911, what's your emergency? 2

659 11 0
                                    


Yey maraming salamat sa admins. Eto na second part.

They can't be moved
Unang araw daw ng pasukan may natanggap si 'Trevor' kasamahan ni James na tawag. May isang bus daw ang bumangga sa isang malaking puno papuntang school, puro mga batang nasa pitong taon pababa yung sakay. Yung driver daw tumawag, nasusunog na daw yung pinaka dulong part ng bus at walang ibang tao sa paligid. Lahat sila that time nataranta, kasi naisip nila pano kung isa sa mga sakay e anak nila o kaya naman relative. Nung sinabi daw nung deputy tyaka firefighters na rumesponde na baka prank call lang daw, wala daw kasing bus na andun, tyaka maraming tao. Pero impossible daw kasi yung tawag andun mismo nila natrace. Dagdag pa yung mga mga sigaw ng mga batang dama mo kahit sa phone lang na nahihirapan. Sabi nung isa nyang kasamahan baka sound effects lang. Narinig daw yun nung driver. "Fck you man! Fck you all! Were being burned alive then what? Think that all of this is a joke fck you! You'll let this little angels to die like a barbecue for eternity? Fck you!" Nung sinabi nila yun sa head nila nung pagkatapos ng shift tinignan daw nito kung anong date nung araw na yun. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa yung head nila tas nagyayang uminom. "It's been ten years, still they can't moved on" Totoo daw na may nangyaring aksidente sa lugar na yun. Hindi daw nailigtas ang kahit isa kasi masyadong mabilis ang pagliyab hanggang sa sumabog ang school bus. Hindi naman daw makalabas yung mga sakay kasi bukod sa may grills yung mga bintana, yung part pa ng pinto yun ang bumangga sa may malaking puno, blocking their only way out. May emergency exit sana sa likod kaso dun naman nagsimula yung apoy. Sa tuwing sasapit yung anibersaryo ng aksidente, tatawag at tatawag daw yung driver, reliving their last moment alive.

He killed his mom and he liked it
Madaling araw. Inaantok silang lahat ng dahil sa isang tawag nabuhayan sila ng dugo. "I killed my mom" Proud na proud pa daw yung tono nung lalakeng kausap nya. "You...what?" "I killed my mom. Finally. I've plotted for this for years. I killed her and t'was the greatest feeling of all" Inalerto na nya yung mga pulis. Kinausap nya lang daw ng kinausap yung lalaki, kasi sabi pa nito kasama nito sa may living room yung kapatid nyang babae kagagaling lang sa prom. "Is she still breathing?" Tumawa ng tumawa yung lalaki. "How can she do that? Dalia's holding her heart. Officer can you breath without your heart?" Sanay sya sa maghandle ng mga prank calls pero never daw syang masasanay sa mga ganong sitwasyon na ang kausap mo baliw na tao na anytime pwedeng pumatay ulit. "Why did you kill her?" Gusto nya na sa kanya matuon yung atensyon nung lalaki hindi dun sa kapatid nya. "Coz she's a cunning wh*re. I didn't expect that she would taste so good, i thought she'll taste stale but no she's the best" Naalarma sya dun. Narinig nya na may umiiyak. "The best? You mean...." "Yes. She's my fourth" Timing na dumating na yung mga pulis. Hindi daw nanlaban yung lalaki, yung isa sa mga pulis nagsukasuka pa daw. Bakit? Kasi yung ibang laman loob nakakalat sa carpet, yung bituka nakakwintas pa sa lalaki. Kinasuhan yung lalaki, lalo at pinilit din nyang tumikim yung kapatid nya. Kaso imbes na sa kulungan, sa asylum sya napunta. May side line sya sa isang funeral home para mapadalhan ng pera kapatid nya, na-iimagine nyo? Ang sabi sabi, neglected child sila ng kapatid nya. Madalas nung mga bata sila hindi sila pinapakain ng nanay nila. Marunong syang gumawa ng mga traps, turo ng yumao nilang ama kaya nabubuhay sila ng kapatid nya sa mga huli nya sa gubat. Ayaw nilang magsumbong sa child service kasi ayaw nilang mahiwalay sa isa't isa. Kaya mula nung umalis sya sa kanila para mag-aral sa community college, nagplano na sya sa gagawin nya sa nanay nya. Ang sabi pa daw nya sa korte, nagclimax daw sya nung pumulandit yung dugo ng nanay nya sa mukha nya. Baliw, sobra. Ni ayaw na daw nyang kumain ng lutong pagkain. Yung kapatid nya, under observation din.

Robbery gone wrong
Kwento daw to ng head nila. Pinaka unang tawag na natanggap nya as an operator. May tumawag na lalaki na talagang takot na takot ang boses. Inamin nya na magnanakaw sila, sa isa sa mga bahay na natiktikan nilang wala ang may-ari. Andami nilang naloot na gamit at alahas nang biglang may marinig silang ungol ng hayop mula sa isa sa mga cabinet sa masters bedroom. Yung isa sa dalawang kasama nya lumapit at binuksan yun para lang maatake ng isang maliit na aso na tila walang balahibo. Ang lakas daw nun. Hindi nga daw nila makayang tanggalin yung pagkaka kagat nun sa kasama nila. "He's dead. And that thing killed him! That thing ate him!" Kadalasan daw kasi, yung mga nahuhuling nagnanakaw sa kanila, kung hindi shabu, ecstacty ang tinitira. Kaya sinabi na lang daw ni Mack na nagpapunta na ng deputy sa bahay na yun. "Please make it fast. We really don't know if how long the door can stand the force" Ang sabi, naglock yung tumawag at isa pa nyang kasama sa cr. Pero matapos lang ang halos tatlong minuto, the line went dead. Nung dumating yung deputy, nagpatawag sya ng ambulansya at back up. Patay na yung tatlong magnanakaw. Nung una inakala ng lahat na apat sila talaga at yung isa ang pumatay sa tatlo. Pero nang lumabas ang autopsy report ng tatlo, parang wild animal daw yung umatake at kumagat sa kanila. Wakwak ang leeg, ang tyan pati ang dibdib. Here's the catch guys, yung may-ari ng bahay na yun is filipino. Tinanong sya kung may alaga syang aso, sabi nung mga pulis hindi daw makasagot agad lalo nung pinarinig yung record ng tawag nung magnanakaw. Talagang may maririnig kang ungol ng hayop sa background. Biniro ko si James, kako baka yung sigbin yun kasi pinoy yung may-ari. Nagulat ako nung sumagot sya ng siguro nga yun din daw yung sinabi nung asawa nung head nila na filipina pala.

The Road runner
May motoristang tumawag nagpapanic base sa boses. Nalimutan ko na kung anong pangalan nung daan basta may route tyaka numbers. Magjowa sila na papauwi na galing sa company party, tapos yun nga tumawag sila kasi may nadaanan silang gustong sumakay. Yung lalaki, yung syota nung tumawag titigil sana kaso yung babae sabi nya wag. Kasi nasa passenger seat side ng bintana yung gustong makisakay. Kita nung babae na naka elevate yung paa nung tao sa kalsada. Pagkasabi nung babae nun yung syota nya pinaandar agad yung kotse, harurot kung harurot. Pero kaya sila napatawag ng wala sa oras dahil sa hinabol sila nun, sa bilis ng pagpapatakbo nila, nakaagapay yun kung ano mang nilalang yun. Nakabend pa ng patagilid na para bang sinisilip pa sila. "You okay? Having a good time?" Tanong pa daw nun. May nadaanan silang pulis na ewan ko kung anong tawag dun na nagchecheck ng bilis ng mga sasakyan. Nakihabol pa nga daw yun sa kanila, pinapatigil sila, takot daw yung lalaki na ibaba yung bintana nya kaya tinuro nya yung sa gilid nya. Ang ginawa daw nung pulis binuntutan na lang sila hanggang sa makarating sila sa kabihasnan. Yung nilalang naman bigla na lang natakbo sa gubat nung pinatunog na ng pulis yung sirena nya.

Salamat sa pagbabasa. Next time na lang ulit. Good night, sleep tight, dont let the bed bug bite.

Hunter

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon