SPG: Wag kang ano Diyan Haha

634 5 0
                                    



Mother Monster..

kwento to ng tita ko galing siyang iloilo at tuwing hindi ako makatulog lagi siyang nagkukwento ng mga nakakatakot na story so eto sa lugar daw nila may mag asawa na nakatira yung babae isa siyang nurse tapos yung father naman daw nagoofice may dalawa silang anak isang 3 years old tapos 4 months old na baby , meron silang katulong kaso tuwing umaga lang daw ito nagbabantay dahil day shift lang naman daw yung mother . mabait naman daw yung pamilya nila kaso parang weird lang daw yung mother so eto na nga kinagabihan nun kakauwi lang daw nung tatay na maabutan niya sa bahay na napakatahimik which is laging maingay at magulo dahil sa mga bata pero nung umuwi siya napakatahimik, at sinalubong pa siya ng asawa niya na napagka gandang ngiti tila naamoy niya yung niluluto nito na napagkasarap , tinanong niya ito kung nasaan na daw yung anak nila kaso hindi daw siya sinasagot , ang akala lang daw nung tatay nasa tiyahin niya natapos silang kumain pero hindi parin siya sinasagot nito kaya naghinala na siya , pumunta siya sa kwarto at nakita niya yung damit ng sanggol at ang isang anak nito puno nang dugo nakasiksik sa cabinet, hagulgol ang maririnig sa buong bahay alam niyang aswang asawa niya pero hindi niya sukat akalain na gagawin niya ito , naingayan daw kasi ito kaya niya napatay sabi nga daw nito hindi niya sinasadya niluto niya yung sariling anak niya at proud pa niyang sinabi na marami pa daw silang stock sa ref na pagkain, nagimbestiga yung mga pulis at sa mismong ref nakalagay yung ulo ng bata , lumabas din sa medical result na may mental disorder yung mother pero sabi ng tita ko aswang daw talaga yun (ewness lang yung ulo sa ref naiimagine ko paren).

""Lugaw Overload ""
sorry na sa mga title Haha..

kwento naman to ni mama may isang lugar daw na dinadayo ng mga tao As in parang BlockBuster daw yung kainan na yun, hindi pa daw to nagbubukas pero marami na nakapila , parang ba may gayuma daw yung kainan na yun ang dami daw lagi nag papareserve kaya mabilis daw maubos , kaya rin Dinadayo yun dahil sa napakamura at napakasarap sa halagang 5 piso may lugaw ka na nung araw pa kasi to , Eto na nga yung katabing lugawan daw nagtataka kung bakit dinadayo yun samantalang masarap naman din yung kanilang lugaw , dahil sa pagkacurious ng tinderong yun kinagabihan pasara na yung katabing lugawan din pumasok siya sa bahay nito at nagtago sa may kwarto kung saan nagluluto ang mga ito, sa inip nito kakantay nakatulog siya , hanggang sa nakaranig lamang siya ng ingay na parang naguusap hating gabi daw iyon at gulat niya na may pinasok sa kinatataguan niya ng isang tao maputla daw ito at alam niyang patay iyon nilapag daw iyon sa mahabang lamesa sinimulan daw kunin ang mga lamang loob nito gayong ramdam niya kaya pala masarap yung niluluto nitong lugaw dahil galing daw yung sahog sa lamang loob ng patay na tao , kumalat daw yung balita na yun sa bayan at halos ng kumain dun sa lugawan na yun ay masuka suka simula daw nun wala ng nagtry kumain ng lugaw sa lugar nila Haha..

Maragundon..

Eto naman kwento ng tatay ko nasa biyahe siya pauwi ng cavite galing trabaho lasing daw siya nun at nagkayayaan maginuman kaya late na siya nakauwi , Si mama naman ayun Buyset na naman akala niya kasi san nanaman pumunta yung tatay ko haha so eto na nga sa sobrang kasarapan daw ng tulog niya sa bus lumagpas siya ginising daw siya ng kunduktor dahil hanggang doon na lang daw sila. nagulat daw siya nun ng nasa maragundon siya , bumababa daw siya at naglalakad para makahanap ng sasakyan nakarating daw siya sa mapunong lugar habang sa paglalakad niya nakaramdam siya na parang may sumusunod sa kanya paglingon niya daw isang malaking aso, kumaripas daw siya ng takbo nun para na nga daw siyang lumutang habang tumatakbo lahat ng dala niya nabitiwan niya , may isang tricycle driver na nagmagandang loob sakaniya na nagpasakay hinatid siya nito hanggang barangay para makainom . pagkauwi niya sermon ni mama ang abot niya Lasing pa more Haha

orayt hanggang dito na muna , nakakatamad magtype haha share ulet ako pag gusto niyo ng part 2 ..

PS: sorry na sa mga nakakadiring part kahit ako habang tinatype ko to nandidiri ako naiimagine niyo rin ba Haha? magrereply ako sa comment niyo pag napost to labyah

EYAH
CAVITE

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon