Di ko inexpect na magugustuhan nyo yung story ko. At dahil marami ang nagrequest ng part 2. Heto na po sya. Na-realize ko pala na hindi ako napakilala ng sarili ko sa unang part.
I'm Jickain, Male, 24 years old, medyo maputi at cute. Hahaha. I want to tell you guys na yung naging experience ko sa apartment ay never ko talaga inexpect na mangyayari sa akin. Although naniniwala ako sa existence ng mga multo at lamang lupa, never ko naman pinangarap na magkaroon ng first-hand experience. Akala ko nakakatakot na yung encounter ko sa batang ghost pero meron pa palang iba.
I just want to let you know na yung sumunod na nangyari sa akin ay based po sa experience ko at kung ano po yung pagkaka-alala ko sa mga nangyari. I'm not expecting naman anyone to believe me kasi kahit ako mismo ay hindi ako makapaniwala na nangyari ang lahat nang ito sa akin. Pilit ko ng binabaon sa limot tong experience na to pero di ko maiwasan na maalala pa rin to. As much as possible ayaw ko ng ikwento to kasi bumabalik yung takot at kaba ko. So here it is guys.
Kinabukasan, nakita ko yung bola sa may paanan ko. Dahil umaga na, nagkaroon ako ng lakas ng loob na kunin yung bola. Tiningnan ko ito ng mabuti. Habang chine-check ko ito ay may napansin akong nakasulat sa bola, "I love you bunso. Mahal na mahal ka ni mama". Instead na matakot ay parang may kumurot sa puso ko. Basta hindi ko ma-explain.
Nilagay ko ang bola sa isang sulok at agad na lumabas ng kwarto. Nag-umpisa na rin akong maghanda ng almusal habang hinihintay yung pagdating ni Arthur. Kailangan malaman ni Arthur yung mga kababalaghan na nangyayari sa bahay. Busy ako sa pagtitimpla ng kape ng biglang bumukas yung front door, nakangiti akong binati ni Arthur.
Arthur: "Good morning!. Bakit andito ka pa sa bahay? Wala ka bang pasok today?"
Me: "Hindi muna ako papasok ngayon sa work. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi"
Arthur: 'Huh bakit naman?"
Me: "Mag-almusal ka na dito at ikukuwento ko sayo"Habang nag-aalmusal kami ay sinabi ko ang lahat ng nagyari sa akin kagabi. Hindi nagsasalita si Arthur at taimtim lang siyang nakikinig sa lahat ng sinasabi ko. Nakikita ko sa mga mata niya na naba-bother din sya. Alam ko sa sarili ko na may hindi siya sinasabi sa akin.
Me: Lumipat nalang kaya tayo ng ibang apartment? Baka mamatay na ako sa takot o di kaya ay mabaliw na. Hindi ka ba natatakot? Wala ka bang nararamdaman dito sa bahay?
Hindi kumikibo si Arthur. Iniikot ikot niya lang yung kutsara sa baso ng kape at tila ay nag-iisip. Tinapik ko sya at para syang natauhan.
Me: Huy! Nakikinig ka ba sa akin?
Arthur: Oo, nakikinig ako sayo.
Me: Eh bat parang wala kang reaksyon?
Arthur: May sasabihin ako sayo pero promise wag kang matatakot.Kinakabahan ako sa sasabihin niyapero nilakasan ko nalang yung loob ko. Dito na inamin sa akin ni Arthur na meron syang third eye. Nakakakita sya ng mga multo, engkanto, demonyo at iba pa. Sabi niya sa akin, kaya niya kinuha yung unit kasi nga daw mura lang at malaki pa. Pero hindi niya alam na merong something sa apartment na yun kasi hindi naman daw niya napasok yung kwarto bago kami nagkabayaran dun sa landlady. Nung panahon na yun, ako lang ang pumasok sa kwarto habang busy sa pag-uusap yung matanda at si Arthur sa sala, kaya hindi sya nagkaroon ng chance na i-check yung kwarto.
Sinabi nya na mayroong nilalang na nagkokontrol sa mga multo na naninirahan sa apartment. Malakas daw ang nilalang na ito at yung presence niya daw ay ang nagdadala ng mas marami pang entity sa bahay namin. Para bang ini-invite niya ang ibang entities na pumunta sa bahay namin. Sinabi niya na yung batang nakikita ko sa sala ay hindi daw dating nakatira sa apartment at wala syang kinalaman sa apartment. Parang na-attract lang daw ito na dumaan sa apartment namin dahil sa negative energy na nanggaling dito sa unit namin. Ihanda ko daw yung sarili ko at marami pa daw akong makikita at hindi lang yung bata.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree