Bunso : Si Nanay

366 5 0
                                    


May mga katanungan na kailangan ng kasagutan. May mga kasagutang mailap o kung minsan ay pilit na itinatago. May mga katanungan na hindi dapat sagutin dahil maaaring nakakatakot ang kasagutan.

Isang linggo matapos yung trahedya kay bunso, umuwi si nanay (Nakakapagtaka man, hindi narin namin nausisa kung bakit hindi nya kasama si tatay).

Maaliwalas ang hitsura ni nanay, malayong-malayo sa inaasahang hitsura ng isang inang namatayan ng bunsong anak. Walang bahid ng lungkot, o galit sa kanyang mukha (Habang nagkukuyom na ang loob ko dahil sa nangyari kay bunso). Pagpasok nya ng bahay, si kuya agad ang una nyang hinanap (Ako ang unang sumalubong sa kanya pero tila hindi nya ako napansin o sadyang hindi nya ako pinansin). Niyakap nya si kuya ng napakahigpit na parang sya na lang ang natitira nya anak.

Umupo ako sa silya na nasa labas ng bahay namin. Iniisip ko ang nangyari, binabalik-balikan ang kakatapos lang na eksena. May mga dumating na bisita na hindi ko kilala - hindi pamilyar sa ala-ala ko, pero pamilyar sa pakiramdam ko. Isa sa kanila ang lumapit kay nanay (Babae na hindi naman katandaan. Meron syang tattoo sa kaliwa nyang pulso, hindi ko pa alam noon kung ano tawag doon pero ngayon nalaman ko na ANKH pala ang tawag sa symbol na yon).

""Nangyari na ang dapat mangyari. Makakahinga na rin kayo ng maluwag..."" sabi nung babae kay nanay sabay tingin sa akin... ""Sya na ba?"" Nablangko ang utak ko ng mga oras na yun. Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin. Bakit ganun ang tanong nya kay nanay? Bakit, anong nangyayari sa paligid ko? Bakit tila kami lang ni kuya ang nagluluksa? Meron ba akong hindi alam?

Hinigit ako ng tiyuhin namin palabas ng bahay (Kapatid sya ni tatay). Naglakad kami hanggang makalayo at dun nya sinubukang sabihin sakin ang lahat ng kailangan kong malaman...

Apat dapat kaming magkakapatid - si kuya, si ""diko"", ako, at si bunso. Malayo ang agwat ng edad namin ni kuya, at namin ni bunso (Unexpected baby si bunso kaya akala daw nila ako ang bunso). Hindi ko nakilala si diko dahil bata pa lang nang mamatay daw sya gawa ng tigdas. Nasa ibang bansa noon ang nanay nang ipinagbuntis nya ako, umuwi lang sya para dito manganak. Espesyal daw akong bata (Kasi nga ako daw ang ""bunso"" kaya ako ang magdadala ng kasiyahan sa pamilya lalong lalo na sa side nila nanay na never kong nakilala).

Hindi man namin kasama sa bahay, pero laging nakabantay samin sila tito at kahit kelan wala ni isang kamag-anak ni nanay ang pinayagan nilang makalapit sa amin (At kaya din daw laging kasama ni tatay si nanay sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay para maingatan kami - ako bilang ""bunso"").

Sabi ni tito, lahat naman daw kaming magkakapatid (Maliban kay bunso) ay ipinagbuntis sa ibang bansa. Kailangan lang daw talaga umuwi ni nanay bago manganak dahil may obligasyon sya...

Hindi ko alam kung kaya ko siyang paniwalaan o kung may natitira pa akong pake para sa kwento nya. Nang bigla nyang sinabi sakin na tumayo na daw ako at maglalakad na daw kami pauwi. Bilin pa nya, sa harap nya ako maglakad, at kung kakausapin man nya ako ay wag na wag daw akong lilingon sa kanya - idiretso ko lang ang tingin ko. Hindi pa kami nakakalayo nakikita ko na na makakasalubong namin yung babaeng may tattoo...

""Kamusta ka na hijo?..."" sabay ngiti sakin nung babae nung makalapit na sya samin. ""Tumigil ka na! Nakuha nyo na ang gusto nyo. Umalis na kayo."" Sagot ni tito na may halong takot sa naginginig nyang boses.

Pagkauwi namin ng bahay, sinalubong ako ni kuya at sinabihan ako na sa susunod wag na daw akong lilingat sa paningin nya at nagpasalamat sya kay tito na magkasama kami.

Pero sino ba yung babae? Bakit sya ganon? Anong relasyon nya kay nanay? Sino ba talaga si nanay?

""May uwi si nanay sa bahay...""

Burigadang Pada Sinaklang Bulawan

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon