Apartment for Rent (Part 1)

456 7 0
                                    


Ishi-share ko lang yung experience ko na nangyari sa akin 2 years ago. Lumaki ako sa syudad ng Iligan, probinsya ng Lanao Del Norte, kaya naman lumaki ako na mapamahiin. Naniniwala ako na hindi lang tayo ang nag-eexist dito sa mundo gaya ng kapre, maligno, white lady, duwende, aswang at iba pa.

Hindi ko aakalain na sa Manila pa ako makakaranas ng isang pangyayari na hindi ko makakalimutan. Nangyari ang kwento na ito nung naghahanap kami ni Arthur ng bagong apartment. Ka-opisina ko si Arthur pero magka-iba kami ng account. Pang-umaga yung pasok ko habang pang-gabi naman sya. Nagwowork kami ni Arthur sa isang call center company sa may Libis. Nung rest day namin, napagpasyahan namin na maghanap ng apartment na malapit lang sa workplace namin. Mas economical din kasi kung dalawa kami maghahati sa rent.

Nagsimula na kaming mag-ikot ikot ni Arthur para maghanap ng apartment pero medyo nahirapan rin kami makapamili kasi either mahal yung rent or di kaya masyadong maliit para sa dalawang tao. Pagod na pagod na kami sa kakahanap at muntikan ng sumuko pero pinagpatuloy pa rin namin ang paglalakad. Bandang alas sais na ng hapon nang makakita kami ng karatula na may nakasulat na "Apartment for rent". Agad naming pinuntahan yung unit kung saan nakapaskil ang karatula at kumatok kami sa pintuan.

Bumukas ang pinto at matandang babae ang bumungad sa amin. Siguro nasa 60's or 70's na siguro ang tanda niya. Nakatingin sya amin at tinanong kung ano ang kailangan namin.

Ako: Magandang hapon po. Magtatanong lang po sana kami kung pwede matingnan yung apartment?

Lola: Ay oo iho. Sandali lang at kukunin ko ang susi nang makita nyo ang unit.

Mga tatlong minuto pa lang ang nakakalipas ay nakabalik na agad si lola na dala dala ang susi ng unit. Pagpasok namin sa loob ay natuwa kami ni Arthur sa aming nakita. Malawak ang sala, may dining area, malinis ang kusina, at malaki ang kwarto. Mukhang bagong renovate yung unit kasi nangangamoy pintura pa sya. Yung sahig ay gawa sa kahoy kaya medyo maingay pag naglalakad. Inikot ko ang unit at chineck ko yung kwarto habang nag-uusap si Arthur at Lola sa may sala.

Pumasok ako sa kwarto at tuwang tuwa ako kasi malaki sya, sabi ko "I'm sure marami akong malalagay na gamit dito". Nagpa-plano na ako kung saang part ng kwarto ilalagay yung kama, yung maliit na table at yung bookshelf ko. Habang iniikot ko yung paningin ko, agad kong napansin yung malaking cabinet. Gawa sa kahoy yung cabinet, at super laki nya na sa tingin ko ay kasya ang apat na tao sa loob. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, naka-sense agad ako ng negative vibes. Yung tipong parang kinakabahan ka na ewan, yung feeling mo may nakatingin sayo kahit wala naman.

Agad akong umalis sa kwarto at pinuntahan si Arthur na busy sa pakikipag-usap kay Lola. Nalaman ko na gusto ng kunin ni Arthur yung unit. Pumayag na rin ako kahit nagdadalawang isip ako dahil sa na-sense ko sa loob ng kwarto.

UNANG GABI.

Nag-aayos kami ng mga gamit ni Arthur nang bigla niyang nagsalita.

Arthur: Sa tingin mo okay na tong apartment natin? Sulit ba yung bayad natin?

Me: Oo naman. Ang laki nga ng unit eh tsaka malapit lang sa office.

Arthur: Sabagay. Di ka pa ba nagugutom? Tara punta muna tayo dun sa tindahan sa labas. Gusto ko magmeryenda at napagod ako sa kakaayos ng gamit natin. Hahaha.

Me: Oo nga eh. Andami pala nating gamit pareho.

Iniwan namin yung mga gamit namin na nakakalat sa sala at agad pumunta sa tindahan. Bumili ako ng dewberry na biscuit at mountain dew softdrinks habang si Arthur naman ay bumili ng chippy at coke. Pagkatapos namin magmeryenda ay agad na kaming bumalik sa apartment. Mahilig magjoke si Arthur kaya nagtatawanan kami habang pabalik sa unit. Binuksan ko yung pinto at nagulat kami sa aming nakita. Biglang napalitan ng katahimikan yung malakas naming tawanan. Yung mga gamit na iniwan namin sa sala ay nagkalat sa buong unit. Nagkalat yung ibang gamit na umabot pa hanggang sa kwarto namin kahit hindi pa naman kami naglagay ng kahit isang gamit sa loob ng kwarto.

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon