Hi mga ka-spookify! Conchita here ang diwatang palaban! Yet for another case. Ito yung case na nabugbog kami ng husto (Not in a physical way) spiritually, emotionally and mentally.
2010 March 10, somewhere in Laguna. Nagrequest sa group for cleansing, so halos lahat ng kasama for this case ay yung mga psychic ng group na nakagawa na ng cleansing. Kaming tatlong saling kitkat back up lang maski nakagawa na rin kami ng cleansing before. And ito rin ang time na nagsama sila ng mas bagong psychic, si Patricia.
Nakarating kami sa site an hour late dahil sa traffic, mga past 4 na nung nakarating kami. Maganda yung house pero medyo overgrown na ng mga halaman yung facade ng ancestral house. Hinanap ni Crystal yung client, kami naman eh naiwan sa van. Nang okay na tiyaka kami pinapasok sa loob, at first walang kakaiba sa lugar, talagang luma lang. Since cleansing lang naman ang gagawin, tatlo lang ang dalang camera at puro pang cleansing tools lang ang dala. Nag organize kami ng mga gamit sa may foyer doon, nilatag lahat pati yung crucifix at yung censer. Nagsimula kami doon sa foyer ng opening prayer, after that nagtake na ng mga assigned rooms ang mga kasama ko. Napunta si Crystal sa attic room, si Diana sa second floor masters bedroom, sa katabing mga rooms sa second floor ay si Paolo. Sa ground floor sa may maids quarter si Amber, sa living room naman ay nandoon si Seth. Kaming tatlo nila Randy and Patricia ang natira sa may foyer at nagdadasal pa rin. Maya maya pumasok si Dale, may dalang tripod at ilaw. Bumaba siya sa may basement at nagpaalam pa nga ito na magseset siya doon ng isang camera. Mga 5:30 na pababa na yung araw pero naweweirduhan ako, hindi pa umaakyat si Dale. Nagtataka din si Randy pero binaliwala namin at tinuloy tuloy namin ang dasal (Medyo uncomfortable kasi nasa back pocket ko nung time na yun ang mga cards ko at nakatayo pa kami).
BLAG! Yun ang tunog sa second floor na kinagulat namin sa baba, kasi ang nasa itaas ng foyer ay hallway papunta sa mga kwart. Napatakbo kaming tatlo sa itaas at nakita namin yung bahay ng mga santo natumba at nabasag yung ibang mga religious figurines. Tumakbo din si Paolo sa amin at sabi niya after ng cleansing tiyaka namin linisin, so bumaba kaming tatlo. Bahagyang napasilip kami sa living room, nagdadasal pa din si Seth which is odd, kasi hindi naman ganun katagal dapat ang cleansing. Dahil dadasalan mo lang naman yung place. Kumapit sakin si Patricia, nanginginig siya, sabi niya na may something daw na nakablock kay Seth (Si Pat ay may ability magread ng emotion, ang tawag ay empath). Pinuntahan naming tatlo si Seth only to be shocked, nagdadasal siya pero utal utal yung sinasabi niya. Eto naman si Randy naniguro, kinuha niya yung face mirror ko sa bag doon sa foyer at dinala sa living room. May pinahid siya doon sa mirror ko na parang likido, and then sabi niya sa aming dalawa ni Pat tignan niyo kung may makikita kayo.
Tinapat ni Randy yung mirror kay Seth at pinapwesto kaming dalawa ni Patricia sa likod ni Seth para makita ang reflectio. At saktong makikita mo ang face at background pero yung nakita naming katabi ng mukha ni Seth sa mirror ang muntik nang magpatalon sa mga kaluluwa namin. Saktong side view ng hindi makataong mukha ang aninag na aninag sa mirror, na parang may binubulong ito sa kaniya. Hindi ako nakapag isip ng maayos nung makita ko yun, namalayan ko na lang tinatawag na ako ni Randy. Break the connection, sinasabi niya ng paulit ulit sa akin, hindi naman alam ni Pat yung gagawin so ako dapat. Nung bumalik sa tama yung utak ko tinapik ko ng tatlong sunod ang likod ni Seth sabay swipe sa likod niya pa kanan (Parang sa cellphone lang ngayon yung swipe to open). Dalawang ulit kong ginawa iyon at nung bumalik na siya sa senses niya ang nasabi ni Seth sa akin fiends! Napaisip agad ako, dahil madaming klaseng fiends kaya nagflood yung info sa utak ko at ang nasabi ko na lang doon kay Randy ay silipin si Amber sa maids quarter. Kaya napatakbo naman siya. Sabi ko naman kay Pat na samahan muna niya si Seth at aakyatin ko si Crystal.
Habang umaakyat doon ko lang naalala yung isang nabasa ko sa libro ni Mon about demonology, mostly ang mga fiends ay inaassociate sa Piru, isang wise demonic spirit na kayang itago ang presence at kumain ng energy. :alo na kapag nasa state of meditation ang tao like prayers. Vampiric ang dating nitong mga to. Kahit nanghihilakbot na ako sa naalala ko takbo pa rin ako pa attic para sabihan si Crystal. Pagdating ko sa attic naroon si Crystal at nagkalat ang asin sa buong attic habang nagdadasal siya ng binding prayer, pero at least okay siya. Sinabi ko kay Crystal yung nangyari, at sinabi niya na kanina pa niya nalaman nung nagdadasal siya parang nahihilo siya kaya daw itinigil niya ang pagdarasal at nagsaboy ng asin. Sinabi niya na sindihan ko na ang insenso sa baba at susunod na din siya. Bumaba na ako and then pagdating ko sa second floor, nagworry ako kay Diana at Paolo, so sumaglit ako sa mga rooms nila. Only to find na ganun din nakakalat ang asin sa mga kwarto nila, so gora na ako sa baba at sinindihan ko ang insenso sa foyer. Pagsindi ko ng insenso yung usok niya lumalabas sa direksyon ng pinto at hindi papasok ng bahay, kaya isinara ko yung pinto. Nakasunod naman si Crystal at nag punta siya sa living room.
Tsaka ko lang naalala si Dale kaya tumakbo ako pababa sa basement at doon ko nakita si Dale, nakaupo sa likod ng camera na parang natutulog. Nilapitan ko siya at ginigising ko siya pero hindi ko siya magising, tinry ko din na ibreak yung connection pero ayaw pa din. Nakakailan na akong tapik sa likod wala, so wala na akong choice, nagsign of the cross ako then nilagyan ko ng sign of the cross sa noo si Dale at hinawakan ko siya sa balikat. Inusal ko ang binding prayer, bago pa makarating sa part ng prayer to saint michael, nakarinig na ako ng garalgal sa kabilang dulo nung basement. Garalgal na parang nagagalit, pero tuloy pa rin ako sa dasal. Pero parang lumalapit ito sa amin ni Dale. Kaya hinatak ko yung rosary ni Dale sa bulsa niya at nagsign of the cross ako sa harap nung garalgal 'ELOHIM ELYON ADONAI YAWEH! In the name of GOD, I order you to go back from whence you came!' Pero mas lumakas pa yung garalgal, pero hindi na siya nakakalapit, hanggang dumating si Seth at nakita niya na parang may pinipigilan ako na makalapit sa amin ni Dale. Then sumipol si Seth nang napakatinis, nakakabingi! Just then tsaka lang nawala yung garalgal at nagkamalay si Dale. At dali dali kaming umakyat sa may foyer kahit nangangatog pa ako sa takot, pagdating sa foyer okay naman ang lahat except for Amber na namumutla at halatang halata sa face niya yung takot. At galit na sabi ni Crystal 'May nakalimutang sabihin sa atin yung client!'
To be continued...
Conchitabonfire
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree