Lumaki ako sa mga kwentong aswang. Yung mom ko kasi ginawa niyang bedtime story samin yun. Parang yun na rin yung bonding moment namin nung bata ako. Lumaki kasi mom ko sa zamboanga. Hindi lang aswang, pati experiences niya sa nuno or dwende meron din. Nagkaroon din ako ng doubts dun sa mga kwento niya nung lumaki ako, pero nawala yun nung nagbakasyon kami dun. In fact, mayroon akong kamag anak na aswang pero not totally kamag anak, kasi napangasawa lang siya ng pinsan ng mom ko. Tawagin natin siyang "tita aswang". Mom knows their story too (mala-twilight) and mom warned me not to eat any of the food they offer. Nameet ko na siya actually, nung grade school ako. But I have no idea that she's an aswang, kaya pala di ako hinahayaan ni mom na kumain sa kanila dati. At first, natakot pa ako na tumuloy pero mom told me not to get scared kasi di naman daw aatake yun sa kamag anak. Pero kahit na di ba?
Anyway tumuloy pa rin kami kasi nacurious talaga ako sa kilos ng mga aswang. May bahay kami dun, yung pinamana ng lola ko sa mom ko. Dumating kami dun sa lugar ng mga 2 or 3 am. Yung lugar na yun puro kamag anak namin nakatira. Halos kilala nanga yung angkan namin sa ibang lugar. So nasa sasakyan kami nun nung may nakita ako na figure. Nagulat ako kasi si "tita aswang", gising at nakatayo dun sa may halamanan, may kasama pa siyang babae. Nakakatakot sobra. Mom was joking me na "Tignan mo, anong oras na gising pa siya tapos may kasama pa" tapos tumawa ng mahina. Medyo natakot ako kasi baka malakas din pandinig ng mga aswang di ba. Paranoid na ko. So nung nakarating na kami sa bahay, yung katabing bahay namin which is bahay ng tita ko, bumukas yung ilaw, at lumabas sila tita pati yung dalawang pinsan ko para salubungin kami. Wala na kaming balak matulog. Nagkape pa kami at nagkwentuhan, I told them I saw "tita aswang". Tapos sinabihan ako na wag magsalita about dun kasi baka marinig daw ako.
Hanggang sa nagkwentuhan sila about sa aswang na nahuli. Pero di ko maintindihan masyado kasi bisaya na. Unang gabi, ayos naman. Maririnig mo yung ungol ng kalabaw na kinatay malapit samin, may katayan kasi dun, at yun yung nagsilbing alarm clock ko. Nameet ko yung ibang relatives ko. Yung mga bahay isang hilera puro kamag anak ko lang. Nalaman kong may 3 pinsan ako na buntis. Yung isa yung kaclose ko talaga na nakatira sa tabing bahay namin. Dun kasi kami sa bahay nila tuwing kumakain. Kasi dalawa lang kami ni mama sa bahay. So sa kanila talaga kami tumatambay. At since nakakalungkot na sa bahay, dun na kami sa kanila nagstay. Dun nagsimula na lagi kaming inaatake ng aswang since buntis si insan. Tuwing gabi, hindi siya pinapapasok sa kitchen nila which is gawa sa bamboo at medyo open dahil parang kakahuyan na yung likod nun.
One time, may kailangang kunin si insan dun sa kitchen, at nagulat kami kasi tumakbo siya papunta sa sala. May narinig daw siyang tiktik dun sa may kakahuyan. So tumakbo yung kapatid niyang lalaki tapos sinara yung pinto ng kitchen. Pinagalitan pa nga siya eh. Pinoprotektahan talaga siya dun, maraming itak na nakahanda sa dining area. May langis pa nga na pinapahid niya sa tyan niya tuwing gabi at ang sama ng amoy. Katabi ko kasi siya matulog eh. Gawa daw yun sa bawang at kung anu ano. Lahat kami sa sala natutulog. Naglalatag na lang kami ng higaan. At nasa gitna yung buntis para proteksyunan. Nalaman ko din na yung dalawang malaking aso na alaga ng isang tita ko ang nagsisilbing bantay. Tuwing gabi dun sila natutulog sa gitna ng daan. As in sa gitna talaga. Kasi tatlong bahay ng buntis ang binabantayan nila. Minsan magigising na lang kami, tahol ng tahol yung dalawang aso, at paikot ikot sa bahay na parang may hinahabol. Di na daw bago sakanila yung ganun.
At pagkatapos nun hindi na ko makatulog, pakiramdam ko anytime may kukuha sakin since puro salamin lang bintana nila at madaling sirain. Pero yung last na atake samin. For the first time nakarinig ako ng sound ng tiktik, gabi na kasi nun at nakatambay kami nung pinsan kong buntis sa kwarto. May bintana sila dun at open, nagulat ako ng may narinig akong tiktik sound. Hindi ko alam kung pano maexplain eh. Basta mabilis na "tiktiktiktiktik" hinto tas tiktiktiktik ulit. Basta ganun yung narinig ko. Yung pinsan ko hinila agad ako palabas ng kwarto. Natatakot siya na natatawa sakin kasi yung itsura ko daw. At ako di makapaniwala, parang gusto kong sabihin na "Seryoso? Muntik na tayong mapahamak" pero parang ayos lang sa kanya. Lumabas kami sa veranda para ikwento kila mama. Tapos ngumingiti pa si mama na ang tanong niya lang sakin "Oh anong narinig mo?" Di man lang tinanong kung ayos ba ako, tapos parang naaaliw pa sila kasi first time ko daw makaencounter ng ganun. What the hell. Siguro sanay na kasi sila aswang. Feeling ko si tita aswang yun, pero minake sure nila na hindi daw kasi sa ibang lugar daw umaatake yun. That time, nakikitawa na lang din ako sakanila. Pero seryoso totoo pala talaga ang aswang. Next time yung experience naman ni mama sa dwende or sa aswang.
AryaStark
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree