This story is based from personal experience and real happenings. November 2, 2012, 7th month na ng tyan ng pinsan ko sa first born nila at lalaki pa ang baby. Nasa Taiwan ang asawa niya so sa compound namin siya nakikitira para naman may kasama siya. To give you a background para mas mavisualize nyo; sa compound namin ay 2 ang bahay at 1 separate na kwarto na inuupahan ng mga pamangkin ni tita. Sa amin ng papa ko at sa tita ko kung saan tumira ang pinsan kong buntis. Ang kitchen nila tita ay nasa bandang likod ng bakuran at open, parang yung kusina nila Pinang sa Be My Lady na palabas. Ang pinaka-wall ay gawa sa buho at ang back door nila ay kaharap ng kwartong inuupahan sa amin ng mga pamangkin ni tita. Actually wala talagang 'door' ang back door kundi door way lang. Mapuno sa likod bahay at ang katabing lote sa likod namin ay bakante. Ang bahay namin ng papa ko ay nasa harap na part, mga isaag metro lang ang pagitan sa bahay nila tita.
Here it goes, November 1 ng hapon nagpaalam si tita na uuwi sa bukid para bisitahin ang puntod ng mga parents niya. So ang natira lang sa compound ay kaming 4; ako at ang papa ko, si ate Jel (pregnant) at si ate Billy na may trangkaso, pareho silang nasa kwarto sa taas. Around 10pm, ako na lang ang gising, nanonood ako sa kitchen nila tita, then all of a sudden may nadinig akong tumatalon sa bubong ng mga kapitbahay palibot namin. Bilang ako na lang ang gising, nagpausok ako gamit ang kuko ng baka at inilibot sa bakuran namin hanggang sa tumigil yung tumatalon sa bubong. The catch is, every time na humihina ang usok, bumabalik yung mga nagtatalunan sa roof at mas lalo pa silang lumalapit to the point na nasa roof na sila ng kwartong nasa likod ng kusina nila tita. Pumasok ako sa kusina at tinuloy ang panonood ng tv until mga around 1:30am ng November 2, nakadinig ako ng huni ng galit na baboy malapit sa kwarto sa likod bahay. Pero wala naman kaming baboy o mga kapitbahay namin. Mga 15 minutes rin siyang humuhuni so tinawag ko na si papa. Noong dumating si papa, nawala yung humuhuni at nagsabog na lang kami mg asin sa likod-bahay hanggang sa bubong. Niyaya na ako ni papa na matulog.
Around 3:00 am, according to ate Billy (Nipa ang bubong nila ate), nagising si ate dahil may nadinig siyang kaluskos sa bubong nila. Hanggang sa parang binubutas na, kapag pina-flashlight-an niya, tumitigil naman. Ang ginawa niya, is tinakpan na lang ng kumot yung kama ng kapatid niyang buntis. Mag-uumaga na noong nakatulog siya. Noong umaga na, nakita naming butas nga ang bubong at yung pumapasok na sikat ng araw ay sentro sa tyan ni Ate Jel.
PS: Matagal ng inaaswang si ate pero ito yung pinakamalalang atake.
ICE
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree