Bunso : Mixtape

378 4 0
                                    


""May uwi si nanay sa bahay...""

Ilang gabi na rin ang dumaan na hindi ko na nagagawang magbasa ng children's book. Ilang araw na rin ang nagdaan na ako na lang mag-isa sa bahay kung umuuwi ako. Ilang taon na rin ang lumipas.

Hindi madaling mabura sa isipan ang isang ala-ala na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng isang tao - para sakin iyon ang ala-ala ng gabing nawala ang bunso namin...

Kahit saang sulok ng aming bahay, naririnig namin ang masayang pagtawa ni bunso, nararamdaman ang makulit at magiliw nyang pakikitungo sa amin, ang maamo at magaan nyang yakap.

Kasagsagan noon ng pagkauso ng ""backmasking"". Yun yung kakalasin mo yung mixtape saka babaligtarin yung cassette sa loob at patutugtugin ito. Sabi nila may mga lihim na mensahe daw ang mga kanta, at maririnig mo lang ang mga iyon kapag ginawa mo ito.

Naisipan minsan ng aking kuya na magbackmask ng isa sa mga mixtapes nya (Umikot na ang mundo ng kuya ko sa mga mixtapes nya simula nung nangyari kay bunso). Habang ginagawa nya ito, isang linya mula sa pinakapaborito nyang kanta ang paulit-ulit nyang inaawit...

""I'm a creep, I'm a weirdo... I wish I was special, so very special...""

Maririnig mo sa kanyang boses ang kawalan ng emosyon ngunit labis akong binagabag ng hindi ko maipaliwanag na lungkot - sobrang bigat sa pakiramdam na tila kinukuyom ang aking puso. Kahit ngayon, kapag naaalala ko ang eksenang iyon, ay bumibagat pa rin ang pakiramdam ko.

Pagtapos ng ilang minuto, sinalang na nya sa player yung mixtape na binackmask nya. Ilang minuto din ang nagtagal na umiikot yung cassette at puro static noise lang ang naririnig namin. Patayo na ako nang biglang nagbago ang tunog ng mixtape.

Mula sa static noise isang tila ugong ang unti-unting umibabaw. Ugong na tila mula sa isang kulob na lugar. Dahan-dahan, unti-unting nagbabago ang tunog...

...
...
...
...
...
""Wag po...""
""Ayaw ko sama...""
""Kuya...""
...
...
...
...
...

Hindi malinaw pero iyon ang nabuo naming salita mula sa mga ugong. Ilang sandali pa, isang animo'y hagikhik ng bata ang bumasag sa noo'y kabado at lutang naming isipan (dahil sa narinig namin). Matining. Matalas. At tila tumutusok sa laman na nakakapanghina.

Napatingin ako kay kuya na biglang pinatay ang player dahil sa pagkabigla. Sinubukan kong hanapin ang paningin nya, ngunit sadyang hindi sya lumilingon sa direksyon ko. Nakapako ang tingin nya sa dating kinalalagyan ng aparador kung saan nakita si bunso.

(Malinis na ang kwarto na iyon, hindi na rin iyon pinatulugan sa amin nila nanay simula ng umuwi sila. Nagpupunta lang doon si kuya kapag gusto nyang kahit paano'y mapag-isa at makinig ng mixtapes nya).

Sa dating kinaroroonan ng aparador ay makikita ang ragdoll na ibinigay ni kuya kay bunso nung birthday nya (Tatlong araw bago namin sya nakita sa aparador).

Hindi man sakin nakatingin si kuya ngunit kitang-kita ko ang pag-agos ng luha nya. Walang salita. Walang ungol. Walang hikbi. Hindi ko natagalan ang eksenang yon kaya lumabas ako. Sa paglabas ko, muli kong narinig ang tinig ni kuya... ""Bunso, sorry na. Kantahan na lang kita .."" Sinubukan kong lapitan si kuya para sana yakapin sya nang biglang tumunog ang player... at muli naming narinig ng malinaw ang tinig ni bunso...

""May uwi si nanay sa bahay..."""

Burigadang Pada Sinaklang Bulawan

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon