Geisha sa Jinja

663 11 0
                                    


October this year, nagpunta kami sa Tochigi. Isa sa may pinaka magandang autumn sa Kanto area ng Japan. Ganda grabe! Daming jinja (temple) dasalan ng mga japanese. To be specific sa Sannai kami nagpunta, tourist spot din sya kaya ang daming tao pati mga foreigners. Pagpasok pa lang, ang luwang tapos may mga temple na medyo nasa taas pa ng bundok kaya kailangan akyatin. Sa paglalakad namin, meron akong napansin na babae. She looks young and wearing a black kimono, maputi yung mukha nya sobra. Hindi na bago sakin ang mga babaeng japanese na nakasuot ng kimono dahil hindi lang naman sa matsuri (festival) yun sinusuot, minsan kasi may nakikita din ako habang namimili sa supermarket, or kaya nasa mall, bihira lang pero di na bago sa paningin ko. Pero etong babae sa Sannai, kakaiba. Siguro kasi ngayon lang ako nakakita nung sobrang puti ng mukha, parang pininturahan ng white paint. Creepy ng itsura ni ateng! Hinawakan ko yung pinsan ko tapos tinuro ko si ateng, nakita nya, pero di naman masyadong binigyang pansin kasi nakakita na daw sya ng mga nakaganon sa matsuri (festival).

I looked around, sya lang talaga naka kimono. Halos lahat naka winter clothes na kasi ang lamig na. As time goes by, every place na puntahan namin andun din sya. Minsan nakikita ko pang nagdadasal. Ang daming tao, pero parang hindi sya napapansin na dapat ay agaw pansin lalo sa foreigner kasi nga she's wearing a traditional kimono at may paint pa mukha. Tatlong temple na napuntahan namin at sa lahat ng yon nakita ko sya, naupo, nagdasal. May isang temple na nasa taas ng bundok, kailangan namin akyatin. Tignan ko pa lang yung stairs nahihilo na ko kasi medyo mataas.

Umakyat na kami, nasa bandang gitna na ako nang lumingon ako s likod para tignan pinsan ko kasi ang bagal nya. Pagtingin ko nasa likod si ateng nakakimono, nakatayo sya, nakatingin sakin. Weird! Nakakatakot kasi wala akong makitang expression sa mukha nya. Tumuloy na ulit ako sa pag akyat. Malapit na ako sa taas, nakakahingal at medyo nakakahilo. Nung tumingin ako sa taas para tignan kung ilang hakbang na lang, p*tch* nagulat ako nasa taas na si ateng, nakaharap samin, napahinto ako. Wala pa ring emosyon mukha nya, tapos naglakad na ulit. Sa totong lang gusto ko ng bumaba nung time na yon pero tinutulak na ako ng pinsan ko paakyat, no choice. Pagdating sa taas medyo madaming tao sa jinja (temple) nagdadasal. Nakita ko ulit sya sa gawing dulo, nakaupo. Merong bell don sa temple, nakapila yung mga tao, pagtapos magdasal kailangan kalampagin yung bell. Nakamasid ako kay ateng, p*tch* kinilabutan ako! Kasi sa bawat pagbell nung mga taong nagdadasal kasabay din ng pag ikot ng ulo nya.

Nasa harap ko yung pinsan ko, nakapila din kami, tinuturo ko sa kanya. Sabi nya lang "asan ba" tapos nawala na din focus nya kasi malapit na syang magbell. Sa likod ng temple meron pang malaking space na pwedeng lakaran tapos merong statue ng maliit na temple, pero yung paligid non ay bangin na hindi naman masyadong matarik. Pinsan ko na yung nagdadasal, nakatingin ako kay ateng nakakimono, tumayo sya. Tumingin sakin, huhu katakot. Bigla syang tumakbo sa likod ng temple, umalis ako sa pila at nagpunta din ako sa likod. May ilang tao, tapos hinanap ko si ateng. Nasa bandang gilid sya tapos biglang umakyat sa bakod, tumingin sya sakin tapos biglang tumalon.

Napahiyaw ako ng "dame" tapos napatingin sakin mga tao. Pati mga taong nagdadasal sa harap ng temple nagpunta sa likod, "Nande?" "Doushite?" "Doushita no?" Yan yung nadinig kong mga tanong nila. "Asoko ni onna no hito ga janpu shita." Nagtakbuhan na sila sa gilid para tignan, tapos yung isa tinawag yung mga staff nung park. Tinignan nila, meron din bumaba na staff para tignan, wala daw nakita sa baba. Nagtagal pa kami sa park na yon ng 1 oras kasi tinanong pa ako ng punong abala sa park na yon.

Nung pauwi na kami, nilapitan ako ng isang staff, babae sya. Sabi nya, "Daijoubu desuka? Mou sore nitsuite kangae naide kudasai, watashi mo mainichi mitteiru kara, shinjiteimasu. Kiotsukeru ne". Napatulala ako. "Obake desuka?" Tanong ko. "Sou desuyo." Sagot nya.

Translation of last convo:
"Okay ka lang? Wag mo ng isipin yon. Ako nga nakikita ko sya araw araw, naniniwala ako sayo. Mag ingat ka ha."
Tanong ko. "Multo po ba?" "Oo" sagot nya.

RavenOfdeath

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon