Capiz

588 13 1
                                    


This is not my story. Experience ito ng family ng friend ko.

Yung family ng friend ko na si Baby Girl (yun nickname nya noong bata kami kasi bunso and only girls sya), Christians. Sobrang devoted sila kay God dumadayo pa sila sa iba't ibang church sa iba't ibang lugar. Bale yung father nya, Japanese tas yung mother nya Filipina at yung kuya nya na isa may bingot.

March 28, 2013
Pupunta sila ng probinsya (somewhere in Capiz) buong family nila. kasi ikakasal yung tita ni baby girl. Doon sila sumakay sa van nila kasama si kuya Ronald (driver). Nagpaalam pa nga sila samin at nag iwan ng susi.

Noong nasa biyahe na sila, nagtaka sila lahat kasi mag gagabi na parang paikot ikot lang sila, Kaya ang ginawa ni kuya Ronald, hinubad nya yung tshirt nya at binaligtad (pamahiin daw kasi yun kapag naliligaw). Pinilit nya sila baby girl na gayahin sya pero ayaw niila hindi kasi sila naniniwala sa mga ganun. Hanggang sa mag gabi na nga. Ligaw na ligaw na daw sila nun. Kinuha ni ate Rowena (nanay ni baby girl) yung cp nya para itext sana nanay ko at humingi ng tulong. Puro puno lang kasi nasa paligid nila as in walang kabahay bahay. Kaso walang signal. Pinagpasyahan nila na maghanap ng bahay dun para makituloy sila at magpaturo kinabukasan sa daan.

Halos isang oras na nagddrive si kuya Ronald pero parang wala silang patutunguhan. Hanggang sa makakita sila ng baryo dun. Gawa lang sa kahoy yung mga bahay. Walang kuryente. So kinapalan na nila mukha nila at tumuloy dun.

10pm
Sakto nman na may mga tao pa sa labas ng mga oras na yun kaya natuwa sila ate rowena.
kuya Ronald: magandang gabi ho, naliligaw ho kasi kami eh pwede ho bang makituloy sa inyo kahit ngayong gabi lang?
Ale: aba oo nman. Halikayo, pasok muna kayo sa loob namumutla na ata yung bata oh sobrang uhaw at gutom na siguro nyan. Marami talaga naliligaw dito hindi lang kayo ang unang nakituloy sa baryo namin.

So dun sila nakituloy sa barong barong na kung saan mag asawa lang yung nakatira. Natuwa sila kasi ang bait ng mga tao dun.

1 am na nang matapos sila kumain at makipag kwentuhan sa mag asawa. dalawa yung kwarto ng bahay so dun silang pamilya sa isang kwarto. Tulog na sila lahat pero si b.girl hindi pa makatulog. maarte kasi yun di sya makatulog pag walang aircon nangangati daw sya. Habang nagkakamot sya ng singit may narinig syang nag uusap sa labas at ang weird talaga ng pinag uusapan.

Kapitbahay1: 3 taon na rin ata noong huli tayo nkatanggap ng bisita noh?
Ale: oo nga eh. tagal dn ntin nag tiyaga s mga hayop dyan sa paligid.
Kapitbahay2: gigisingin ko na yung iba maya maya. mukhang masarap ang hapunan natin ngayon ah!
Ale: oo at sa dami nila, isang linggo tayong busog.

Kinabahan si baby girl sa narinig nya kaya ginising nya yung mama nya. Narinig din pala ng mama nya yung usapan, Umiiyak na si baby girl sa sobrang takot.. Ginising ni ate rowena yung pamilya nya at si kuya Ronald. Hindi nila malaman pano sila makakatakas..

Nakakita sila ng butas sa kwarto. (kasi manipis lang yung pader gawa lang sa pinagtagpi tagping kahoy). dahan dahan nilang tinungkab yung kahoy. Si kuya ronald at yung papa ni baby girl ang nagtulong tumungkab. Hanggang sa makagawa sila ng butas na magkakasya sila lahat.

Unang lumabas yung papa ni b.girl at siniguro munang walang tao. Buti na lang at nasa likod pala ng bahay ang lagusan ng butas na yun. Isa isa na silang lumabas at nang makalabas na sila, Kumaripas na sila lahat ng takbo papunta sa kalsada.

Iyak na sila ng iyak lahat sa sobrang takot dahil nakita ni ate rowena na may nakakita sa pagtakas nila. Imposibleng may dumaan na sasakyan sa kalsada na yun kaya nagpa-panic na sila. 3 mins silang nasa gilid ng kalsada hanggang sa may dumating na tricycle.

Nandilat ang mata nilang lahat at napa nganga nang makita nila yung driver... KAMUKHA NI JESUS. pati yung suot. naka whiite na npaka haba ng damit. mahahalata mong hindi mgsusuot ng ganun ang ordinaryong tri. driver.

D: sakay na kayo dalian nyo kung gusto nyo abutan ng umaga.

Sumakay na sila lahat. Nagkasya silang lima sa tricycle. 4am nang maihatid sila sa bayan. Pinasalamatan nila yung driver at inabutan ng 2k pero hndi nya ito tinanggap. Bigla na lamang to umalis.

Sumakay na sila ng bus pabalik ng Manila at nagdasal ng nagdasal buong biyahe. Hanggang sa makauwi sila dumeretso sila sa bahay namin. Nanginginig sila lahat sa takot. Hindi ko masabing imbento lang nila kasi lahat sila umiiyak at iisa ang kinukwento. Ang dami din galos ni baby girl sa katawan. Yung van nila hindi na nakita at wala na rin silang plano na balikan yun..

Until now kinikilabutan ako sa experience nila na yun. Napalapit din ako lalo kay God dahil nakaka inspire yung kwento nila.

Sorry po kung napakahaba. Worth it naman po basahin. Salamat po kung mapopost man ito at babasahin nyo.

Eye

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon