"Third anniversary namin nun. Umaga pa lang magka-text na kami na magkikita kami sa meeting place namin sa lovers' lane then we decided na sa canteen nalang namin ice-celebrate kasi busy kami that time. Finals na kasi. Busy siya sa pag gawa ng plates, busy ako sa pag rereview.
Mga 11. Magka-text kami. Malapit na daw siya. Hanggang sa hindi nalang nag reply. Tinatawagan ko pero hindi na sumasagot sa phone. One hour na akong naghihintay sa kanya, wala parin siya.
Another one hour ang lumipas saka lang dumating. Umupo pa siya sa tabi ko. Binati ako ng happy anniversary at hinalikan ako sa pisngi. Pero nung yayayain ko na siyang kumain sa canteen sabi niya hindi na daw siya makakasama kasi may naghihintay na sa kanya. Dumating lang siya para batiin ako. Then when I turned my head at him bigla nalang siyang nawala.
Nagalit ako sa kanya kasi ang tagal kong nag hintay tapos bigla nalang niya akong iiwanan ng ganun. Tinext ko siya ng raging message. Tinadtad ko siya pero hindi man lang nag rereply. Inis na inis ako sa kanya nun. Natapos na classes ko, nakauwi na ako pero hindi pa rin siya nag rereply. So I texted him again ""may problema ba tayo?"" As expected, no response. Sa sobrang inis ko, inoff ko yung phone ko para kung tatawag man siya hindi niya ako mako-contact. Nakatulog ako. Kinabukasan inopen ko yung phone ko.
I receive 20 messages from his number and from unknown numbers. Iisa ang sinasabi. PATAY NA DAW ANG BOYFRIEND KO. Hindi ako naniwala. Tinawagan ko yung phone niya. Papa niya ang nakasagot. Pinapunta ako sa bahay nila, naka burol na daw dun kagabi pa.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Denial ako. Sobrang denial. Hindi parin ako naniwala hangga't hindi ko nakikita. Pero pag dating ko dun. Wala na nga talaga. Ayaw ko pa siyang lapitan nung una. Hindi ko kaya. T*ng*n* hindi ko kayang makitang wala ng buhay ang taong mahal ko. Ang sakit sakit. Sobra. Parang gusto kong sumunod. Parang gusto kong saksakin nalang din ang sarili ko makasama ko lang siya ulit.
Pero ang mas nagpaiyak sakin ay nung malaman kong naaksidente siya oras bago kami nagkita.
Alam kong mahirap paniwalaan dahil kahit ako, hindi ako makapaniwala. NA KAHIT WALA NA SIYA, pumunta parin siya sakin para batiin ako ng ""Happy Anniversary"" at ang sinabi niyang,
""""HINDI NA AKO MAKAKASAMA KASI MAY NAGHIHINTAY NA SA AKIN""""
Lalo akong nadurog ng maalala ko ang mga huling salita niya. "
Left behind
Quezon City
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree