. Yong bata sumisigaw habang tumatakbo para makaagapay sa takbo ng motor. Napunta sila ng bagsakan. Tas yong nagtitinda ng baguio vegetables nakita yong bata. Umiiyak yong matanda. Kasi apo nya pala. Ilang beses ng ganon. Yong babae patay na pala, nanay nong bata. Magkasama silang mag ina nong naaksidente sila sa harap ng simbahan, yong bata lang nabuhay.
Palmolive
Kasama naman ni Kuya Niño yong gf nya nong mangyari ito. Sinundo nya sa may sakayan ng jeep, nasa highway din bahay nong gf nya. So madadaanan din yong samin pati yong crossroad na halos taon taon may aksidenteng nangyayari. Ang pinaka malalang nangyari doon yong bus na sumalpok sa may arko, ramdam na ramdam yong yanig non hanggang samin, purong semento yong arkong yon tas nag iba. Sa dami ng pasahero ang nabuhay lang lima, yong konduktor, driver tas yong tatlong nasa bandang harap.
Pagdaan daw non nila Kuya Niño, sinigawan daw sya ni Ate Mel.
""IDIRETSO MO!""
""Bakit?""
""P*NY*T* NIÑO JOSE BASTA IDIRETSO MO""
Pero si Kuya ayaw makinig, tanong ng tanong.
""MAY BABAENG NAKA BACKRIDE, MAHABA BUHOK. DIRETSO MO G*G*""
Si Kuya bumusina ng bumusina. Tas nong napatingin sya sa side mirror nya, may babae nga. Sigaw daw sya ng sigaw. Tas yong mga nasa likod nyang driver din, busina ng busina. Sinamahan sila hanggang sa may gasolinahan. Sa ngayon lagi syang bumubisina pag nadadaan sya don lalo pag gagarahe na.
Overloading
May liga daw non, may naisakay syang mga player na dayo, tiga karatig bayan, ilan silang tricycle na nasakyan. Nong pabalik na sila, nasa may highway rin kaso puro bukid, onti lang bahay, feeling nya parang ang bigat eh wala naman syang sakay. Tas yong isa sa mga kasama nyang driver sinigawan sya.
""Boy ang bigat. T*ng*n* may sumabit ata satin""
Kinabahan na sya, kaya bumusina sya. Pero wala pa rin, mas lalong bumigat, ni hindi na sya makaalis. Nong nandoon na sila sa mga may bahay na, may humarang sa kanila. Parang checkpoint ganon, pero hindi mga pulis, barangay officials.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree