Nung bata pa ako (Mga 9 or 10 ako - 22 yrs old na ako ngayon), madalas kaming umuwi sa probinsya ng nanay ko. Nagsisimula sa letter B ang probinsya ng nanay ko. Halos tuwing weekend, umuuwi kami ni mama sa probinsya dahil nandun sila lolo at lola, pati na rin ang kapatid ni mama kasama ang anak niya. Nagpapagawa ng bagong bahay si mama nung time na yun, kaya sa isang kubo muna kami natutulog. Paminsan-minsan, doon kami natutulog ng mama ko sa tindahan sa harap ng pinapagawang bahay.
Isang normal na gabi, bumisita yung kaibigan ni mama kasama ang mga anak niya at naghapunan kami sa kubo. Pagkatapos nun, hinatid namin sila sa ibang bayan na medyo malayo na sa amin. After nun, umuwi na kami ni mama at natulog kasama sina lolo at lola sa kubo (Yung kubo namin may yerong bubong at kisame, wala siyang bintana kundi puro kawayan lang na maninipis na pinag cross cross na nagfform ng diamond shape). Nagising ako bigla (Hindi ko alam ang oras basta madilim pa) kasi biglang sobrang lakas ng hangin at umiiyak yung dalawang tuta nila lolo sa labas. Di naman ako natakot nung una pero pagtingin ko sa ulunan ko, may mahabang dila! Di ako natakot nung una. Kukunin ko na sana yung itak na nasa ulunan ko lang din, kaso natamaan ng siko ko yung sahig at nagcreate ng sound. So pagtingin ko ulit kung nasaan yung dila eh bigla nalang nawala. Nagtalukbong nalang ako at natulog nalang ulit pero WTF, biglang may parang gumagapang sa legs ko na medyo mabigat. Parang ahas pero alam ko dila pa rin yun ng aswang. Nanginginig ako sa takot at ginising ko si mama. Sabi ko may aswang pero wala naman daw siyang nakikita o naririnig. Pinaypayan niya ako habang kumakanta siya para makatulog ako pero pabalik balik yung ""dila"" na gumagapang sa hita ko. Nagpasya si mama na buksan nalang ang radyo para mawala ang takot ko at nakatulog naman ako.
Simula nung unang experience ko na yun, nagtuloy-tuloy na siya. Umuwi kami ulit sa probinsya para magdala ng mga paninda para sa tindahan namin, at dun na kami natulog ni mama sa tindahan. Nakatulog na ako ng mga 8pm pero nagising ako ng 9pm or 10pm, nakabukas pa ang tv at si mama tulog na sa tabi ko, naghihilik. Yung side ko sa bed eh yung parang grills na square. Basta yung bakal na harang na square-square. So yun, nagising ako diba, nakakarinig ako ng sobrang lakas na pagaspas ng pakpak. Naisip ko, bakit may aswang na eh ang aga pa? Di ba pwedeng mamaya na? Hahaha grabe na naman tibok ng puso ko. Pinakikiramdaman ko yung pagaspas. Malapit lang sa amin. Mga after 10 minutes, may narinig ako na parang pusa na tumalon sa bubong ng tindahan. Tapos parang nadudulas pa ito kasi naririnig ko yung kuko niya kumikiskis sa bubong. Naririnig ko rin na parang may tumutulong laway. Mga 5 minutes na ganun, tapos maririnig ko na naman yung pagaspas. Mauulit yung tulo ng laway sa yero (Alam niyo naman yung tunog kapag may pumapatak na tubig sa yero diba?).
Sa sobrang takot ko, ginising ko si mama at niyaya ko siya na matulog nalang kami sa loob ng bahay (Kahit di pa ito tapos gawin) dahil nandun naman sina lolo at lola. Tinawagan ni mama si lolo sa cellphone kasi ayokong lumabas ng kaming dalawa lang ni mama (Sobrang lapit lang ng bahay namin sa tindahan, mga 20 steps away). Nagising naman si lolo at sinabing may space pa sa kama nila.
Paglabas namin ni mama sa tindahan, nauna siya ng konti sakin maglakad papunta sa bahay. Napatingin ako sa bubong ng bahay... Lo and behold, nakita ko yung aswang. Manananggal siya kasi kalahati yung katawan. Napatakbo nalang ako sa takot, bumalik sa tindahan at nagsisigaw kay mama na may aswang sa bubong pero hindi siya naniwala sakin. Pero sinundan pa rin niya ako. Hinintay namin si lolo lumabas ng bahay para sunduin kami. Nakatulog na ko ng mahimbing sa gitna nila lolo at lola.
Tuwing uuwi kami ng probinsya, dinadalaw talaga ako ng aswang na yun. Hindi ko alam kung bakit. Di naman ako baby at lalong lalong hindi ako buntis diba kasi hello bata pa ko. Pati sa pag uwi namin sa Maynila, naffeel ko na nandun yung aswang dahil tuwing gabi, makakarinig na lang ako ng kakaibang ingay sa likod ng bahay namin tapos yung aso namin, tatahol ng tatahol. Maririnig ko yung yero sa bodega namin medyo kumakalampag. Isipin niyo, pati sa Maynila sinundan pa ko?
After 6 months siguro, nilagnat ako nung nandoon kami sa probinsya. Napag isipan ng lola ko na ipatawas ako. Nasa kapitbahay kami nun. May mga sumundo sa albularyo at sinimulan na akong itawas. Matandang babae yung albularyo. Nag init siya ng kutsilyo sa uling, at tinunaw ang puting kandila gamit yung mainit na kutsilyo sa tubig. Nagdasal siya, tapos hinipan niya ko (Buti nalang walang amoy hininga ni lola hahaha). Naghugis tao yung wax ng kandila. Sabi ni nanay albularyo, pinaglalaruan daw ako ng isang matandang lalaki. Di ko na maalala kung taga barrio ba namin yun or kung bakit niya yun ginagawa sa akin. After nun, nilagay ng albularyo yung candle wax sa isang puting panyo at ibinalot ito. Tinali niya yung panyo sa ulo ko at sabing wag ko muna daw tatanggalin yun hanggang kinabuksan. Sa wakas, nakatulog din ako nang mahimbing. Wala na ring aswang na gumambala sa akin.
Naisip ko lang din, baka kamag-anak namin yung aswang kasi may lahi kaming mga mangkukulam, baka pati aswang meron. Baka gusto akong maging tagapagmana, char hahaha.
Additional kwento para di na mabitin mga readers: Mahilig ako sa mga paranormal stuff since bata pa ko, at meron akong kaibigan na may third eye. Naging close kami at pati third eye ko nabuksan na rin bigla haha. Dami kong nakikitang multo noon, pero di ko na to pinansin kasi nawala na rin takot ko. Pati cellphone ko, punong puno ng ghost videos. Yung friend ko na may third eye yung kumukuha ng videos kaya kitang kita mo talaga, super creepy.
Flower Power
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorreurThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree