Ang Kulto at mga Multo (Part 4)

182 4 0
                                    


Kumusta Ulit Spookify World?, Marahil marami sa inyo ang namangha at gustong maging Katulad namin, alam niyo kung kayo nasa kalagayan namin? kung ako lang ang tatanongin. Mas gugustohin ko pang maging kayo keysa maging ako. Oh siya tama na muna ang intro at Simulan na natin ang Bahagi nitong aking Totoong Kwento.
ilang araw ang Lumipas Mula nong Birthday ni mama, Meron na namang kumakalat na balibalita kaming Narinig na Kesyo May Gumagala daw na Bal-bal ( Parang aswang din or Urban Vampire ) Nong marinig namin ito ni buddy ay ayaw naming maniwala kasi ang Alam namin Mga Satanismo lang naman ang nanghahasik ng Kababalaghan, Kumbaga sila talaga ang Primary Suspect namin sa bawat Incidente at Accidente na nangyayari. Ngunit merong nagpapatunay nito na nakaUsap namin Na isang Nanay na Na kapitbahay lang din nila buddy. kasalukuyan daw siyang bumibili non ng Sardinas sa Tindahan nong gabing yun. At sa pag uwi daw niya may bigla daw Umatake sa kanya na isang nakakaTakot na Hitsura na Hindi niya Malaman kung Tao o Hayop, Nagpambuno daw sila kaya marami siyang kalmot sa mga braso, kamay, at leeg. Pinakita niya ito sa amin, Kaibigan kasi sila ni mama kaya pumasyal siya sa bahay.( actually isa talaga siya sa mga samahan ng mga Chismax sa kanilang lugar.) Habang nakikinig kami sa kanyang kwento Nanindig daw ang Balahibo nina partner at karla. Naging mataas ang kwentohan nila non mga related cases tungkol sa mga Aswang, Wak-wak, kik-kik, Bal-bal Mga Pangalan ng mga nilalang na paulit ulit bigkasin. Kumulat talaga ang Usap usapan na yon sa lugar dahil yong mga kabataan na dumadaan sa daan Ganun din ang pinagUusapan kesyo nagpapakita daw talaga ito at pumupunta pa sa mga kabahayan. Kaya nong isang Gabing yun Gusto namin mapatunayan mismo ni buddy kung totoo ba ang kumakalat na Balita. dinamay namin sina Moi at erwin na Magtambay sa Labas lang ng Bahay. Syempre Nakahanda pa rin kami ni buddy Baka ma encounter namin. 9pm Napaka Tahimik na ng Paligid Nakapatay na ng ilaw ang mga kabahayan. Nagpasya kaming maglakad lakad papunta sa may Centro nagbabasakali na may bukas pang Tindahan Para bumili ng Alak. NakaSalubong pa namin ang Pinsan nina buddy si Phil, Masasabi kong may Tension talaga na namamagitan sa amin noon. Tahimik kaming nagkasalubong Walang kibuan, Nong Medyo malayo layo na siya Sinigawan kami ng Loko na "Talawan" (duwag). Binalewala ko lang yun at ni buddy pero masyadong Mainit ang ulo ni Erwin at moi at sinigawan din nila ito "Sumbagay.!!" (suntokan). Nong makarating na kami sa Centro May mga Tindahan na Bukas kaya nakaBili kami ng Agua de pambuyong ( inoming nakakaLasing o alak, ). Pauwi na kami non at habang naglalakad kami Umihi muna si Moi sa may Tabi ng Daan, kami naman tuloy tuloy lang sa paglakad habang nagkkwentohan. At Bigla naming Narinig c moi na Sumisigaw Tila ba may kaaway ito. Paglingon namin kay moi, Nakahiga na siya sa tabi ng Daan at may pumapa ibabaw sa kanya. Maitim na mabalahibo, Parang Tao may pakpak. Kaya tinakbo namin para saklolohan si moi, Kinalmot kalmot at kinakagat yong mga braso niya at kamay, pilit pa kagatin nito ang Mukha ni moi. pero iniilag niya ang mukha niya at hinaharang ang mga kamay niya kaya ito ang kinakagat. Habang patakbo kami papunta kay moi Binato ni erwin yong dala niyang alak sa Umaatake kay Moi. At habang tumatakbo Kinuha ko na sa Bulsa ang Panyo na Kulay Green (yong ibinigay sa aking ng Matanda) Dinasalan ko ito ng Latin at ipinulopot ko sa aking kamay. Unang nakalapit si buddy at Niyakap nito ang Halimaw na umaatake kay moi. at sinundan ito ng Sipa ni erwin. Pumapalag ang Halimaw kaya nong ako na makaLapit Tumigil ito nakita ko ang Mukha niyang Mabalahibo Matatalim na pangil at Mapulang mata. Sa totoo lang parang kilala ko siya kahit nag iba ang hitsura niya. Ang alagad ng dilim ay may kakayahang magbagong anyo at kayang linlangin ang normal na tao, Pinapakita kasi nila ang Hitsurang nakakatakot para katakutan sila. Pagkalapit ko sa Halimaw na yon Ay binitawan ito ni Buddy kasi nanginginig ito, parang Giniginaw o nakukuryente ng tinitigan ko siya. kaya hinawakan ko siya ng aking kamay na may panyo. si Moi ay inaalalayan ni erwin na nawalan na ng malay, Para Hindi magHinala si Erwin sa nakita niya sa amin Ay nagpakawala ako ng Suntok sa Mukha nong Halimaw. Tumilapon ito sa may damohan sa gilid lang din ng daan. inalalayan naming tatlo si moi dahil sa mga sugat nito. nong matanaw namin ang isang bahay na may nakaParadang Tricycle. ay Humingi kami ng Tulong sa kanila kahit alam namin na nadidisturbo sila sa pagtulog. Emergency na kasi. Buti nalang at pumayag yong may ari ng Tricycle na ihatid kami sa hospital. Yong Hospital malapit lang sa Municipyo. Agad na nilagyan ng Dextrose si moi at nilapatan ng mga gamot yong Sugat niya. Tinatanong kami ng Doctor at Nurse kung anong nangyari, nagsinungaling kami na Nadisgrasya sa Motor. Wala pa ring malay si moi at bakas na sa amin ang pag aalala. Nong Umuwi yong Tricycle driver ay sumama na si erwin para umuwi rin at ipaalam kina mama ang nangyari kay moi. ako at si buddy ang nasa hospital naiwan para bantayan si moi. NaiConfine talaga c moi non sa Hospital, Lumabas muna ako ng Hospital para mag yosi at hintayin na rin sina mama na Dumating. Habang Lumabas ako ay may dumating din na isang Pasyente, Sakay ito ng Van. Nong inilabas ito ay Nagulat ako sa nakita ko, Dahil ang Pasyenteng Dumating ay Ang Pinsan nila ni Buddy na si Phil. Wala itong malay Hubot Hubad, at hindi na Humihinga. Natataranta ang mga Nurse at Wardman na dalhin ito sa Emergency room. Nilapitan ko yong Driver at tinanong ko ano nangyari dun, "Pumara sa akin yan sa gitna ng daan, kaya huminto ako. nagulat nga ako dahil walang Soot, akala ko baliw pero nanginginig siya kanina at parang hindi siya makahinga." Sabi sa akin nong Driver na nagdala kay Phil sa Hospital. Napaisip na ako ng malalim at naghinala na, MayaMaya pa Lumabas yong Doctor na lalaki at umiiling iling ito. may isang Watcher dun na osyosero nagtanong kung anu kalagayan nong nasa emergency at narinig ko ang sinagot ng Doctor na Dead on arrival. Saktong Dumating din sina mama, karla, tina, erwin at partner na busy sa celpone na may kinakausap. lumapit silang lahat sa akin at tinatanong asan c moi, itinuro ko kaagad ang room ni moi kung saan andun si buddy ang nagbabantay. tinatanong ako ni partner kung anu ba talaga ang nangyari, kausap niya kasi sa celphone niya ang kapatid niyang asawa ni moi na c des. Nasa iligan kasi ito nagttrabaho at pinaalam ni partner sa kanya ang nangyari kay Moi.
Abangan ang susunod na Parte ng kwento dahil mas lalong lumalala ang kababalaghan na nangyayari. kahit nasa Hospital kami Andami naming natuklasan na dapat niyong abangan. mahaba na kasi ito, Salamat sa inyong Pagsusubay sa kwento mula Umpisa kong Pag share at hanggang ngayon Nakakasunod pa rin talaga kayo. at para naman dun sa mga Hindi naintindihan ang takbo ng kwento at sa inyong mga Tanong. Basahin niyo mula Umpisa Andun lahat ang Kasagutan. God Bless sa Ating Lahat,
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon