Heto na mga Kaibigan,
Kumusta lahat ng Nag aabang sa Story ko dito sa Spookify...? Simulan na natin para pambawi lang sa matagal kong pag Update...Itinuloy nga ni Tito Bem ang Pagpapatiwakal niya sa pamamagitan ng Pagtalon niya sa Tulay. Nasaksihan namin mismo ni Buddy ang incendenteng yun, lalo na yong parang may kakaiba sa hitsura niya (mistulang nasaniban ng Demonyo). At ang nakakapagtaka ay Nandoon din si Totax, Tila nang Aasar pa sa amin ni Buddy. Nong inireport namin ang nangyari sa mga Otoridad ay agad na nagsagawa ng Search and Rescue Operation para kay Tito Bem. Umabot ng Apat na Oras sa paghahanap, Bigo lahat na matagpuan ang Katawan ni Tito Bem, kaya Pansamantalang itinigil muna ng mga Rescuer ang paghahanap.(Fast Forward)Umuwi na muna kami ni Buddy sa Bahay ko, para makapagpahinga muna kami. at saka na ako babalik doon sa Lamay ni Tita Gina kapag nakabawi na ako sa Pagod. Pero itong si Buddy Hindi na nagpahinga, Umalis siya para e follow up niya yong Sadya niya talaga dito sa Cagayan de oro na pag a Apply niya ng Trabaho. kaya naiwan akong nagpapahinga sa bahay nong umagang yun. Tanghali na ako nagising kasi kakaiba ang pakiramdam ko, kala ko nilalagnat ako nong una. kaya bumangon ako sa higaan ko at pumunta sa kusina. Uminom ako ng malamig na tubig, at dahil parang Hapong hapo pa yong katawan ko balak ko sana na sa Sofa sa sala na ako hihiga. Pero laking Gulat ko ng makita kong May kakaibang nilalang na naka upo sa Sala. Malaking Katawan na maUgat ugat ang kanyang balat, May Mahabang Buntot at yong Sungay niya ay Parang hinawi papuntang likod. Yong mata niya ay maihahalintulad sa mata ng Buwaya. Hindi ako nakagalaw nong Makita ko itong nilalang na ito mismo sa sala ng Bahay ko, Unang Beses ko makakita ng Ganun klaseng Nilalang sa loob pa ng aking pamamahay.. Tumayo Ito at Humakbang Papalapit sa akin, Hindi naman ako natakot at tinitigan ko lang siya hanggang sa nagbago ang kanyang anyo. Ang hitsurang kanina ay Demonyo ay naging si Totax. "Sabi ko na nga ba ikaw yan Traydor..! Ano na naman sadya mo sa akin? dito ka pa talaga pumasok sa bahay ko, lakas talaga ng loob mo..." Sabi ko kay Totax na pangisi ngisi lang. "Huwag ka magalit sa akin kapatid, Hindi ako naparito para manggulo sayo... May kailangan ka kasing Malaman Tungkol sa mga nangyayari sa kamag anak mo. Alam ko kasi na ako ang sinisisi mo sa Sinapit ng buhay nila.... Tama ba ako kapatid?" Bumalik si Totax sa Upoan at Umupo.. "Demonyo...! sino pa ba sisisihin ko..? simula lang naman nong magpakita ka sa akin. nagsimula din ang mga trahedya na yun sa familya ng Tita ko. Idadamay mo pa nga sana si Buddy di ba?... Sagad na ang galit ko sayo Totax, Patong patong na ang Atraso mo... Kung hindi lang talaga ako binalaan ng Maestro, magkaka engkwentro talaga tayo. at wala akong paki alam kung Naging Puting Tupa ka pa Dati...." sabi ko kay Totax na seryosong nakatingin sa akin. "Maupo ka muna kapatid, bahay mo to. Sabi ko naman sayo na andito ako para Sabihin sayo ang mga Hindi mo pa nalalaman..." Sumandal siya pagkakaupo na parang relax na relax ang Traydor na si Totax. Umupo ako sa upoan na nasa Harap niya, inisip ko nong mga oras na yun na kunin ang saliko ko na nasa Kwarto pero. "Alam ko ang iniisip mo kapatid, di mo na kailangan kunin ang Sandata ng Pagiging Puting Tupa mo... Sinabi ko na sayong hindi Digmaan ang pinunta ko dito. kaya wala kang dapat ipag aalala, bigyan mo lang ako ng oras na mapakingan..." may kinuha siya sa gilid ng bulsa niya. isang papel na naka tupi, ibinuklat niya ito sa Harapan ko. Tiningnan ko maigi ang Mga nakasulat sa papel na ipinakita ni Totax. Hindi ito isang Ordinaryong papel lang, Parang tela na parang papel, ewan ko basta Hindi talaga siya Ordinaryong bagay lang. May nakasulat na mga Letra na ang lengwahe ay Latin at Petsa ng araw at Taon. at sa ibaba ay may logo ng isang Pentagon. May marka din dito ng Dugo. "Hindi mo alam to? Syempre ngayon ka pa lang nakakakita ng Ganito kapatid, Ito ay katibayan sa Dapat mong Malaman. Bago pa man kita nakilala ay kilala ko na ang Tita Gina mo. Sa Hirap ng Buhay na Dinanas nila, mga Kamalasan na sunod sunod. Yong asawa niyang si Bem na Nag abroad pero Di pinalad dahil sa Nakapag amo ng Malupit at di sineweldohan ng Maayos, kaya napaUwi sa pinas na walang Na ipon. Yong Tita gina mo nag business pero Bumagsak din sa dami ng Utang kaya Nalugmok sila sa Kahirapan, Sinabayan pa ng pagkakasakit niya. Hanggang sa isang Gabi Gumawa ng Ritwal ang Tita Gina mo, dahil may nakapag Advice sa kanya na gawin ito... Tinawag niya Ang Kadiliman sa madaling salita. Maging Si Lucifer. Nag Alay siya ng Buhay na Itim na kambing... Syempre Dininig ito ng Panginoon namin, nakipag kasundo ang Tita Gina mo sa Kadiliman Kapalit ng Masaganang Buhay... at Buhay niya at ng Kanyang Sariling pamilya... Nilagdaan niya ang kasulatan na ito.(itinaas yong papel na parang tela na may markang dugo). Kaya Naging masarap, at Masagana ang Pamumuhay nila. Umusbong muli ang Business ng Tita Gina mo, nakapundar sila ng sasakyan, maraming Pera sa Bangko lahat ng Luho ng mga anak at Luho niya ay Natutupad., Nakapagtrabaho muli yong Asawa niya na Si Bem at Malaki ang Kita sa Abroad. ngunit dahil nga sa Nangaling ito sa kadiliman ang lahat ng Tinatamasa nilang kaginhawaan sa buhay...Baon na baon naman ang mga kaluluwa nila sa Kamay ng Aming Panginoon... Hanggang sa Dumating na Ang Panahon para singilin ang Tita Gina mo, kaugnay ng napagkasunduan at kanyang Nilagdaan... Pero Tila di siya sumunod sa usapan, Lumapit siya sa isang Pari at nagkumpisal at nagpabasbas... Kaya nagalit ang Aming Panginoon, Pinatawan muli sila ng Kamalasan una yong Asawa niyang Si Bem, Tinangal ito sa trabaho dahil sa Sinagot sagot niya ang Amo niya, . kaya napauwi uli ito sa pinas... Akala ng Tita mo na Maiisahan niya ang Kadiliman sa Ginawa niya. Doon siya nagkamali, Dahil Bawat oras,Minuto, Sigundo ng Buhay niya ay Nakamasid ang mga Alagad ng Dilim. Kaya nong Malaman ko na May isa pala siyang Pamangkin na Puting Tupa.... at ikaw yun..! agad akong Itinalaga ng Panginoon, namin na manmanan ka dahil baka mapigilan mo ang Nakatakda na para sa Tita Gina mo. Dahil Kailangan niyang Bayaran ang Kanyang Inutang mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman. Kaya nong Makita kita, Humanap ako ng Paraan.at Tiempo na si Buddy ay Nasa Byahi. Alam kong Hindi mo kayang Isakripisyo ang Mga Malalapit sayo at lalo na ang Tulad mong Puting Tupa. Kaya umayon ang Lahat sa plano ko... Pinili mong iligtas si Buddy, Kasi Hindi mo naman alam kong sinong Kamag anak mo ang Nasa Panganib..." Tawa ng Tawa si Totax na Isinisiwalat ito sa harap ko. "Napakasama Niyo..!. Kaya pala iba talaga ang mga nangyayari nong mga Araw na yun. Dinala mo pa talaga ako sa Bus Ni Buddy para siguradohin na si Buddy ang maililigtas ko... Lahat ng nangyayari ay planado mo...! Tandaan mo to...Magbabayad ka sa Diyos Ama sa Paglalaro mo sa Buhay ng Tao..." Nakakuyom ang mga kamay ko at salubong na ang kilay at nagkiskisan na ang mga Ngipin ko sa Narinig ko mula kay Totax. "Teka lang Kapatid, Hindi namin kasalanan to... Yong Tita Gina mo ang Unang Nagtawag sa amin, siya ang nangailangan sa amin kaya amin na rin siyang Pinagbigyan. Dahil sa hindi kayang ibigay ng Diyos niyo ang Kaligayahan ng Kanyang nilikha ay kami ang Nagbibigay ng Kanyang Pagkukulang.. Hindi ka ba namamangha sa Kadiliman.? kahit na sa Gitna ng paniniwalang kasamaan lang ang aming dulot sa sangkatauhan, ay nakakatulong kami sa mga pinabayaan na ng inyong Diyos ama..." Naka ngiting sinasabi ito ni Totax sa akin na itinuturo pa niya ang itaas ibig sabihin yong Diyos Ama sa langit. "Ibalik mo ang kaluluwa ng Tita ko... at yong asawa niya na si Tito Bem, Saan mo dinala yong Katawan niya.?" Tanong ko kay Totax. "Sasagutin ko yang Tanong mo Kapatid, pero hayaan mo muna ipagpatuloy ko yong Nangyaring Kasunduan na nilagdaan ng Tita Gina mo. Alam mo nagtagumpay kami sa pagsingil ng Buhay ng Tita Mo. pero Kasama dapat ang boung Buhay ng Pamilya niya, pero nabuhay ang mga Bata. Dahil NakiAlam na nga Kayo. kaya si Bem na Ama nila mismo ang Kinuha namin. Ngayon, Kung Gusto mo ibalik namin ang Ama ng mga Pinsan mo, Dapat pumayag ka sa Gusto ko Kapatid...." Nakataas ang isang kilay niya habang hawak ng Kaliwang kamay niya ang Baba na ang siko ay nakatuko sa Tuhod niya. "Ano yung gusto mo traydor...!" Tanong ko kaagad kay Totax. "May kasulatan akong dala dito, At gusto ko na magkaroon tayo ng Kasunduan... pagbibigyan ko lahat ng ihihiling mo, Ibalik si Bem na Buhay para sa mga Anak niya. pero Ang Tita mo ay Hindi na kasi Pag aari na siya ng Kadiliman... Ano Payag ka ba kapatid...? heto at kukunin ko ang Lalagdaan mo ng Dugo....." Kinuha ni Totax ang papel na parang Tela tulad nong una niyang pinakita sa akin. kaso wala pang Marka ng Dugo ito. inabot niya sa akin at Kinuha ko at Binasa ito.... Pero biglang Dumilim ang Paningin ko.... nag Iba ang Dimension ng Paligid at Nakita ko ang Lugar na Sinasabi ng Lahat na Empyerno...Abangan ang Susunod na Karugtong nitong Kwento, Dahil may mga Mangyayari pang mga Kababalaghan at Mysteryo. Dahil Malalaman ng mga Pinsan ko na Sina Kuya Bobet at Bong ang Kinakaharap kong Suliranin... Salamat at God Bless mga Kaibigan...
-Silent Rasta
Ps: Respeto sa Kapwa Tao... At Respeto sa Kanya kanyang Paniniwala ang Dapat Ipairal.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
KorkuThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree