Bago ko simulan ang kwento , kumusta mga Spookify Readers...
Ang mababasa ninyong kwento Ay Hango sa Totoong Pangyari at Walang Halong lokohan, Hindi ito imbento lang, At NakakaTakot talaga na kamuntik ng may Mapahamak..
Nangyari ito noong Nakaraang Taon lang (2016). Gabi non Habang Tulog kaming lahat Nagising c Buddy at si partner ko Dahil Sumakit daw ang Tyan ng mama nila at Tinulongan nila, Ako tulog na Tulog hindi ko alam ang mga pangyayari. Hindi na kasi nila ako ginising, Base ito sa salaysay ni buddy at partner ko. Bigla daw ako Bumangon na nakapikit ang mga mata at naglakad papuntang pintoan at binuksan at lumabas. Tinawag pa daw ako ng Mama nila na noon ay namimilipit pa rin sa sakit sa tiyan. Hindi ko daw pinansin at tuloy tuloy lang daw ako sa paglabas. Sabi ni partner baka naiihi lang ako, pero nagtaka na sila dahil mga mahigit 30minutes hindi pa daw ako bumalik sa loob. kaya inutusan na ni partner si buddy na tingnan kung asan ako. Nagulat daw si buddy kasi nasa harap daw ako ng Chapel na malapit lang sa bahay nila. Naka Luhod daw ako at ang isang kamay ko ay nakahawak sa lupa at ang isang kamay ko ay nasa dibdib. Para daw akong nagdadasal ng taimtim dahil wala daw boses na narinig si buddy. Bumalik siya sa loob para sabihin kay partner ang nakita niya. nag aalala ang mama nila sa akin kaya sinabi nito na kunin daw ako at ibalik sa loob, kaya nagsama na si buddy at ang partner ko para kunin ako dun sa harap ng Chapel. Natakot sila sa kanilang nakita dahil May nakatingin daw sa kanila sa may bubong doon sa chapel isang nilalang na Alam nila kung anu ito...(sigbin) at mas lalo silang Natakot at nanindig ang balahibo sa nasaksihan nila. Naka dipa na aking kamay na parang si kristo na naka pako sa cross, Nakalutang ang aking mga paa at tancha nila nasa 3feet na daw ang paglutang ko. Hindi nakayanan lumapit ng partner ko sa akin dahil sa sobrang takot at si buddy na ang lumapit pinilit daw akong gisingin ni buddy at unti unti daw akong bumababa sa pagkaka lutang, nong naka apak na daw ang aking mga paa sa lupa ay agad na daw akong inakbayan at inalalayan paglakad pa balik sa bahay. at ang nilalang na nakita nila ay lumipad at naglaho.
Nong umagang yon Agad nila sinabi ang nangyari at nagtanong sila sa akin. Anu at paano daw nangyari sa akin yun?
Ang naalala ko lang kasi Yong Matandang ermetanyo na dati ko ng na ikwento sa nakaraang kwento ko (kinulam ng Sariling Tiyahin) siya yong Tumawag sa akin at ang naalala ko lang na sinabi niya May mission daw ako dahil nagsimula na daw ang Gumalaw ang mga kampon ng dilim, at kailangan ko ng isang tutulong sa akin para mapigilan sila. At may binasbasan niya ako gamit yong baston niyang may naka ukit na mga latin. Pagkatapos non Dumating ang isang lalaki na hindi ko masyado makita ang mukha pero sa hugis ng pangangatawan parang kilala ko siya. Sabi nong matanda siya yong napili na tutulong sa akin kasi nasa dugo daw nito ang dating tagapaglingkod sa kanya bago pa mapunta sa akin.
Sinabi ko ito lahat sa kanila Si buddy tulala lang, yong partner ko kinilabutan at ang mama nila Malalim ang iniisip. Pagkatanghali non nakita ko si buddy Patawid ng Highway ng biglang may Bus na bumulaga sa harap niya at nakita ng mga tao na nasa paligid ang pangyayari napasigaw ang mga tao na nasagasaan daw Tumakbo ako kaagad, Kinabahan ako na maiyak iyak ang mata ko habang nagsisigaw sa pangalan ni buddy Lumabas din non si mama, ang partner ko at sina moi at ang asawa ni buddy na si karla. lahat kinabahan. Pero Nong makita ko si Buddy Hindi siya napano walang galos at ngumiti ngiti pa ang loko nasa tabi na siya ng daan. Ang "oO.A niyo Tumawid lang ako Kung makasigaw parang mWawasak na ang mundo." pabirong sabi niya. alam kong alam ni buddy na nasapol siya nong bus dahil napahinto talaga ang bus nong lumampas na ito kay buddy. Halata ko sa mukha ni buddy na nagulat siya don sa nangyari. Kaya sinamahan ko na siya papuntang bukid non kasi kukuha siya ng mga kahoy na pangatong. Habang naglalakad kami halata ko pa rin na natakot pa si buddy kaya nagsalita na ako. "Nagsimula na ang pagsubok mo buddy, Hindi mo matatangihan yan at hindi mo rin matatakasan mas lalo ka pang mapapahamak." Hindi ko tinatakot si buddy pinapaalalahanan ko lang. Kaya sinabi ko na ang lahat lahat, Yong mga pangyayari sa Kumulam sa ama nila na May gantihang nangyari at pati yong sa Ozamis kina Kuya elyong.
Habang nasa bukid na kami Grabi ang Tahimik at walang mga bahay don kahit isa. Malalaki ang mga puno may mga puno ng mga prutas, mangga, Saging, Santol, StarApple, at durian. Umagaw sa akin ng attention ang naninirahang mga kakaibang elemento sa mga puno Tinitingnan lang nila kami kilala na yata si buddy kasi palagi si buddy don, Sa bukid na yon din kasi ang hanapbuhay ni buddy Isa kasi siyang manangutay (Kumukuha ng Lambanog o Tuba) Doon din nagtatanim ng mais ang pamilya nila para gawing bigas. Habang tinutulongan ko si buddy sa pagkuha ng mga Kahoy na pangatong May napansin akong Mga 9 ka tao na nakatayo na pabilog mga naka soot sila ng itim na Robe na may hood hawak hawak sila ng kamay at parang nagdadasal Kinabahan ako at sinabi ko kay buddy. Sabi niya ngayon lang daw niya nakita mga yun, Kaya Binilisan na namin ang aming pangangahoy. PaUwi na kami non Sinabi ko kaagad kay buddy na kailangan niyang gawin yong ginawa ko dati na pagsubok. Kung naaalala niyo noong una kong kwento sinabi kong may mga ginawa pa akong hindi ko na inilagay sa kwento, Dito sa kwento na ito malalaman niyo kung paano ko nakamit ang kakayahang makakita, Nabuksan ang aking sinasabi nilang Third Eye. Si Buddy ay dadaan sa matindi, Dilikado, At nakakakilabot na pagsubok. Syempre aalalayan ko siya.
Mahaba na kasi ito, kaya sa susunod ko na itutuloy.. Salamat at God Bless sa ating lahat.Silent Rasta
[PS] si buddy nagbabasa rin dito Hiningi ko permeso niya na e share yong kalukuhan niya.. este Karanasan pala. Peace buddy.. Peace..
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree