So ako ulit to, Yamada huhu ang hirap magtype sa phone. Linawin ko lang po 2013 nung umuwi kami sa romblon, same year nung namatay si Mama. Eto na nga, after nung pangyayaring yun sa akin at kay ate Rowena e nag-iba takbo ng buhay namin. Ako, Maira, Era, ate Maricel, Karla at Aurora na lang ang natira sa bahay. Umalis na si Auntie Rem dahil ayaw niya madamay pati yung ampon niya. No choice. Pero seryoso dahil dun sa nangyari naging close kami kahit papaano ni ate Maricel. Dahil din sa ginawa ni ate e may sumiklab na hidwaan mula sa aming magkakapatid sa pamilya ni Auntie Amy. Napag-alaman din namin mangkukulam si Lily. Pero sinikap naming anim na itikom ang bibig kay ate Rowena lalong lalo na kay Pring na si Auntie Amy ang dahilan sa pagkamatay ni Mama.
9pm June 13, 2014. Full moon. Magkakasama kami sa bahay. Nag iisa akong lalaki kaya ako lang ang nakahiwalay sa mga kapatid ko. Pag ganitong panahon sobrang active ang third eye ko. Ang manifestation ng third eye ko kapag full moon ay ganito. Kapag nakapikit ako at nakapatay ang ilaw para pa rin akong nakadilat. Nakuha niyo? Haha ang hirap ipaliwanag pashnea. Pag nakapikit ako, nakikita ko pa rin yung nasa paligid ko. Ano gets na? Hahaha sorry. Pag nakabukas to, kitang kita at malinaw pa sa music ng Paramore ang patak ng tubig. Yung mga insekto, gaya ng langaw, lamok, Assassidae, vampire bug, pati yung mga langgam kitang kita ko. Pero siyempre hindi nakakaligtas yung mga nilalang na di nakikita ng mga normal na tao. Madalas palagi duwende, anino na hugis tao, yung sigbin ni Karla. Bangungot nakakita na ko. Kaya kapag lumipat kayo ng bahay at binangungot kayo, mga pre may iba pa kayong kasama. Pero mga Kapre, Tikbalang at kung ano ano pa so far wala naman akong nakikita.
Iba yung pakiramdam ko nung gabing yun. Nakatayo lahat ng balahibo ko. Kaya tinawag ko sila ate kasi parang pakiramdam ko may kumukulam na naman sa akin. Bumaba kami at kumuha si ate Maricel ng timbang may tubig at kandila. Pinatak yung langis na galing kay Auntie Rem. Pero sila ate Era at Maira e nagsimula na namang maghalungkat sa mga gamit ko. Nung mga oras na yon, nakatapat ako sa pasimano na may salamin. Kaya malamang may reflection ako. Kasama ko si Au at Karla. Hinihimas pa ang buhok ko na parang tuta. Tapos biglang nagsalita si Karla ""Kuya pumuputla ang mukha mo oh"" Tinignan ko yung mukha ko sa salamin. Ang putla. Parang nakita ko na ang itsura ko kapag nalunod. Pero sabi ni Au, hindi naman maputla ang mismong balat ko, yung reflection ko lang sa salamin. Hala ano to? Anong itim na mahika ang kayang imodify ang properties ng incident ray at angle of incidence pati na rin ang reflective ray at angle of reflection. Pero joke lang. Seryoso kong tinignan ang pagmumukha kong mukhang espasol sa puti sa salamin.
Pero maya maya yung galaw ko ay taliwas na sa galaw ng reflection ko. Bumaba sila Era at Maira dahil wala naman silang nakuhang black pearl sa kwarto ko. Hindi ko na kinaya ang mga sumunod na nangyari. Nakaupo ako sa harap ng salamin. Pero yung reflection ko nakatayo. Nakangiti sa amin. Matatalim na ngipin. Mistula akong aswang sa reflection ko. Di ako makakilos. Yung paghinga ko de-bilang. Yung pawis ko butil butil. Tapos nagsalita yung reflection ko. ""Kamusta mga bata, ako to si Auntie Amy niyo."" Tapos tumingin siya kay Era at Aurora. ""Hindi ako natatakot sa itim na dwende niyo mga bata, may mas malakas akong pangtatapat sa inyo."" Tapos ngumiti ulit at bumigkas ng walang boses "" P U L A "". Pagtapos nun, bigla akong nanghina. Sabi ni ate Maricel umuusok daw ako nung mga oras na iyon. Para may nag eevaporate mula sa loob ko. Sabi naman ni Era, sinapian ako ni Auntie Amy sa pamamagitan ng dwende. Sabi rin ni Era na kapag full moon, vulnerable ang katawan ko dahil nagiging prone ako sa iba't ibang entity mas malala kung matake over ang katawan ko.
Dahil sa nangyari nung gabing yun, pinaalalahanan kami ni Auntie Rem na magdoble, hindi pala, magtriple per triple kaming mag-ingat. Isang beses papasok kami ng eskwelahan ni Au at Karla, may nasalubong kaming magtataho sa kanto na malapit lang din sa bahay. Siyempre pang almusal kami naman sige bili. Pagtapos kong ubusin yung taho, si Aurora biglang sumama ang pakiramdam, biglang hilo siya e. Pero si Karla okay naman. Pero si Au, iba biglang namutla na parang na e lbm. Kaya bago kami sumakay ng trike, hinatid namin pabalik si Au sa bahay. Tumuloy pa rin kaming dalawa ni Karla pumasok. Pero mga hapon alas tres, tumawag si Era, pinapauwi ako. Emergency. Siyempre iba na pakiramdam ko lalo na sa mga mangyayayari sa amin. Pagdating ko sa amin nasa pintuan pa lang ako sinalubong na ko ni ate Maricel. Pagpasok ko ng bahay si Karla putlang putla. Kasing putla ng reflection ko. Tapos yung isa niyang sigbin parang nanghihina. Nakahiga sa lap niya tapos humuhuni na parang umiiyak. Pero yung isa okay naman.
Umakyat ako sa taas para tignan si Au. Pagpasok ko nandoon silang dalawa ni Era. Si Au? nakalutang sa higaan niya. Isang dangkal ang pagitan niya sa kutson. Wala siyang malay pero alam kong buhay siya. Pag hinawakan mo siya lulubog sobra yung daliri mo sa balat niya. Para siyang nababad sa tubig o para na siyang tubig. Iniisip ko baka may black pearl na hinalo dun sa taho. Kasi kung ganon. Wala. Wala kaming magagawa para alisin yung kulam. Tapos biglang sumigaw si Karla sa ibaba. Tumakbo kami pababa para tignan siya, yung paa ni Karla nabubulok. Tapos isa niyang sigbin na kanina lang e nanghihina e mukhang patay na. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi naman pwedeng umiyak lang ako. Kalalaki kong tao, masumpungan ako sa kahinaan. Pero wala. Dumaan ang araw at buwan. Di na nakapasok si Karla at Au dahil nananatili sila sa ganong kalagayan. Pati ako nawalan ng gana pumasok kaya nagstop muna ko. Wala pa ring alam si ate Rowena at tatay sa nangyayari sa bahay.
Dito ko nakilala si Shiraishi (Oha ano kayo ngayon). Active siya sa religion nila e. Ewan ko noon. Kasi lagi niya kong pinupuntahan sa bahay namin para yayain sa doktrina ganon. Pero hindi ako sumasama. Tago there tago here. Puro dahilan. Di ko naman alam na isa siya sa makakatulong sa problema ko. Yun nga. Isang beses lumambot ang puso ko joke. De, maganda rin kasi siya. Kaya sino ba naman ako para tumanggi hahaha. Dumalo ako ganon. Pero hindi palagi. Hanggang sa nalaman niya yung problema ko. Yung kwento ng pamilya namin. Yung kalagayan ng dalawa kong kapatid at yung sa iba pa. Basta. Yun na yun. Pinanalangin pa nila ko non e. Tapos sabi sakin na magpray daw ako ng pangsarili doon sa mismong place ng sambahan nila. Kaya ako ayun. Triny ko.
Di ko naman akalain na kapag magpapray sa loob ng sambahan nila noon e literal na mag isa ka lang. Pashnea ang dilim kaya. Eh di ayun bahag ang buntot kong umupo sa pangatlo sa huling hanay na upuan. Pumikit. Muni muni. Nanalangin. Nag emote. Tumawag sa Kaniya. Sa buong buhay ko noon ko lang na naramdaman na gumaan lahat ng dala ko. Habang isa isa kong sinasabi ang mga problema ko. Habang nasa kalagitnaan ako ng nirvana (Basta enlightened na enlightened ako ng oras na yon) bigla akong nakarinig ng naglalakad sa magkabilang bahagi ng hanay ng mga upuan. Sabi ko ayos may makakasama ako. Yung isa mukhang dumiretso banda sa harap ko. Yung isa naman medyo malapit sa akin. Eto na. Biglang tayo mga balahibo ko. Yung medyo malapit sa akin biglang naglabas ng kendi tapos parang binuksan. Maririnig mo yun sobra dahil sa katahimikan nung lugar nila. Alam niyo yung tunog ng nilulukot na plastic ng junkfood? Ganun yun. Tapos yung tunog palapit ng palapit papunta sa tenga ko. P*t*ng*n* hindi tao tong katabi ko. Tapos biglang nagsalita na garalgal ""Bakit di mo kasi tawagan si Rowena para okay na."" P*t*ng*n* ayoko na talaga. Gusto ko na umalis pero parang nagpapatalo lang ako sa takot kaya tinuloy ko lang ang panalangin ko kahit na ang lamig na ng pawis ko.
Tapos hanep na ikatlong mata biglang bumukas. Alam mo yung nakapikit ka tapos biglang lights on. Okay. May pakisama rin e no. Yung katabi ko di ko maaninag dahil masyado siyang malapit sa akin. Parang inaamoy niya ang mukha ko. Habang paulit ulit niyang binubulong sa akin ""Tawagan mo na si Rowena, tawagan mo na ate mo. Tawagan mo na, dali, tawagan mo na!"" Yung nasa harapan ko na parang hugis babae biglang humawak sa sandalan at tumalon sa harap ko. ""Si Pring na lang! Gumanti kayo, dali gusto ko makita"" ""Pahirapan niyo si auntie niyo dali!"" Kung tatanungin niyo ko kung natatakot ako. Malamang. Ikaw ba naman ang mapaligiran ng dalawang impakto e. Pero nung oras na yon kahit gusto ko ng tumayo at tumakbo sa takot, pinagpatuloy ko lang ang paglapit ko sa ""Kanya"". MakaDiyos ako kunwari. Pero seryoso ang holy holy ko nung oras na yon. Nakakaproud. Pero nandoon pa rin yung dalawang maligno na pinagitnaan ako at ginugulo ang pagkakaupo. Tapos, bigla parang may humawak sa balikat ko tapos narinig ko ang boses ni mama. ""Nak"" sabi niya. Ewan bigla akong napa amen at napadilat. Di ko napansin na puro luha na pala ang mata ko sa kakaiyak.
Yamada
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree