Roxas

457 5 0
                                    


Sa mga batang 90's dyan, I am pretty sure you are all familiar with channel 2's Magandang Gabi Bayan (MGB) hosted by Mr. Noli De Castro. Early 2000's may nafeature sila Noli na story of an old woman who ate a live chicken during the actual footage of MGB. Dinayo pa nila ang matandang yun all the way to Palawan, by the way she was a self confessed 'aswang'.

Noong binata pa si Papa, 1980's, he worked for Provincial Engineering Office during the construction of the national highway (PPC – Roxas). Syempre sa mga construction site, mayroong allotted barracks where the workers could sleep. Isang gabi naiwan si papa sa barracks nila kasi Sunday noon at umuwi sa mga pamilya nila yung mga kasama niya. Being alone, he decided na makipag inuman sa mga kaibigan niyang taga roxas. Kahit di siya tagaroon, sa duration ng pagtatrabaho niya sa site he made friends with the residents. May kalayuan ang lalakarin at mapuno, hindi pa concrete ang mga daan since ginagawa pa lang nila. May kasama siyang maglakad, yung aso niya, nalimutan ko name ni doogy, kaya doggy na lang. Nakarating naman siya sa mga kaibigan niya, habang nag iinuman, napagkwentuhan nila yung mga aswang dahil mayroon raw nakatira malapit sa kanila, meaning nasa Roxas lang rin. Bilang di pa naman siya nakakakita ng aswang at nakainom na rin, nagyabang pa si papa na di yun totoo at kung magpapakita raw yun sa kanya, hahamunin niya pa.

Natapos ang inuman around 10pm, naglakad na siya pauwi kasama si doggy. Malapit na rin naman siya sa barracks nila, mga 20 meters nalang raw nang pakiramdam niya may sumusunod sa kanya. At si doggy maligalig hanggang sa umaktong aatake yung aso, alam nyo yung posture ng aso kapag aatake o handa nang kumagat, yung parang tatalunan ka niya. Medyo nakabend yung front feet niya, parang bumibwelo, pero yung aso paikot ikot kay papa. Galing sa likuran ni papa biglang lilipat sa harap o sa gilid tapos sa likod ulit, like defending papa from something. Si papa naman nawala ang kalasingan kasi pakiramdam daw niya nagtatasan ang balahibo niya at lumalaki ang ulo niya. Pero nagtapang tapangan pa rin siya, pinagmumura niya yung 'something'. Hanggang sa nakarating naman sila nang maayos sa barracks, aatakihin raw siguro talaga siya noon. Kung di lang dahil sa aso niyang handang magpakamatay para sa kanya, oh I love dogs.

Yung lugar kung saan inatake si papa at yung bahay ng matandang ininterview nila Noli sa MGB ay magkalapit lang, iisang barangay lang. Kaya kayo, wag magmamarunong o magyayabang, lalo na't dayo ka lang. Kung di kayo naniniwala, wala namang masama kung makinig ka lang, malay mo, nadidinig ka nila.

ICE

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon